CHAPTER TWENTY-FIVE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Opo! Gustong-gusto ko." Ngunit agad nawala ang kagalakan sa kaniyang boses nang may mapagtanto. "Kaso mukhang matagal pa po bago ko maranasang pumasok."



"I'll help you! Even in your mom's bill." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya na animong hindi naniniwala. "Mamaya, after my class, I'll see you... I want to pay your mom's bill."



"Talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong nito na agad kong ikinatango. "Thank you po! Pagpalain po sana kayo sa kabaitan niyo!"


Napangiti ako dahil sa ngiting nakita ko sa kaniya. Nararamdaman ko ang pagkasabik niyang pumunta sa ospital para mabayaran ang bill ng kaniyang ina.

"I should be the one to thank you... and I'm sorry dahil sa nagawa ko sa paninda mo... Oh wait!" Dahan-dahan kong kinuha ang aking pitaka upang kumuha ng pera at ibigay sa kaniya.


"Naku po, Miss! Napakalaki po ng limang libo. Limang daan lamang po ang kailangan ko sa paninda ko." Nararamdaman ko ang panginginig ng kaniyang boses. "Sobra-sobra na po ito."


"No... and please call me ate, okay?" Lumuhod ako upang magpantay kami. "You deserve this kind of blessing dahil napakabuti mong bata."


Napangiti ako nang siya na ang kusang yumakap sa 'kin at muling napaluha dahil sa sayang tila nararamdaman niya.


"Don't cry, okay? Ate might also cry, e," pagbibiro ko na ikinahiwalay niya ng yakap sa 'kin upang punasan ang kaniyang luha.


Abala ako sa pagtulong sa kaniya sa pagpunas nang napansin ko ang ibang taong papalapit sa aming puwesto. Napatayo naman ako at bahagyang inakbayan si Teresa bago hinarap ang mga taong papalapit sa 'min na hindi ko namalayang hawak-hawak na ang mga paninda ni Teresa na natapon.


"I don't personally know you but..." Nagulat ako nang bigla siyang nag-abot ng pera sa bata. "Please, tanggapin mo 'to. Hindi man gaano kalaki pero sana makatulong pa rin."



Muli namang nagsimulang humikbi si Teresa hanggang sa tuluyan na itong muling umiyak. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mga taong nagbibigay tulong sa bata. Ngayon ko lang din napansin ang kaninang panindang kakanin na nakakalat sa kalsada, nilinis na pala ng ibang tao na hindi namin namamalayan.



Patuloy pa rin sa pag-abot ng tulong ang iba na mas ikinasaya ni Teresa na ikinatulo nang bahagya naman ng luha ko. Hindi ko man kamag-anak ang bata ngunit masaya ako dahil may mga tao pa ring mabubuti... na may tao pa ring may malasakit sa iba.


"See? You really deserve all of this... at maswerte ang nanay mo na may anak siyang kagaya mo so now, tumingin ka sa itaas." Sinunod naman niya ang aking sinabi. "Your dad, your angel is happily watching you because he knows that he's really lucky to have you as his daughter."


Naiiyak ako habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon. Thinking that as such a young age, Teresa has already experienced being left by the person she needs lalo pa't napakabata niya pa. I know na kung nasaan man ang kaniyang ama, he's literally the happiest, watching his daughter from above.


"Tara? Hatid kita sa inyo?" Pag-aya ko sa kaniya nang mapansin kong unti-unti nang nawawala ang ibang tao.


Tumango naman siya at siya na mismo ang naghawak sa aking kamay. Napangiti ako bago kami naglakad palapit sa sasakyan. Nagpasalamat muna kami sa mga taong naroroon at tumulong bago ko paandarin ang sasakyan.



"Gusto mo bang nakabukas ang bintana?" Tanong ko na ikinatango niya kung kaya't binuksan ko sa puwesto niya ang bintana.


Itinanong ko naman sa kaniya ang direksiyon papunta sa kanilang tahanan. Nang may mapansing drive through ay agad akong nag-order at hindi naman ako gaanong nagtagal sa paghihintay ng mga order dahil ilang minuto lang, nakarating na kami agad.


Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon