Chapter 50

934 35 4
                                    

“That time, he always follow you, ate. Hindi mo lang alam, he knows everything about you,” sabi niya sa akin.

“I-i have no idea—” Nagulat ako ng humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Ate, kukunin ka niya sa akin. Ayaw niyang magkatuluyan tayong dalawa. Gusto niya maging pagmamay ari ka niya. Ayaw ko, ate. Takot na takot ako na baka sumama ka sa kanya.” Hindi ko naman hahayaan na maangkin niya ako.

“Wala namang dapat katakutan dahil hindi niya ako—” naputol ang sasabihin ko ng agad niya nilapit sa akin ang mukha niya.

“Ate! Hindi mo kilala si Kuya! He's the real monster here! Ate! Kahit mamatay ako! Hindi ka niya pwedeng makuha.” Natigilan ako dahil may nakita ako sa collarbone niya.

Bakit may sugat ang kanyang collarbone? Napahawak naman ako sa collarbone niya dahilan para matigilan siya.

“W-what happened to your collarbone?” tanong ko sa kanya.

“W-wala ito.” Agad naman siya dumistansiya sa akin.

There's something wrong in here. Agad naman ako lumapit sa kanya dahilan para mapaatras siya, pero hinila ko siya papalapit sa akin dahil baka tuluyan na siyang makalayo at hindi ko na siya maabutan.

Naka-kadena kasi ako. Pilit kong hinuhubad 'yong t shirt niya dahilan para mamula ang kanyang pisnge.

“A-ate, anong binabalak mo?” tanong niya sa akin ngunit hindi ko lang siya pinakinggan.

At pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Ng tuluyan ko ng mahubad ang kanyang t-shirt.

Ay nakita ko ang mga pasa sa kanyang katawan, at para siyang nilatigo.

“G-gairo, A-ang kuya mo ba ang gumawa sa'yo nito?” kinakabahan kong tanong sa kanya.

Tinakpan niya lang ang kanyang katawan gamit ang kamay niya. Ngunit nakikita ko pa rin ang mga pasa sa katawan niya. Shit! Ang brutal naman ni Mr Kim!

“A-ate, w-wala lang ito. Wag munang pansinin ito.” Agad naman niya ako hinawakan sa balikat dahilan para magulat ako. “Basta! Wag kang lumapit kay kuya! He's a monster! Ate! Halimaw siya!”

“Ako ba ang dahilan kung bakit ka niya sinaktan?” Alala kong tanong sa kanya. Natahimik naman siya sa aking sinabi at napaatras.

“Ate, Hindi—” Agad ko naman siya niyakap at sinubsub ang mukha ko sa leeg niya.

Pinipigilan ko lang ang mga luha kong gusto ng pumatak. Bakit? Bakit kailangan niya pang gawin 'to para sa akin? Why does Gairo have to suffer just to save me?!

“Gairo, You don't need to protect me, protect yourself, Gairo.” Kumalas naman ako sa pagkakayakap.

Kitang-kita kong natulala siya habang nakatingin sa akin. Hindi niya yata inaasahan na yayakapin ko siya ng ganun. Hinawakan ko naman 'yong pisnge niya.

“A-ate.”

“Your life is important! Gairo! Mabuhay ka! Hindi para sa akin kung hindi para sa sarili mo!” Kung ibang tao lang ang nasa posisyon ko.

Siguradong maaawa rin sila sa lagay ni Gairo. I can't imagine how many times he endured this pain.

“You don't have to worry, ate. Maliit lang 'to—”

“Kailangan na natin 'yang magamot. Tanggalin mo ng kadena na 'to—”

“I'm sorry, ate.... Hindi pwede.”

“Gairo!”

“I'm sorry.”

•••

Akmang aalis na siya pero agad ko hinawakan ang wrist niya. Napatingin naman siya sa akin.

“Don't go,” sabi ko sa kanya.

Napangiti naman ito. Ewan ko, pero mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya. Kung ako ang nasa posisyon niya, siguradong mahihimatay na ako.

“Ate, it's time to eat. Don't worry, I'll be back. Kukuha lang ako ng pagkain.”

“Please! Gairo! Tanggalin mo ang kadena na ito sa akin! Pangako hindi kita iiwan! Pangako hindi ako tatakas!” Hindi na ako tatakas pa. Kailangan kong pagalingin si Gairo.

Mukhang may pag asa kasi siyang gumaling. Tinignan niya muna ako sa mata at mukhang sinisigurado niyang nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Napabuga naman ito ng hangin at tinanggal ang kadena sa aking pulsuhanan.

“Dito ka lang, Wag kang lalabas,” sabi niya bago umalis.

•••

Nag aalala na ako kay Gairo, dahil ilang oras na ang nakalipas. Hindi pa rin siya bumabalik. Baka ano ng ginawa sa kanya ni Mr Kim?

Napatayo naman ako at lumapit sa pinto. Naalala ko ang sinabi niya na dito lang dapat ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Hindi naman sa inlove ako sa kanya, pero alam kong mabait si Gairo. Alam kong may magandang future pa siya. Kung gagaling lang siya, mababalik na ang normal niyang buhay.

Binuksan ko naman ang pinto at bigla nalang ako nakaramdam ng kaba at takot, na parang may masamang mangyayari. Masama 'yong kutob ko.

Habang naglalakad ako ay patingin-tingin ako sa paligid. Ang tahimik, parang walang tao kahit ni isa.

Parang ako lang 'yong tao dito. Napalunok naman ako ng laway. Nasaan na ba si Gairo? Buhay pa ba siya? What if pinatay siya ni Mr Kim?

No! Princess! Don't think like that! Hindi pa siya patay! Buhay pa siya! Napabuntong hininga naman ako.

“Gairo, I hope you're okay,” bulong ko.

“Looking for my brother?” I stunned.

N-nahanap niya ako? Bakit sobrang natatakot ako kay Mr Kim? Dahan-dahan naman ako napalingon sa kanya.

Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

“Akala ko nasa malayo ka tinago ni Gairo sa akin! Nandito ka lang pala.” Kumalas naman ako sa pagkakayakap dahilan para mawala 'yong ngiti niya.

“Nasaan si Gairo? What did you do to him?” seryoso kong tanong sa kanya.

Seryoso lang siya nakatingin sa akin. Dahilan para mapalunok ulit ako ng laway.

“Wala ka ng pake sa ginawa ko sa kanya, Aviana,” seryoso niyang saad sa akin.

“Pinatay mo ba siya?! Sinaktan mo ba siya ulit?! Tell me! Anong ginawa mo sa bunsong kapatid mo?!” tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng agad niya hinawakan 'yong wrist ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya na parang mapipisa na 'yong buto ko.

“Nagkagusto ka na ba sa kanya, Aviana?! Siya ba ang pinili mo?!” sigaw niyang tanong sa akin.

“B-bitawan mo ako, nasasaktan ako. Ano ba?!” Nagpupumiglas naman ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

“Sagutin mo ang tanong ko?! Aviana! Nahulog ka na ba kay Gairo! Gusto mo na ba siya?!”

“Hindi—”

“Hindi pwede! Aviana! Hindi ka pwede magkagusto sa kanya! Dahil akin ka lang! Ako lang dapat ang magustuhan mo! At wala ng iba! Ako lang dapat! Ako lang!”

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now