Napangiti tuloy ako habang naririto sa gilid at tahimik na nakikinig at nagbabantay rito. Ang tapang nito tingnan habang nagsasalita, mabuti’t hindi sinusumpong ngayon lalo’t nagdadalang-tao.

“Gusto ko rin pong idagdag about peace talk between the government and the armed group. No more peace talk na po, isang malaking kalokohan lang po ’yan. Noong ang aking ama pa ang kumander sa amin, tinatawanan lang nila ang gobyerno kapag may ganiyang nangyayari. Bakit? Kapag tigil ang putukan, mas nag-eexpand ang aming base at lumalakas lalo ang puwersa ng grupo. Nakakapaghakot kami lalo ng mga miyembro. Kaya naiisahan namin ang gobyerno...”

Huminga ako nang malalim habang matamang nakatingin dito. Damn, she really looks cute in her pink puff sleeve dress. Nakapusod ang buhok nito at may ilang hibla ng buhok na nakalawit. Napakaganda ng buhok nito, itim na itim at nangingintab lalo dahil sa liwanag.

Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha nito na tila bata kung tumingin. Kaharap nito ang ilang senador, habang may mga nakatutok sa kanila na camera. Corazon is sitting beside her. Lahat sila ay nagkuwento kung papaano sila napunta sa grupo ng mga rebelde. Ang iba pa sa kanila ay mga sumukong kabataan.

“Kailangang magtigil na ang recruitment sa mga paaralan, dahil halos lahat ng mga kadre ay nanggaling diyan. Itataya ko ang buhay ko para makasalba ng mga kabataan o sino pa man na nagnanais sumali sa grupong iyon. Huwag, kayo lang din ang mapapahamak. Sa mga kabataan diyan na isinasama sa mga gawain ng mga aktibista at mga rebelde, lumayo na kayo habang maaga pa. Kahit kailan ay hindi n’yo mababago ang bansa sa ganitong paraan, sa madugong paraan...”

Until now, she’s spreading information and awareness lalo na sa social media accounts niya, lalo na sa mga kabataan upang hindi na maligaw ng landas. Epektibo naman ang ginagawa namin at nito mismo upang mabawasan at tuluyang mawala ang puwersa ng mga rebelde sa lugar nila. Halos lahat na ata ng rebelde sa probinsiya nila ay sumuko na sa gobyerno at payapa na ang buhay.  Karamihan naman sa kanila ay pinilit lang na sumama sa armadong pakikibaka, ang iba pa ay natauhan na na wala silang mapapala sa ginagawa nila kundi gutom at pagod.

Napayapa ang lugar nila na ipinagpasalamat ng mga taga-roon. Nakakatulong din ang mga impormasyon na ibinibigay ni Aria sa tuwing may hearing, kapag may kailangang pag-usapan na related sa armadong grupo. Isa-isa niyang nilaglag ang mga pangalan ng mga taong may puwesto sa kongreso na konektado sa rebeldeng grupo. Kilala niya halos lahat, at karamihan ay mga high ranking CPP cadres, mga hasa na at matatagal na sa grupo.

That put her life in danger, mabuti na lang at nasa likod namin ang suporta ng pamilya ko at ng gobyerno.

Hindi rin ako nagsisisi na umalis ako sa military, dahil mas nabigyan ko ng pansin ang sarili kong pamilya na sobra-sobra ang ligaya na palaging hatid sa akin. I couldn’t ask for more.

At isa sa dahilan kung bakit hindi ko ibinigay ang liham ng ama niya sa kaniya ay dahil ayokong isugal niya na naman ang buhay niya roon sa kampo nila. No, never. ’Di baleng ako ang gagawa ng paraan para tapusin ang problema, huwag lang siya dahil ayokong mawala na naman siya sa akin. Iyon ang inaalala ko noong mga panahon na nakuha ko siya at itinago sa kampo.

Pinagtapos ko ng pag-aaral si Aria dahil iyon ang gusto niya, ang mag-aral. Magkasama pa rin sila ni Corazon, na isa sa mga kaibigan ko pa ang nakatuluyan.

But after my parents died, I was so devastated. Malalaki na ang mga apo nila sa akin, at napakasakit dahil hindi na namin sila makakasama pa sa mundong ito. 

Pinamanahan nila kami ng mga ari-arian na tila walang may gustong tumanggap. Pero dahil na rin sa pinaghirapan iyon ng magulang namin ay tinanggap na rin namin.

Napilitan tuloy kaming pansamantalang magbakasyon sa tinitirhan ngayon ni Kuya at ng asawa nito, para lang aliwin sandali ang isip. Kasa-kasama namin ang pamilya ni Ate nang magtungo sa Zambales.

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon