02

1.5K 73 5
                                    

"Doon tayo." Turo ko sa mesa na bakante.

"Okay." Saad naman nito at inakbayan na naman ako papunta doon.

"Ang hilig mo ding umakbay sa akin, noh?" Siguro dahil pandak pa rin ako para sa kaniya. Lahat ata ng mga nasa paligid ko ay palagi akong inaakbayan.

"Why? Do you feel uncomfortable?" Tanong nito kaya agad naman akong umiling.

"Hindi naman sa gano'n. Napapansin ko lang kasi na palagi na lang kayong umaakbay sa akin eh. Ano ba meron sa balikat ko?" Tanong ko at saka naupo na at tumabi naman ito sa akin pero nabigla ako ng inilapit na lang nito ang mukha at deritsong nakatingin sa akin.

"Maybe... a magic?" Tanong nito kaya kumunot naman ang noo ko saka inilipat ang paningin sa pagkain ko.

"Kumain ka na nga lang." Saad ko saka kinuha ang slice ng pizza saka kumagat.

"Pft. Still cute, huh?"

"Huh?" Tanong ko sa kaniya ng hindi marinig ng maayos ang sinabi nito.

"I said that you are still cute." Agad naman akong nakaramdam ng hiya pero ngumiti lang naman ako.

"T-Thank you?" Tinawanan lang naman ako nito kaya napakamot na lang ako ulit ng ulo saka nagpatuloy na sa pagkain.

Maya-maya ay bigla ko ng nakita ang iba naming mga kaklase kaya naman kumaway ako at agad naman nila akong napansin pero dumeritso muna sila sa pila para kunin ang pagkain nila.

"Tsk. They looking at you again." Napatingin naman ako kay Nixxon ng magsalita ito.

"Sino?" Tanong ko naman sa kaniya saka inayos ang buhok nito na nagulo.

"All of them." Napatingin naman ako sa paligid at agad na nakita ang mga tao nga nakatingin nga sa akin. Agad naman akong mas lalong tumabi kay Nixxon dahil parang naiilang ako. "Uncomfortable?" Tumango naman ako.

"Bakit sila nakatingin sa akin?" Pabulong na tanong ko sa kaniya.

"You're so attractive, that's why." Sagot naman nito kaya naman napakamot naman ako ng ulo.

"Ano namang attractive sa akin?" Tanong ko pa ulit.

"Lahat." Nakangising saad nito saka pinitik ng mahina ang ilong ko.

Attractive raw ako? Walang maniniwala. Pati ako ay hindi din naniniwala.

"Rin! Bakit ka nang-iiwan. Hindi ko man lang kami hinintay." Napabaling naman ako kay Az ng magsalita ito.

"Pasensiya na. Inaya kasi ako ni Nixxon eh kaya hindi na kami nakabalik ng room." Pagpapaliwanag ko pa saka kumagat sa cupcake.

"Akala namin may nangyari na sayo, eh. Mabuti at kasama mo pala 'tong si Nixxon." Tumango-tango naman ako saka kumagat ulit.

"Ang sarap ng cupcake." Saad ko at napatingin sa kanila at nakita kung nakatingin sila sa tray nila pero wala silang cupcake.

"Even in foods your above on us, hm?" Tatawa-tawang saad ni Nixxon kaya napakamot  naman ako ng ulo.

"Akala ko pare-pareho ang pagkain natin? Bakit iba yung sa inyo kesa sa akin?" Tanong ko saka tumayo. "Sandali, magtatanong ako sa Chef."

"Ayown! Nice one, Rin!" Sigaw nila kaya nahiya naman ako dahil pinagtitinginan na naman ako ng ibang estudyante kaya napapayuko naman akong dumaan saka pumunta sa may Manang na nagseserve.

"May kailangan ba kayo, Mr. Jimenez?" Agad na tanong nito ng makita ako.

"Ahm... kasi po yung cupcakes. Meron pa po ba?" Inosenteng tanong ko. Ngumiti naman ito at may tinawagan at maya-maya lang ay lumabas na ang chef mula sa may pintuan na may dalang boxes ng cupcakes.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Where stories live. Discover now