Chapter 19

1.1K 45 6
                                    

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Gusto ko na sanang maniwala na gusto niya ako. But malaking posibility na dahil 'yon sa sakit niya. Because i was the one who cheer him up, Back then. Kaya nagkagusto siya sa akin.

“Tutulungan nalang po kita.” Umupo naman siya sa tabi ko.

“You don't have to,” sabi ko sa kanya.

“Ayaw ko naman kasing mapagod ka.” Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

“Clai.”

“Yes?”

“How much you love me?” tanong ko sa kanya.

“More than you imagine, I can't live without you, ate. Wala ng saysay 'yong buhay ko, kung hindi kita makakasama,” sabi niya sa akin. Hindi lang ito nakatingin sa akin at malungkot lang 'tong yumuko. “Iiwan mo pa rin ba ako, ate?” 

Minsan talaga naaawa ako kay Clai, pero ayaw ko naman kasing pumayag na maging asawa niya o girlfriend niya. Dahil hindi ko naman siya mahal.

I chuckled, at pinahiran ng bula 'yong mukha niya dahilan para magulat siya.

“Chillax, I'm still here. I won't leave you,” pagsisinungaling ko.

Ngumiti naman siya at pinahiran rin ng bula ang ilong ko at tumawa naman kaming dalawa.

•••

Habang nanonood ako ng balita sa tv ay bigla nalang ako natigilan.

“4 days ng nawawala ang babaeng nangangalang, Aviana At may nakasaksi daw na kinuha siya ng isang binatang lalaki.” Lumipat naman ang camera at napunta kay Gairo.

Namilog ang aking mata sa nakita ko. Tumabi naman sa akin si Clai, habang nakaakbay siya sa akin at pinapanood ang tv.

“Hindi ako naniniwala na may boyfriend si ate that time na sinabi niya sa akin na may boyfriend siya. Dahil alam kong hindi siya 'yong klasing tao na naghahanap ng lovelife. I know she has no plan to have a boyfriend.... Pero wala akong magawa, dahil baka kapag lumaban pa ako ay mas lalo lang mapahamak si ate.” Alala naman siyang tumingin sa camera. “Ate, if you are secretly watching this. I will save you! Hahanapin ka namin. Hindi kami titigil hanggang sa hindi ka namin makikita!”

Napalunok naman ako ng laway at dahan-dahan na tumingin kay Clai na ngayon ay sirang-sira na ang plastic bottle ng coke na wala ng laman.

“C-clai, are you okay?” kinakabahan kong tanong sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Kahit alam ko naman na peke 'yon.

“Ayos lang ako, Aviana. Don't mind me.” Binitawan naman niya ang plastic bottle at agad hinawakan ang kamay ko dahilan para magulat ako. Ng magtama ang mata namin ay nakaramdam ako ng takot. “You won't leave me, right?”

“Relax Clai, i-i won't leave you.” Halos makalimutan ko ng huminga dahil sa inasta niya.

Parang umaandar na naman 'yong pagka-O.L.D niya. Napabuntong hininga naman siya at bumalik na sa normal.

“Pasensiya na ate, nag o-overthink lang ako,” sabi niya bago siya umalis.

Napabuntong hininga naman ako.

•••

Ilang oras na ang nakalipas. Ngunit hindi pa rin lumalabas si Clai sa kwarto niya. I'm starting to get worried about him.

At sa huli ay napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto. Pagkapasok ng pagkapasok ko. Nakita ko siya naglalaslas.

“Clai! What are you doing?!” Agad naman ako lumapit sa kanya. Akmang hahawakan ko na 'yong wrist niya pero tumigil agad ako.

Baka masktan siya. Kinuha ko naman ang blade sa kamay niya at tinapon. Tumingin siya sa akin ni hindi man lang siya umiyak.

“A-ate.”

“What the heck are you doing?!” inis kong tanong sa kanya.

Napaiwas naman siya ng tingin at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mata.

“D-don't mind me, ate.”

“Paano nalang kung mamatay ka, ha?!” Kahit hindi ko gusto si Clai. Ayaw ko naman na mamatay siya.

“I'm sorry, ate. I can't control myself.”

“What?” Kunot noo ko naman siyang tinignan. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti ng parang baliw. Shit! Hindi pa rin ba siya gumagaling!

“Ate! Dapat pinatay ko nalang siya! Noong una ko palang siya nakita!” Agad naman niya hinawakan 'yong braso ko dahilan para magulat ako. “Ate! He was trying to take you away from me! I won't let that happened! Should i cut his mouth or tongue! Yeah that was a great idea!”

“Clai, calm down—” Agad naman niya ako niyakap dahilan para mas lalo akong magulat.

“He can't take you away from me! I won't let anyone take you away from me! Lalo na ngayon ay naging akin ka na!” Agad naman siya kumalas at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

“Clai, n-nasasaktan ako!”

“Ate, mag impake ka na.”

“What?”

“Aalis na tayo dito! Lilipat na tayo!” Ano?! Hindi pwede! Paano ako makakatakas nito?! At bukas na ang kasal! Kailangan ko ng makatakas.

“Clai, kalma lang—”

“Ate, don't tell me may plano kang tumakas?” Natigilan naman ako sa tanong niya, pero agad rin ako nabalik sa realidad.

“No, i won't! Clai, i love you! Sayong-sa'yo na ako!” Gusto ko ng masuka dahil sa sinabi ko.

I need to earn his trust para makatakas dito. Ganito pa rin 'yong plano ko. Hindi ako makapag isip ng ibang paraan eh. Nakokonsensiya ako. pero kung ito lang ang paraan upang makatakas ako ay gagawin ko.

Nagulat ako ng tumulo na 'yong luha niya. Pinunasan naman niya 'yong luha niya pero tumutulo pa rin ito.

“I'm sorry, hindi ko na mapigilan.”

“Clai.”

“22 na ako pero umiiyak pa rin ako. I want you to see me as a man, ate. Not as a boy. B-but, i failed.” Agad ko naman siya niyakap.

“Clai, you don't need to change yourself just me to love you back. I just want to get rid of your obsession, your ill, that's all. You don't need to act cool,” mahinahon kong sabi.

“Ate, you won't leave me, right?”

“Yes i won't leave you.” Napatingin naman siya sa akin habang hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap sa kanya.

“Will you promise me you won't leave me?”

“I....” Nakokonsensiya na ako. I don't want to leave Clai, but if.... If i stay here with him, para akong nakakulong sa malaking bird cage. Habang may kadena sa katawan ko. “I promise.”

“Will you promise that you won't broke our promise?”

Shit ang hirap naman ng tanong na 'yan. Napalunok naman ako ng laway. Huhuhu ang laki ng kasalanan ko.

“Y-yes.”

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now