54

644 32 1
                                    

"Fuck this! Wala pa rin ba?!" Naiinis na sigaw ko pero umiling lang si Krenx dahilan para masuntok ko na lang ang mesang nasa harapan.

"Matik na kasi 'yun. Nasa ilalim sila ng bundok, hindi sa taas. Masyado kang nag-aalala eh."

"Kris, I feel something is off today. Mula kanina pa ako hindi mapakali. I'm not like this, you know that. Kaya mas nag-aalala ako kasi hindi ko alam kung ano 'yun."

"Kung may binabalak ka ay huwag mo ng ituloy. Kabaliwan na suongin ang bagyo, Boss. Kapag natapos ang bagyo ay pwedeng-pwede tayo umalis pero habang ganito pa ang sitwasyon ay mananatili talaga tayo rito. Sa gusto ko o sa hindi."

Damn this! I'm worried rightnow but I can do nothing.

"Pero paano kung may nangyari talaga sa kaniya? Paano kung hinihintay na niya ako ngayon dun? Anong gagawin ko?! I can't even contact him. Tanginang bagyo, bwesit!"

"Relax. Walang magagawa ang galit mo. Hindi nun mapapatigil ang bagyo, boss. Sa ngayon ay trabahuhin mo na lang ang mga bagay-bagay na kailangan mong gawin dito para kapag wala na ang bagyo ay makakauwi na agad tayo sa Pilipinas."

"Hindi ako makakapagtrabaho ng ganito ang sitwasyon, Kris."

"But this is important, boss."

"But Rin is important the most, Kris!"

"I know that very well. Pero wala nga tayong magagawa. Ang tindi ng bagyo ngayon. Bawal bumyahe. Pwede tayong mapahamak kapag ipinilit mo. Kuntinh-tiis lang boss. Hindi naman siya pababayaan ng mga kasama niya dun."

"Tsk!"

I want to go home. I want to see if Rin is really okay there. Wala akong pakialam kahit na hindi ko maiclose ang meeting dito. Gusto ko lang makita siya, makita siyang maayos.

Pero paano ko gagawin 'yun kung andito ako, malayo sa kaniya. Andito ako at walang magawa. Nakakainis!

Sana huwag kang magalit sa akin, Rin. Sana maayos ka lang diyan ngayon. I really miss you rightnow, pero tadhana ata ang pumipigil para makita kita.

At wala nga akong nagawa kung hindi ituloy na lang ang trabaho ko. Tama si Krenx, mas wala akong magagawa kapag nagmukmok ako rito. Kailangan kung tapusin kaagad ang mga trabaho ko rito para kapag wala na ang bagyo ay makauwi na agad ako.

Umalis na ako sa opisina ko at pumunta na sa meeting. Plano kasi naming magtayo ng mall dito. And also in other countries too. Kailangan ko na lang kausapin ang mga kasama ko sa project na ito para masiguradong walang magiging problema kapag nasimulan na.

Rightnow si Pharex ang umaasikaso sa California. Si Dad ang umaasikaso ng sa Philippines.

Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang pumasok mg office. Nang msgsimula ang meeting ay hindi na muna ako nag-isip ng ibang bagay. Mas ifinucos ko na lang roon ang atensiyon. Ipinaliwanag kung ano ang magiging takbo ng plano at nakinig sa mga suggestions nila. Nagiging maayos na ngayon ang pakikipag-usap ko sa kanila dahil tinuruan ako ng isang tao tungkol doon.

Dati rati ay palaging pagalit at nagmamadali ako kung mag-utos at magsalita. Kapag may hindi nagustuhan ay agad na sisigaw. Tsk! Too bad, huh?

Mabuti na lang binago mo'ko...

Gumanda naman kahit papaano ang mood ko dahil roon kaya nagpatuloy na ako sa pakikipag-usap sa mga ka-meeting ko ngayon. In the end ay naging maayos nga iyon.

Dumeritso lang muna ako sa opisina ko saka nagpahinga sandali. "Krenx, gisingin mo'ko after 30 minutes. Kailangan ko pang puntahan si Mr. Duviean."

"Got it, boss."

Natulog na muna ako para makapagpahinga. Simula ng dumating ako rito ay palaging kulang o bitin ang tulog ko. Marami kasing kailangang asikasuhin.

Sa mga panahon na nakakapagpahinga ako ay agad ko namang tinatawagan at tinetext si Rin pero wala akong sagot na natatanggap.

I hope you're really fine there.

Matapos nga ang kalahating oras ay ginising na ako ni Krenx kaya agad na akong nag-ayos at sinuot ang coat ko saka umalis para puntahan si Mr. Duviean.

Kagaya ng naunang meeting ay agad ko rin iyong na-eclose ng walang problema.

At sumunod pa ang ibang meetings at ibang trabaho kaya hindi ko na namalayan ang pagdaan ng mga araw. Masyado akong natutok sa mga iyon.

Nawala na rin ang bagyo. Maayos na ang panahon kaya pwede na kaming umuwi ng Pilipinas. Tinapos ko talaga lahat ng kailangang tapusin  kaya ngayon ay wala na akong problema.

Makakauwi na rin ako sa wakas.

Makikita ko na rin si Rin.

"Ayos na ba lahat Krenx? Wala na ba tayong problema?" Tanong ko sa kaniya habang nag-aayos.

Actually kakatapos lang ng huling meeting ko kanina. Kaya kakauwi ko lang pero ayaw  ko ng maghintay pa ng bukas para umuwi. Wala akong pakialam kung pagod ang katawan ko. Makita ko lang si Rin na maayos ay mawawala na rin naman lahat ng pagod ko na nararamdaman.

Matapos maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at dumeritso sa baba. Agad naman akong sinalubong ni Krenx at sabay na lumabas ng building at sumakay ng kotse at dumeritso na sa airport.

Habang nasa biyahe ay sinusubukan ko pa ring tawagan ang numero ni Rin pero wala talagang sumasagot. Nasabi na niya ito ng nakaraan nung nagtext kami. Mahina raw talaga ang signal roon. Mabuti nga raw at kahit papaano ay meron ng araw na iyon kaya nakapag-usap pa kami. Pero nang ilang araw pa ay wala na talaga. Siguro dahil masyadong mababa ang lugar na iyon.

Sinubukan ko pa ulit ng isang beses at hinintay na nay sumagot pero wala talaga kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Magpahinga ka na muna boss. Gigisingin na lang kita mamaya kapag nakarating na tayo sa airport. Malayo pa iyon kaya nakakapagpahinga ka pa kahit papaano." Tumango lang ako saka ipinikit ang mga mata ko.

Nakatulog nga ako. Dala na rin siguro ng pagod. Kusang pumikit na lang ang mga talukap ng mga mata ko at bumagsak ang katawan ko.

Medyo malayo pa ang airport mula sa pinanggalingan namin kaya makapagpahinga pa ako. Magpapahinga na lang ulit ako mamaya sa eroplano para pagdating sa Pilipinas ay may lakas na ako para puntahan si Rin.

Alam kung kapag hindi ako nagpahinga ay baka bumagsak na lang ang katawan ko pag-uwi ko doon.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now