Prologue

3.7K 103 17
                                    

Bakit ang malas ko?! Napatingin naman ako sa apat na lalaki na nasa harapan ko. Nakatali ako ngayon sa upuan. Hindi ko alam kung nasaan kami, at medyo madilim dito.

“Okay let's play a game,” nakangiting sabi ni Niko.

Kahit nakangiti ito ay makikita mo talagang handa siyang pumatay ng tao para lang makuha ako.

“Oh i like game~” mapaglaro na sabi ni Gairo. “What kind of game do you want us to play?”

Malademonyo naman na ngumiti si Niko dahilan upang mapalunok ako ng laway.

“Killing game, ang sino ang matira sa kanya na si Aviana.” Seriously?! Anong akala nila sa akin bagay?!

“Mga baliw kayo! Pakawalan niyo ako dito! Anong akala niyo sa akin laruan?!” galit kong sigaw sa kanila.

“Don't worry ate, i won't give up on you, gagawin ko lahat maging akin ka lang,” nakangiting sabi ni Clai.

“Okay the game starts now,” sabi ni Wilder habang nakangiti ng nakakaloko.

Nilabas naman nila ang weapon nila. Kay Clai is knife, kay Niko is dagger, kay Gairo ay latigo at kay Wilder.…

“B-baril?” Hindi ko inaasahan na baril ang gagamitin niya. “Guys! Please stop this! Mapapahamak kayo sa ginagawa niyo!”

“You know i love you ate—” hahawakan na sana ni Clai ang pisnge ko ng sinampal ni Gairo ang kamay niya.

“Don't touch her or else kahit hindi pa nagsisimula ang game, baka patay ka na,” seryosong saad sa kanya ni Gairo.

Napakagat naman ako ng labi. Sinumpa ba ako?! Bakit parati nalang ako nakaka-meet ng mga lalaki na may Obsessive Love Disorder.

Hahhahahaa! Alam niyo na kung saan mapupunta si Aviana?!” Tinutok naman ni Wilder ang dalawang baril niya kay Clai at Gairo. “Sana nagdala pa ako ng isa pang baril para diretso na lahat! Wait for me My princess!”

Bigla naman tumindig ang balahibo ko. Shit! I think mas lalong naging worst ang sakit nilang apat! Somebody please help me! Ayaw kong mapunta sa mga baliw na 'to.

Pinutok na ni Wilder ang baril kay Clai at umiwas naman si Clai. I don't want them dead! Please Lord! Sana walang mangyaring masama sa kanilang apat!

Agad naman hinabol ni Gairo si Niko, at si Wilder naman kay Clai.

Wait? Wala na sila dito. Hindi ko alam na medyo may pagkatanga rin pala sila.

I rubbed the knife in the string rope, at successful naman itong natanggal. Napabuntong hininga ako at tumayo.

Dahan-dahan naman ako naglakad papalayo. Kailangan ko ng umalis dito. Nasaan ba ako? Parang abandonadong building ito. Hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas.

Pag gising ko kasi ay nandito na ako. Agad naman may humila sa akin at dahil sa lakas ng paghila nito sa akin ay ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. One wrong move at mahahalikan ko na siya.

“Trying to escape again?” Agad ko naman tinulak si Clai.

Hindi na siya kagaya ng dati. Mukhang nag mature siya ngayon, hinaplos naman niya ang kamay niya sa pisnge ko.

“Once na makuha kita, alam mo na ang mangyayari,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

“C-clai, d-don't do this,” nauutal kong sabi.

Hinawakan naman niya ang baba ko at mas nilapit pa niya ang katawan niya sa akin.

“You will be mine Aviana, and i will never let you go. Hindi ka makakatakas sa akin.”

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now