Kasal na siya. Kasal na siya kay Berenice. Kahit sa papel man o totohanan hindi pa rin maipagkakailang kasal na siyang tao. Ayaw kong masira ang tali'ng iyon sa pagitan nila dahil lang sa akin. At kahit na alam ko na sa sarili ko na mahal ko pa rin siya, ayaw kong mauwing kaawa-awa dahil lang sa naghabol ako sa kaniya.


Alam ko ang lugar ko at kahit anong mangyari ay hindi ko gugustuhing lumampas pa doon. Nakaya ko ngang mabuhay ng dalawampu't siyam na taon na tanging pamilya lang ang kasama, paniguradong kaya ko rin 'yong gawin sa mga darating pang taon. Depende na lang kung bubuksan ko ulit ang puso ko sa iba.


"T-tell me... T-tell me the truth..." Unti-unting humina ang mga hikbi niya. "...h-hindi na ba ako? H-huli na ba ako? Sabihin mo sa'kin... k-kayo ba ni Andrew?"


Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing humihigpit ang yakap niya sa akin, iyong tipong ayaw niya akong bitawan dahil ano mang oras ay maaari akong mawala sa pagkakahawak niya.


Hirap kong nilunok ang butil sa aking lalamunan bago pigil hiningang nagsalita. "L-lasing ka... sa susunod na lang tayo mag-usap—"


"Sagutin mo 'ko! K-kayo na ba?! 'Yong kahapon... 'yung pagyakap niya sa'yo. A-anong ibig sabihin no'n?!" Bakas sa boses niya ang takot.


Kagat labi akong napailing. Para saan naman kung sasagutin ko ang tanong niyang 'yon? Paano kung totoo? Paano kung hindi? Ano namang pakialam niya 'di ba?


"Bitawan mo na ako, please..."


"Mahal pa rin kita... Miss Police..."


At sa mga salita lamang na 'yon, nagsimulang manginig ang labi ko sa pagpipigil na mapaiyak. My tears rolled down my eyes. Basta na lang silang nagsilabasan at hindi ko na napigilan. Nagsimulang sumakit ang dibdib ko.


"Mahal na mahal pa rin kita..."


Agad na dumapo ang mga kamay ko sa aking bibig para lang pigilan ang hikbing gustong kumawala. I tried my very best to moved and shooked my head.


"L-lasing ka lang..." My voice trembled.


"Alam ko at alam ko rin kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko! Lasing lang ako pero nagsasabi ako ng totoo! Mahal kita at tanggap kita! Kung... kung pwede ko lang ibalik sa dati ang lahat... gusto kong itama ang mga mali ko. G-gusto kong palitan ang mga iyak mo noon ng ngiti... kung pwede ko lang 'yong gawin..." Halos hindi ko na rin marinig ng maayos ang mga salita niya dahil sa walang tigil niyang hikbi. "G-give me another chance... give me a chance to prove myself. Hayaan mo 'kong ipakita sa'yong mahal pa rin kita. Hayaan mo 'kong ipaglaban ka... Hayaan mo 'kong ipakita sa'yo ang mga bagay na hindi ko nagawa noon. Hayaan mo akong gawin 'yon lahat... please... please... Let me... please... W-wala na akong hihilingin pang iba... I just need those chances... please..."


Hindi ko na rin napigilan ang iyak ko ng unti-unti siyang lumuhod habang nakayakap sa akin. Bakit... bakit nasasaktan ako ng tudo dahil sa mga pinagsasabi niya?


Gusto kong gawin niya iyon lahat... gusto kong makita ang mga gagawin niya... gusto kong makita kung paano niya ipaparamdam 'yon sa akin.


Pero paano ko 'yon gagawin? Paano ko 'yon sasabihin? Dahil sa tuwing naalala ko kung ano ang meron sa kanila ni Berenice, sumasakit ang dibdib ko. Pakiramdam ko mawawasak ako.


Anong gagawin ko? Ayaw kong aminin sa kaniya ang nararamdaman ko dahil alam kong mas magiging komplikado lang ang lahat. Mas mahihirapan akong gawin ang mga plano ko.


Please, Phoebe... isipin mo ulit kung bakit ka nandito. Isipin mo kung ano ang dahilan para magtake ng risk para makita siya. Iyon ay para tulungan siya para linisin ang pangalan at buhay niya 'di ba? Pakiusap huwag mo munang unahin ang ibang bagay. Unahin mo ang makakapagpagaan sa isip mo. Kung totoong mahal mo siya... tulungan mo muna siya. Hindi makakatulong kung uunahin mo ang nararamdaman mo kaya pakiusap... huwag na muna ngayon.


OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now