Chapter 74

666 31 2
                                    

Bakit ang malas ko?! Napatingin naman ako sa apat na lalaki na nasa harapan ko. Nakatali ako ngayon sa upuan. Hindi ko alam kung nasaan kami, at medyo madilim dito.

“Okay let's play a game,” nakangiting sabi ni Niko.

Kahit nakangiti ito ay makikita mo talagang handa siyang pumatay ng tao para lang makuha ako.

“Oh i like game~” mapaglaro na sabi ni Gairo. “What kind of game do you want us to play?”

Malademonyo naman na ngumiti si Niko dahilan upang mapalunok ako ng laway.

“Killing game, ang sino ang matira sa kanya na si Aviana.” Seriously?! Anong akala nila sa akin bagay?!

“Mga baliw kayo! Pakawalan niyo ako dito! Anong akala niyo sa akin laruan?!” galit kong sigaw sa kanila.

“Don't worry ate, i won't give up on you, gagawin ko lahat maging akin ka lang,” nakangiting sabi ni Clai.

“Okay the game starts now,” sabi ni Wilder habang nakangiti ng nakakaloko.

Nilabas naman nila ang weapon nila. Kay Clai is knife, kay Niko is dagger, kay Gairo ay latigo at kay Wilder.…

“B-baril?” Hindi ko inaasahan na baril ang gagamitin niya. “Guys! Please stop this! Mapapahamak kayo sa ginagawa niyo!”

“You know i love you ate—” Hahawakan na sana ni Clai ang pisnge ko ng sinampal ni Gairo ang kamay niya.

“Don't touch her or else kahit hindi pa nagsisimula ang game, baka patay ka na,” seryosong saad sa kanya ni Gairo.

Napakagat naman ako ng labi. Sinumpa ba ako?! Bakit parati nalang ako nakaka-meet ng mga lalaki na may Obsessive Love Disorder.

Hahhahahaa! Alam niyo na kung saan mapupunta si Aviana?!” Tinutok naman ni Wilder ang dalawang baril niya kay Clai at Gairo. “Sana nagdala pa ako ng isa pang baril para diretso na lahat! Wait for me My princess!”

Bigla naman tumindig ang balahibo ko. Shit! I think mas lalong naging worst ang sakit nilang apat! Somebody please help me! Ayaw kong mapunta sa mga baliw na 'to.

Pinutok na ni Wilder ang baril kay Clai at umiwas naman si Clai. I don't want them dead! Please Lord! Sana walang mangyaring masama sa kanilang apat!

Agad naman hinabol ni Gairo si Niko, at si Wilder naman kay Clai.

Wait? Wala na sila dito. Hindi ko alam na medyo may pagkatanga rin pala sila.

I rubbed the knife in the string rope, at successful naman itong natanggal. Napabuntong hininga ako at tumayo.

Dahan-dahan naman ako naglakad papalayo. Kailangan ko ng umalis dito. Nasaan ba ako? Parang abandonadong building ito. Hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas.

Pag gising ko kasi ay nandito na ako. Agad naman may humila sa akin at dahil sa lakas ng paghila nito sa akin ay ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. One wrong move at mahahalikan ko na siya.

“Trying to escape again?” Agad ko naman tinulak si Clai.

Hindi na siya kagaya ng dati. Mukhang nag mature siya ngayon, hinaplos naman niya ang kamay niya sa pisnge ko.

“Once na makuha kita, alam mo na ang mangyayari,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

“C-clai, d-don't do this,” nauutal kong sabi.

Hinawakan naman niya ang baba ko at mas nilapit pa niya ang katawan niya sa akin.

“You will be mine Aviana, and i will never let you go. Hindi ka makakatakas sa akin.”

Akmang aatras ako pero hindi ako makaatras.

“Sinubukan kong maging mabait para sa'yo, but i can't take it, anymore. Parang malapit ka na nilang makuha sa akin... Ako ang nakauna sa'yo, Aviana! Ako! Piliin mo nalang kasi ako para matapos na 'to lahat!” I stunned.

Hindi ko kaya, hindi ko siya mahal. Kung magsisinungaling ako na siya ang pipiliin ko, baka mas lalo pang aasa si Clai sa akin? Ayaw ko naman na mas lalo siyang masaktan ng dahil lang sa akin.

“Clai, I'm—”

“Don't apologize! Why? Ano bang gagawin ko para mahalin mo ako? Ano bang kulang sa akin, ate? Ano?” Sinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ko.

“Clai,” malungkot kong banggit sa pangalan niya. “Hindi—”

Tinakpan naman niya ang bibig ko at nagtago kami sa pader. Bigla akong kinabahan dahil may naririnig akong yapak na paa na papalapit sa direksyon namin.

Claiborne Accius Villamor De la Cruz.... Where are you?~” Rinig ko ang tunog ng kutsilyo dahilan para makaramdam ako ng takot.

Naramdaman ko na humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Clai, dahilan para tignan ko siya.

Nakatuon lang ang atensyon niya kay Wilder. Bigla naman natahimik ang paligid. Napapikit nalang ako dahil ayaw ko makita ang mangyayari.

Natatakot ako, hindi para sa sarili ko. Natatakot ako na baka may masaktan sa kanilang apat.

“I guess he's not here,” sabi ni Wilder at narinig ko naman ang yapak ng paa na papalayo sa amin.

“Kailangan na tayo makaalis dito,” bulong niyang sabi sa akin.

Agad naman niya ako hinila at napahinto nalang kami ng tutukan ni Wilder si Clai ng baril.

“Bibitawan mo si Avia or die?” Napalunok ako ng laway.

“Clai, bitawan muna ako.” Nanlaki naman ang mata ni Clai habang nakatingin sa akin.

“Ate—”

“Please let me go!” sigaw ko.

Agad naman ako hinila ni Wilder ng sobrang lakas dahilan para mabitawan ako ni Clai.

Akmang ipaputok na niya ang baril pero agad ko siya niyakap.

“No Wilder! Please don't! Sasama ako sa'yo! Just don't hurt him!” sigaw ko.

Hindi na siya nagsalita pa at hinila na ako. Akmang susunod sa akin si Clai pero inilingan ko siya.

•••

“Let go of my hand!” sigaw ko sa kanya.

“Shut your mouth! Lalabas na tayo dito!” sigaw niya.

“No! I will stay here! Hindi ako sasama sa'yo! Mas pipiliin ko pang manatili dito kaysa sa sumama sa'yo!” sigaw ko sa kanya.

Agad naman niya hinila 'yong buhok ko. Dahilan para mapapikit ako sa sakit.

“Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw niya.

At binitawan 'yong buhok ko at hinila ako. He's getting worse! Napakadelikado niya! Ayaw ko sa kanya! I hate him!

Kailangan kong makatakas sa kanya, bago pa niya—

Subukan mo lang tumakas at hindi ako magdadalawang isip na barilin ang hita mo.”

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now