52

662 30 4
                                    

Miss ko na si Daddy...

Wala pa rin kasing signal at kung meron man ay napakahina naman kaya hindi rin pumapasok 'yung mga text ko.

Andito lang ako ngayon sa loob ng tent namin at kumakain ng chichirya habang nagpapamusic at nagtitingin-tingin sa mga litrato na kinuha ko.

Maya-maya ay natawa naman ako ng biglang lumitaw ang mukha ni Az at Lie matapos ko iswipe ang screen. Masyadong malapit ang mukha nil sa screen kaya masyadong epic ang kuha. Hindi ko maiwasang matawa at ng tingnan ulit ay natawa na naman ako. Iniwan ko na lang ang camera ko doon at kinuha ang cellphone saka doon naghanap ng litrato pero agad ring natawa ulit ng makita ang square na isda.

Nakakatawa talaga 'yung mukha eh.

Square siya na kulay yellow. Siya iyong isda sa anime na pinapanood ko. Ang laughtrip lang ng mukha niya. Para siyang watermelon sa gilid tapos square 'yung mukha.  Spongebob na kulang sa tulog ata 'yun HAHAHA.

Natigil lang ako ng pumasok si Nikki sa tent. "Anong tinatawanan mo diyan?" Tanong niya kaya ipinakita ko naman ang mukha ng isda pero hindi siya natawa. "Anong meron diyan?" Inosenteng tanong pa niya.

"A-Ah wala hehe. Bakit ka pala andito?" Tanong ko na lang.

Hindi niya ata gets dahil hindi niya napanood 'yung anime.

"Aayain sana kitang maglaro. Naglalaro kasi kami sa labas, gusto mo bang sumali. Masaya, pramis!"

"Hm...sige." Sagot ko saka sumunod sa kaniyang lumabas. Wala naman kasi akong masyadong ginagawa kaya maglalaro na lang ako.

Dalawang grupo iyon at nasa grupo ako nila Az. Merong bola na gawa sa papel at iyon ang ibabato sa iyo ng kalaban. Kapag natamaan ka out ka na. Kaya dapat hindi ka matamaan para hindi kayo matalo.

Ipinaliwanag muna nila sa akin ang mga dapat na gawin kaya nakinig naman ako at ng matapos ay agad na kaming nagsimula.

Kami iyong babatohin. Grupo nila Nixxon 'yung magbabato. Si Kyt ang may hawak ng bola at bigla na lang itong inihagis kaya agad kaming tumakbo papunta sa kabilang parte para hindi matamaan sa susunod na tira.

Biglang ibinato ni Axel iyong bola at natamaan kaagad si Sona kaya na-out agad ito.

Tumakbo ulit kami papunta sa kabila para maiwasan ang susunod na tira. Nag-enjoy naman ako sa pagtakbo-takbo at papunta't parito at pag-iwas sa bola. Kaya hindi ko namalayan na kaming dalawa na lang ni Az ang natitira. Na-out na kasi lahat ng kasama namin.

Nanatili na kaming sa gitna dahil above the head na ang pasahan ng kalaban namin. Anytime ay ihahagis nila ang bola papunta sa amin. At inihagis nga nila ito. Kaya agad akong umiwas at tumingin sa likuran at yumuko ng inihagis nila ulit ito. Natamaan si Az kaya na-out siya kaya ako na lang ang natira.

"Galingan mo, Rin! Tatlong iwas lang at balik na kami diyan sa loob." Sigaw ni Az kaya tumango naman ako.

Above the head na naman ang pasahan nila kaya hindi counted iyon. Walang puntos. Pabalik-balik naman ako ng tingin sa kaliwa't kanan at agad na yumuko ng inihagis ni Axel ang bola. Rinig ko pa ang hagupit sa hangin ng bola ng dumaan ito.

Ayaw ko atang matamaan nun.

"Ayosin mo naman ang hagis." Sigaw sa kaniya ni Nixxon.

"Edi ikaw gumawa." Bawi rin ng isa.

Pero hindi ako nag padistract at nagpatuloy lang sa pagbabantay sa sunod nilang galaw. Above the head pa rin ang pasahan pero nakakaisang puntos na ako dahil sa kanina ng hindi ako matamaan ni Axel.

Biglang inihagis naman ni Nixxon ang bola pero nakaikot ako agad pakaliwa para iwasan iyon.

"Two points!" Sigaw ng mga kakampi ko.

Napalunok naman ako dahil titindi humagis ng dalawa. Dinig na dinig ko ang impact eh.

Dapat hindi ako matamaan. Tama. Tama. Isa na lang at babalik na ang iba. Isa na lang.

Pasahan naman ulit sila kaya naman nagbantay na ulit ako. Nasa kanilang dalawa lang napupunta ang bola at ang iba nilang kasama ay nakatingin lang.

Napakurap-kurap naman ako ng makitang inihagis na lang bigla ni Axel ang bola. Kinabahan naman ako bigla at hindi alam ang gagawin kaya napayuko na lang ako at tinabunan ng mga kamay ang ulo pero walang tumama kaya napatingin naman ako kung nasaan ang bola pero hinahabol na ito ng kalaban.

"Three! Pasok na ulit." Sigaw ni Lie kaya pumasok na lahat ng kasama namin.

"Bangis mo pala Rin eh." Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Az.

Nagpatuloy ang laro pero hindi na kami nakaulit. Naubos kaming lahat ng kalaban kaya sila na ang tumatakbo ngayon at kami naman ang tumitira.

Ang saya-saya lang dahil sa damuhan lang kami naglalaro kaya kahit madapa ay hindi masyadong magagasgas ang mga balat namin dahil naka pants naman karamihan sa amin.

At nang magtanghali ay sabay-sabay kaming nananghalian lahat at pagkatapos ay nagpahinga.

Nag-aya si Az na maligo ulit doon sa me talon dahil hindi niya daw ba enjoy at sumama naman kami. Maliban sa iba na magpapahinga na lang raw at kina Sir saka ng mga tour guide na busy rin sa mga ginagawa.

Nang makarating doon sa talon ay agad kaming nagtampisaw at nauwi rin sa laro kinalaunan. Patagalan sa paghinga, pabilisan lumangoy at iba pang laro. Ako naman ay sali lang ng sali kasi nag-eenjoy naman ako.

At nang makauwi ay pareho kaming lahat na pagod kaya maagang nakatulog.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now