Chapter 81

777 36 5
                                    

Napaatras naman ako, habang siya ay nakangiti ng nakakaloko. Minumulto ba ako ngayon?

“Diba sinabi ko na magugulat ka,” natatawa niyang sabi.

“P-paano? I mean—patay ka na diba?” kinakabahan kong tanong.

“Aww~ Aviana~ hindi ka ba masaya na bumalik ako?” he playfully asked.

“Nakakasigurado akong patay ka na, Ang sabi nga ni Niko ay sinunog ka na raw—” Napatawa ito.

“Kakampi ko si Niko.” Natigilan ako sa sinabi niya.

“W-what?”

“Sinabi ni Niko kay Wilder na sinira daw niya 'yong mukha ko.... Pero ang hindi alam ni Wilder is ibang lalaki pala ang sinunog niya, hahahaha!” Imposible? Si Niko? Kakampi kay Mr Kim?

“Imposibleng—”

“Doon lang naman niya ako tinulungan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero ang alam ko. Doon ko lang siya kakampi, We're still rival, Aviana,” he said. Lumapit naman siya sa akin. At hinawakan 'yong kamay ko. He smiled at me. “Diba sinabi ko na sa'yo, if  mare-reincarnate man ako. Sisiguraduhin kong tayo ang magkakatuluyan. Ibig lang sabihin no'n. I would never let you go, Aviana. Kahit pa mamatay ako.”

Agad ko naman inalis 'yong kamay ko sa pagkakahawak niya at umatras. Habang hindi pa rin ako nakakaget-over sa nangyari.

Agad naman ako tumakbo at akmang pipihitin 'yong doorknob ng napahinto ako dahil agad siya nagsalita.

“I'll be watching you, Aviana.... See you later, my princess~” Agad ako tumakbo, pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon.

•••

Hinihingal akong napahinto sa pinto ng kwarto ko. This can't be, if dadagdag si Cyprus, siguradong mas lalong magkakagulo lahat.

Nagulat ako ng agad bumukas ang pinto at hinila ako ni Clai papasok. Ng tuluyan na akong makapasok ay agad niya nilock ang pinto.

Halatang galit ito dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha. Napalunok ako ng laway dahil sa takot.

“Saan ka pumunta?!” Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw.

“Uhh...” Napaiwas ako ng tingin. “Naglakad-lakad lang.”

Nagulat ako ng agad niya hinawakan 'yong dalawang braso ko at sinandal ako sa pader.

“Stop lying Aviana! Sino ang pinuntahan mo?! Is it a guy?! Boyfriend mo ba siya?! Kaya ba hindi mo ako mapili dahil may boyfriend ka na! Kaya ba?!” sigaw niya. 

“Clai! Kumalma ka lang—”

“Paano ako kakalma, ate?! Kahit ano-ano nalang 'yong iniisip ko dahil i can't trust you anymore!” Napahinto ako sa sinabi niya.

“I-i'm sorry, Clai.” Napaiwas naman ako ng tingin. “Hindi na mauulit.”

Napasandal naman siya sa balikat ko dahilan para magulat ako kunti.

“You have no idea how much I'm scared to lose you,” sabi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa braso. “I always overthink when it's about you.”

Obsessive Love Disorder 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ