PROLOGUE

39.8K 737 20
                                    

Ano ba ang love?

Bakit ba may love?

Paano ba nagkakaroon ng love?

Bigla mo na lang ba itong mararamdaman? O kailangan pa itong paghandaan?

Kapag nagmamahal ka ba, ano ang kailangan mong gamitin? Ano ba ang dapat mong gawin? Ang paniwalaan ang sinasabi ng isip mo o sundin ang isinisigaw ng puso mo?

Sadyang mapaglaro ang tadhana. Wala itong pinipili... mayaman ka man o mahirap, maganda ka man o pangit, seryoso ka man o palabiro, childish ka man o mature, snob ka man o friendly, conservative ka man o liberated, masungit ka man o makulit, genius ka man o engot... takot ka mang magmahal o kaya'y sawa ka ng magmahal muli basta't nahagip ka ng radar ng mapaglarong tadhana, wala ka ng kawala.

Kung ayaw mong mamatay araw-araw emotionally, magpakamatay ka na lang kaagad physically... pero yun ay kung hahayaan kang mamatay ng tadhana nang hindi pa niya tapos paglaruan... pero kapag minalas ka at hindi ka niya hinayaan, mabubuhay ka pa rin physically pero mamatay ka naman araw-araw emotionally.

Yan ang pinagkaiba ng reality sa fantasy. Pero sa reality mo lang makikita ang tunay na kahulugan ng love. Sa reality mo lang mararanasan ang iba't ibang stages ng love. Sa reality ka lang matututo ng lessons tungkol sa love. Sa reality ka lang matututong pumili ng tamang tao. Sa reality ka lang matututong lumaban at maging matatag. Sa reality mo lang malalaman kung gaano ka katanga sa pag-ibig. At sa reality mo lang mararanasan kung paano magsakripisyo, magtiwala, at magmahal nang totoo para makabuo ng mabuting samahan.

Pero paano nga ba natin malalaman kung siya na ang "The One"? Mahuhulaan ba natin kung sino ang nakatakda sa atin? May signs bang binibigay kung nakita na natin ang ating "The One"? Nagbibigay ba ng mapa si Dora para madali nating mahanap ang ating "The One"? Nag-o-offer ba ng free internet ang Smart at Globe para mai-search natin sa google ang ating "The One"? O nagbibigay ng libreng ticket ang lahat ng airport para makapag-travel tayo all over the world para lang hanapin ang ating "The One"?

Eh paano kung nakita na natin ang ating "The One" pero hindi lang natin alam? Paano kung yung akala nating "The One" ay hindi naman pala? Paano kung yung taong kinamumuhian natin ang siyang matagal na nating hinahanap pero hindi natin napapansin dahil busy tayo sa pagpaplano ng ating forever sa maling tao?

Paano kung iba sa inaakala mo ang naging bunga? Madidiktahan mo ba ang tadhana? Mababago mo pa ba ang ikot ng mundo? O tatanggapin mo na lang na hindi siya ang para sayo?

Forever...

Eternal...

Infinity...

Destiny...

Serendipity...

Meant to be...

Mga salitang nagpagulo sa isip ko at nagpakumplikado ng mga bagay.

Mga salitang akala ko totoo at hindi na mababago kahit magbago man ang ikot ng mundo.

Pero biktima lang pala ako ng mapaglarong tadhana.

Hindi ako seryoso sa lalaki pero noong makilala ko siya, nagbago ang takbo ng buhay ko. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Nilagyan niya ng twist ang noo'y boring kong buhay. Dumating ang isa pang lalaki na siyang kinamuhian ko, marahil siya ang sumira sa forever at infinity namin. Hindi ko akalaing darating ang panahon na mahuhulog ang loob ko sa taong kinamumuhian ko't halos isumpa ko. Naisip ko na baka kaya kami pinagtagpo ng landas ay dahil kami talaga ang meant to be at gawa ito ng destiny.

Pero sino ba ang nararapat kong piliin? Sino ba talaga ang nakatakda sa akin? Nararapat ko bang pakinggan ang binibigkas ng aking isip o ang inaawit ng aking puso?

Mahirap magmahal nang sobra. Lahat gagawin mo para sa kanya. Matututo kang gawin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa simula nang mabuhay ka. Ibibigay mo ang lahat para ipakita na mahalaga siya. Pero ang tanong, sayo ba talaga siya o kasabwat lang siya ng tadhana para paglaruan ka?

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now