Chapter 27

978 37 0
                                    

“Why did you kill him?” tanong ko sa kanya. Sinara ko naman ang ref at humarap sa kanya.

“Huh? Aren't you happy?” tanong niya sa akin.

“Just answer me?!” sigaw ko.

“Because he likes you, ate,” sabi niya sa akin.

Kunot noo ko naman siya tinignan, “What?”

“He stole a pic of you while you're visiting the school, and nakita ko sa diary niya na love at first sight daw siya sa'yo. Ginawa ko lang 'yon ng dahil sa'yo, ate Aviana.” Napaatras naman ako ng akmang lalapit siya sa akin.

“Y-you... You monster!” Nagulat naman siya sa sinabi ko.

Dahan-dahan naman itong napatawa hanggang sa lumakas ang pagtawa nito. Nababaliw na ba siya?! Is he really gone insane!

“Yes I'm a monster. You made me like this, Princess. Ikaw ang may kasalanan kaya ako nagkaganito.”

“Wag mong ipasa sa akin ang mga kasalanan mo! You! Hindi ako ang dahilan sa pagpatay mo! Ginawa mo 'yan para sa kasiyahan mo! You psychopath!” galit kong sigaw sa kanya.

“As expected of my queen, you're really a genius person.” Seryoso lang akong tumingin sa kanya at pilit pinatatag ang sarili ko. Binigay naman niya sa akin ang kutsilyo dahilan para magulat ako. “Don't worry hindi 'yan iyong ginagamit kong pangpatay.”

“Bakit mo 'to binigay sa akin?” tanong ko sa kanya.

“Alam mo bang may paraan para tigilan ako sa mga gagawin ko,” sabi niya sa akin.

“Ano?”

“Tatlo lang naman ang pipiliin mo, Avia. Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo ay bibigyan na kita ng paraan. Number 1, mahalin mo ako. Number 2 save me. Or number 3..... Kill me.” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“You know i can't do that?!” gulat kong sabi sa kanya. Binitawan ko naman ang kutsilyo at sinipa palayo. “Hindi na ba importante ang buhay mo sa'yo! Wilder?!”

“Ate, do you think i can live kung hindi kita makakasama. Alam mo naman sigurong obsessed ako sa'yo, hindi ba?” Hindi naman ako sumagot at nakatingin lang sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinaplos ang buhok ko habang nakatingin sa aking mata. “Every hours, everyday... Ikaw 'yong nasa isip ko, ate Aviana. Gusto ko maging pagmamay ari mo ako. Alam mo bang nag iimagine rin ako kung anong gusto kong mangyari sa ating dalawa. I want you to be mine, Avia. At wala ng ibang aangkin sa'yo. Kundi ako lang.”

Sinampal ko naman 'yong kamay niya na nakahawak sa pisnge ko at cold na tumingin sa kanya. Dahilan para magulat siya.

“For me, you're not a perfect boyfriend nor a perfect husband.... Alistair.” Agad naman ako umalis. Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon.

•••

Nagsisimula na akong mag alala. Wala na rin ang bangkay. Nilibing na ni Wilder, pero hindi na siya nagpapakita sa akin. What if patay na siya? Tapos multuhin ako ng dalawa?! Huhuhu wag naman!

Agad naman ako lumabas ng kwarto. Napalunok naman ako ng laway. Habang naglalakad papalapit sa pinto. I tried to open the door pero ayaw mabukas. Napahinga nalang ako ng malalim. Where the heck is he?!

Naglakad na naman ako at napagdesisyunan na pumunta sa kwarto niya. Kumatok naman ako.

“Wilder, gising ka pa ba?” tanong ko. 

Hindi naman ito sumagot at napagdesisyunan kong buksan ang pinto. Nakita ko naman siyang nakahiga sa kama niya habang natutulog. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa kama habang tinitignan siya.

Hinaplos ko naman ang buhok niya at ngumiti.

“I'm sorry if i hurt you,” mahina kong sabi.

Akmang aalis ako ng nagulat nalang ako ng agad niya hinawakan ang wrist ko. Gulat naman akong tumingin sa kanya.

“T-tulong, somebody please help me! Ayaw ko kay mama! Gusto ko ng umalis!” Agad naman ako lumapit sa kanya.

Masama yata 'yong panaginip niya. Is he acting strong? And deep inside ay gusto na niya talagang umiyak. Malungkot ko naman hinawakan ang kamay niya. Hindi ko man lang siya initindi. But hindi pa rin mawawala sa katotohanan na mamamatay-tao siya.

“I'm here, Wilder. Nandito lang ako,” sabi ko sa kanya.

Napatahimik naman ito at kitang-kita ang pagkahimbing ng tulog. Napangiti nalang ako at hinalikan siya sa noo.

“Goodnight little brother.”

•••

“Wilder, saan ka pupunta?” tanong ko. Habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa tv.

“Sa supermarket lang.” Napatingin naman ako sa kanya.

“Pwedeng sumama?”

“No!” Agad niyang sagot bago naglakad palayo.

He really don't want me to go outside. Dahil kaya ito kay Clai?

Bilhan mo ako ng ice cream ha!”

“No!”

“Hala why?” tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya ng seryoso sa akin na parang may pinaalala ako na masamang alaala.

“Ayaw ko na ng ice cream.” Agad naman siya umalis.

“Hey! Donut nalang!” Sigaw ko bago siya tuluyang maka alis.

Bumaling na ulit ako sa tv. At nag iisip ng paraan kung paano makatakas dito, pero wala talaga akong maisip na paraan.

Napagdesisyunan ko na maglibot sa bahay ni Wilder. Wala siyang picture ni ma'am Rosita o picture ng bata pa siya.

Pumasok naman ako sa banyo at nilibot ang paningin ko sa paligid. Hindi ko napansin kanina na may kurtina pala dito.

Kunot noo ko naman itong inalis at nagulat ako ng makita ang window glass. Sakto na ito. Siguradong makakalabas ako dito kapag babasagin ko 'to.

Ngumiti naman ako ng nakakaloko at tinakpan ito ulit. Lumabas na ako ng banyo at nagulat ako ng makita ko si Ken. Naka black shade eyeglasses siya habang naka black suit.

“K-ken.” Tumingin naman siya sa akin ng seryoso. “Is that you?!”

Anong nangyayari?! Bakit siya nandito?! Kasabwat ba siya ni Wilder?!

“Hello po miss, I'm Lynx Darsio de Leon Santiago. I will serve you until master Ramos returns.” Kunot noo ko naman siyang tinitigan.

Kamukhang-kamukha niya talaga si Ken. Hindi ako nagkakamali, dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at tinanggal ang black shade eyeglasses niya.

He have white hair and violet eyes. Hindi ako nagkakamali. Siya talaga si Ken.

“Niloloko mo ba ako?!” Hindi lang ito nagsalita at nakatingin lang sa akin. “Hindi ito magandang prank, Ken?!”

“I think you mistaken me from someone, miss. I'm not Ken I'm Lynx.”

What the heck is happening?!

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now