08

1K 62 1
                                    

"...Baby?"

Napamulat naman ako ng  marinig ang boses ni Daddy at may yumakap sa bewang ko.

"Kanina pa po ba kayo?" Tanong  ko humarap sa kaniya at sinalubong naman ako nito ng halik sa pisngi.

"No. Baby, I miss you." Nakangusong saad nito at batid kung lasing na talaga.

"Ako din po." Sagot ko saka gumapang papunta sa may paanan ng kama at kinuha ang sapatos na suot nito at sinunod ang pantalon nito at iniwan ang short nito. Sinunod ko naman ang necktie niya at agad na sinimulan tanggalin ang pagkakabutones ng suot nitong damit pero hindi pa ako natatapos ay bigla na lang nitong niyakap ang bewang ko at sinubson sa tiyan ko ang mukha nito.

"Baby?"

"Ano po 'yun?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"I want to kiss you but my mouth tastes alcohol." Simula kasi ng nakaraan ay inuubo na ako kapag nakakatikim ng alak. Ewan, dati hindi naman ganoon pero bigla na lang naging gano'n. Kahit kaunti lang ang matikman ko ay inuubo agad ako at hindi iyon titigil kapag hindi ako nakakainom ng gamot.

"Magtoothbrush na lang po kaya kayo? Tsaka magpalit na rin po ng damit dahil amoy alak po talaga kayo. Hala! Sina Daddy astig at Kuya Pharex na saan na po? Umuwi na po ba sila?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Dito daw muna sila magse-sleep because Dad and Rex was drunk. Ayaw ni Mom na maaksidente sila so bukas na lang sila magleleave dito." Natawa naman ako sa halo-halo nitong tagalog at english pero tumango na lang ako saka tinulungan itong tumayo.

"Dahan-dahan lang po." Sambit ko habang paisa-isang hakbang kaming naglalakad. Patigil-tigil kasi siya at parang matutumba kaya inaalalayan ko pa.

"Baby?"

"Ye---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat ng bigla na lang ako nitong dinaganan kaya natumba kami sa sahig. Mabuti na lang at hindi nabagok ang ulo nito. Hayyy!

"Dahan-dahan lang po sabi eh. Tayo na po kayo." Pero umiling lang ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Let's sleep." Nakangiting saad nito.

"Pero magtoothbrush kapa at magbibihis." Natatawang saad ko.

"Oh, yeah. Let's go." Nailing na lang ako ng tumayo ito at muntek na namang matumba pero mabuti na lang at nahawakan ko kaagad sa braso.

Ayon at dahan-dahan na naman kaming pumunta sa banyo at halos ilang minuto rin bago kami nakarating.

Nakayakap lang naman ito sa akin mula sa likod habang ako naman ay nilalagyan ng toothpaste ang toothbrush nito at ng matapos ay ako na rin ang nagtoothbrush sa kaniya. "Anong---"

Nagulat ako ng bigla na lang ako nitong buhatin at paupuin sa may sink. "So you can abot me."  Napatango-tango naman ako habang natatawa.

Naghahalo na ang english at tagalog niya talaga.

Napansin ko naman itong nakatitig sa akin kaya napatigil naman ako sandali pero agad ring nagpatuloy at hinayaan siya.

Nang matapos ay kumuha na ako ng tubig at minumugan siya at kumuha ng towel para punasan ang labi nito. "Sandali po. Dito muna kayo. Kukuha lang ako ng bagong damit." Paalam ko sa kaniya at iniwan doong nakasandal lang sa pader.

Napatingin naman ako sa closet nito pero pang alis ang naroroon kaya pumunta ako sa cabinet at doon naghanap at may nakita naman akong pantulog doon kaya iyon na lang ang kinuha ko.

Makaraan ang ilang sandali ay bumalik naman ako kung saan ko siya iniwan pero nagtaka naman ako ng wala na siya roon. "Daddy?" Tawag ko sa kaniya saka napatingin sa bathroom.

Nilagay ko muna sa lababo ang pantulog nito.

Dahil malaki ito ay kailangan ko pang magpalinga- linga. Merong dalawang pinto doon. Para sa liguan talaga at isa ay may tub---malaking tub.

Binuksan ko naman muna ang doon sa may tub dahil baka nandoon ito pero wala.

Sinunod ko namang binuksan ang liguan pero agad ring nagulat ng may himigit sa akin kaya nabasa ako ng tubig. "Bakit niyo po ako hinigit? Nabasa po tuloy ako----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang nitong angkinin ang labi ko dahilan para mapakapit naman ako ng mahigpit sa braso nito lalo na ng pumasok ang ang dila nito sa loob ng bibig ko.

"I really want to kiss you." Habol ang hiningang isinubsob ko naman sa dibdib nito ang mukha ko dahik nararamdaman ko na namang nag-iinit ito. "Pft. You're stil cute, huh? Okay. Let's get outta here." Pinatay nito ang shower at bigla na lang akong binuhat kaya napakapit naman ako sa leeg nito.

Nang makarating na sa lababo ay ibinaba naman ako nito saka hinalikan sa pisngi at niyakap na naman ulit.

Kinuha ko naman ang pajama at towel saka ibinigay iyon sa kaniya. "Magbihis ka na po. Baka lamigin ka." Ngumiti naman ito saka hinalikan pa ulit ako sa labi bago kinuha ang pantulog at towel saka umalis.

Makaraan ang ilang sandali ay bumalik naman ito habang tinutuyo na ang buhok at nagtatakang tumingin sa akin. "Bakit hindi ka pa nagbibihis?"

Doon ko lang rin narealize na nabasa na rin pala ako.

"Wait here. Kukuha ako." Ibinigay naman nito sa akin ang towel saka lumabas at maya-maya ay bumalik rin na may dala-dalang pantulog ko. Pero biglang nagring ang cellphone nito na nasa kama.

"Sandali. Baka importante." Tumango lang naman ako saka nagbihis na ng umalis ito. Nang matapos ay nagtoothbrush na rin ako bago tuluyang lumabas.

Naabotan ko itong may kausap pa rin sa cellphone pero hinayaan ko na lang at dumeritso na sa may harap ng salamin dahil tutuyuin ko pa ang buhok ko. Blower na lang ang gagamitin ko para mabilis. Inaantok na din kasi ako.

Maya-maya ay may yumakap naman sa akin mula sa likuran at hinalikan ako sa pisngi. "You smell like a fresh blueberry." Sambit nito at hinalikan ulit ako sa pisngi bago kinuha ang blower sa kamay ko at siya na ang nagtuyo ng buhok ko.

Nang matapos ang akin ay kaniya naman na ang sinunod kung tuyuin. Humupa na ata ang kalasingan nito. Medyo naayos na siya.

Nang matapos na nga ay dumeritso na  kami sa kama at natulog na. Dahil na rin siguro sa sobrang antok ay nakatulog na rin kami kaagad.


THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now