61

667 37 1
                                    

"Daddy, bili tayo nun. Mukhang masarap eh." Turo ko sa isang burger na marami 'yung cheese at patty.

"You want that?"

"Opo. Pwede po ba?"

"Of course. Lahat ng gusto mo, bibilhin natin." Nakangiting saad nito at pinisil ang pisngi ko saka kumindat. "Let's go inside." Excited naman akong tumango saka pumasok sa loob ng restaurant ata.

Nasa labas na kasi kami at papunta ng grocery store kaso bigla kung nakita 'yung malaking poster ng burger na mukhang masarap.

Naupo kami sa isang table na nadodoon at nakita kung maraming tao. Siguro masarap talaga 'yung burger at mga pagkain dito!

"Mukhang takam na takam ka talaga, ah?" Natatawang tanong nito.

"Mukhang masarap po eh."

"Then we should order it now. Para makain mo na kaagad." Nakangiting asik nito at tinawag ang isang waiter.

Binigyan kami nito ng menu pero hindi ko binuksan iyong akin. Dumungaw ako doon sa ke Daddy saka tinuro 'yung burger, pasta, chicken with hot sauce, fries with a hot cheese and coke float.

"Lahat ng itinuro niya then mine is coffee."

"Is that all, Sir?"

"Yes."

"Let me repeat it again, Sir. Big party burger with extreme cheese, red island pasta, chicken with hot sauce, mega fries with hot cheese on the side, coke float in large size and cup of coffee, Sir?"

"Yes."

"Just wait five to ten minute, Sir." Matapos nun ay umalis na ito.

"Kaya mo bang ubusin lahat ng 'yun?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Mukhang masasarap po kasi lahat eh. Tulungan niyo na lang po akong ubusin 'yun." Nakangiting sagot ko.

"Baby, even the both of us it those foods...hindi natin mauubos lahat ng 'yun. Puro nasa large size ang inorder mo eh. And I'm still full."

"But I want to eat those...with you." Nakangusong saad ko habang nakababa ang tingin sa mga paa.

"O-Okay. We gonna eat it together, okay? I-I'm just joking. Gutom pa talaga ako.  Don't be sad, okay." Bugkang saad niya kaya ngumiti naman ako kaagad.

"Okay po." Masayang sagot ko.

Maya-maya lang ay dumating na nga ang pagkain namin kaya sayang-saya naman ako. Mukhang masasarap nga lahat!

"Ang...ang lalaki, ah?"

"Ano po?" Tanong ko sa kaniya ng hindi marinig ang sinabi nito.

"Oh, nothing. Let's eat?" Tumango naman ako saka kinuha ang burger na halos kasing laki na ng ulo ko. Ang laki!

Agad naman akong kunagat pero ang liit-liit lang ng nabawas ko.

"Hey baby, hatiin muna natin. Mahihirapan ka kapag ganiyan." Tumango naman ako saka ibinaba iyon sa plate ko.

Ipinahiwa naman niya ito doon sa waiter sa apat na parte kaya naman lumiit na at madali ng kainin.

Nagsimula na ulit akong kumain pero napansin ko si Daddy na hindi masyadong ginagalaw ang pagkain niya. "Ayaw niyo po ba?" Tanong ko habang ngumunguya.

Agad naman itong kumuha ng tissue saka dumukwang at nilinis ang gilid ng  labi ko. "Eat slowly. No, I will eat those, don't worry." Nakangiting sagot nito kaya ngumiti rin ako saka kumagat sa burger ko hanggang sa maubos ko ang hawak ko na isang slice.

Pagkatapos ay agad ko namang nilantakan ang manok na namumula dahil sa sauce nito na maanghang pero masarap. Habang si Daddy naman 'yung linis ng linis sa labi ko dahil napupunta na doon ang ibang sauce.

"Ang cute niya."
"Ang ganang kumain."
"Si Mr. Falcon 'yan, diba?"
"Ang gwapo!"
"Sana ganiyan rin ang anak ko in the future."

At sari-saring bulungan ng iba sa paligid namin na nanonood pala. Nahiya naman ako bigla na kumain.

"Don't worry about them. Just enjoy eating." Nakangiting saad naman ni Daddy kaya ngumiti naman ako saka tumango at sinimulan ng kainin ang fries.

Ang pasta ang siyang kinain ni Daddy.

Meron talagang isang bowl ng cheese na kasama 'yung fries. Sarap! Mahilig pa naman ako sa cheese.

Pero hindi ko rin naubos lahat ng iyon sa huli kaya ipinatake-out na lang ni Daddy.

Hawak-hawak ko ngayon ang malaking coke float na binili habang kumukuha ng mga grocery.

Naging foodtrip 'yung dapat ay grocery. Mas madaming oras pa 'yung iginugol namin sa pagkain kesa sa paggogrocery ng dahil sa akin.

Ang takaw mo kasi Rin!

Napanguso naman ako saka agad na humigop sa iniinom saka napanguso ulit.

"Are you okay?" Napataas naman ako ng tingin sa biglang nagtanong.

"Oh..."

"Long time no see." Nakangiting saad nito.

"Kilala ko po ba kayo?" Tanong ko pero ngumiti lang ito.

"It's nice to see how you grow up so fast, Rin."

Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko talaga kilala ang nasa harapan ko ngayon. Pero bakit niya ako kilala?

"Sino po ba kayo?" Tanong ko pa ulit sa kaniya.

"I'm the one who will give you an happy ending, Rin." Nakangiting saad pa rin nito. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabonan ito ng sombrero at glasses.

"Ano po bang sinasabi niyo?" Tanong ko at lumapit naman ito at bumulong sa tenga ko. At bawat katagang sinasabi nito ay natitigilan at napapalunok ako.

Naestatwa na lang ako doon at hindi namalayang nakaalis na ito at naiwan na ako doon na mag-isa.

Napakurap-kurap na lang ako ng maramdamang may tumatapik sa balikat ko. Napatingin naman ako doon at nakita si Daddy.

"Are you okay?" Tanong nito na halata ang pag-aalala sa mukha.

"Ayos lang po. May nakita lang po akong kakilala." Nakangiting saad ko.

"Ganun ba? Tapos ka na ba? Punta na tayo counter." Saad nito.

"Sige po." Sagot ko naman ay itinulak na ang cart ko papunta sa counter.

THE TEN MILLION BID (Volume 02) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon