Chapter 20

1.1K 50 11
                                    

Ngayon na ang araw na ikakasal kami. Napalunok naman ako ng laway, habang inaayusan ako ni Clai.

“Do we not have a guest?” tanong ko habang nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang wedding dress na suot ko ngayon.

Marunong pumili si Clai, nababagay 'yong gown sa akin. But i don't want to marry him! Nandito pa rin kami sa bahay habang sinusuklayan niya 'yong mahaba kong buhok.

“Syempre wala.”

“Pwede naman na hindi ka nalang bumili ng gown, at simple lang ang suotin ko,” sabi ko sa kanya.

“I want to see you wear a wedding dress. So i bought it, hindi mo ba nagustuhan?” tanong niya sa akin.

“N-no, i like it.” Napatango naman ito.

“I'm done.” Tumayo naman ako at humarap sa kanya. “Hah~ ang ganda mo talaga, Aviana. I'm so lucky to have you.”

Mamayang 1:00 pm pa naman ang kasal.” Napatingin ako sa wrist watch ko, 10:48 pa naman.

“Excited lang ako, at mas maganda kung pinaghandaan na natin 'to diba.” Napalunok naman ako ng laway.

What should i do? Anong gagawin ko para makatakas dito?

“Do you still not trust me, Clai?” tanong ko sa kanya.

“Not yet,” sagot niya. Napayuko nalang ako. What should i do?! Nagpapanic na ako! Ayaw kong magpakasal sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang braso ko. “Pero once na tuluyan na kita maging akin. Pagkakatiwalaan na kita.”

Ayaw ko maging pagmamay ari mo! Hindi ko hahayaan na angkinin mo ako! Pumunta naman ako sa kwarto. I need to escape here! Pero paano? Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Wala akong maisip na paraan.

“Aviana, may problema ba?” Agad naman ako napalingon sa kanya.

“Huh? Ah wala,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Don't tell me ayaw mong ituloy ang kasal.”

“No, bakit mo ba naisip iyan?! Excited lang ako.” Napangiti nalang ito at hinawakan ang kamay ko.

“Ate, i will make you happy, I promise. Hindi kita sasaktan,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Napatango naman ako. Ayaw kong pumatol sa bata! Sana makatakas na ako ngayon.

“C-clai, parang nag ri-ring ang telepono sa ibaba,” sabi ko sa kanya.

Napatango naman siya at lumabas. Napaupo naman ako at napatingin sa wrist watch ko. It's already 11:15.

Shit! Ang bilis ng oras. Agad naman ako bumaba. At nakita si Clai na binaba ang telepono. Nakayuko ito, halatang na disappoint siya. Lumapit naman ako sa kanya. Hindi kaya napansin niyang ayaw kong ipagpatuloy ang kasal.

“Anong problema, Clai?” tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin, “Wala naman, ang sabi daw nila may problema lang daw sa church. May aayusin pa raw sila. Kaya medyo matatagalan magstart ang kasal.”

Mukhang pumapanig si tadhana sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya at pinaupo sa sofa.

“Relax muna tayo, Clai. Excited ka naman masyado.” Napatingin naman ako sa kamay ko. At bigla nalang akong may naisip na ideya.

Tama 'yong tali! Kailangan kong taliin si Clai upang makatakas ako dito. Napatingin naman ako sa kanya.

“I can't wait any longer, Aviana. I want you to be my wife, already.” Napangiti nalang ako.

Proud ako sa sarili ko na matalino ako.

“Clai.” Lumingon naman siya sa akin at hinalikan ko naman 'yong noo niya dahilan para mamula siya. “Calm down, magiging sa'yo mo rin ako.”

“Ate.” Agad naman niya ako niyakap. Habang nakasandal 'yong ulo niya sa leeg ko. “I'm so lucky to have you. I can't believe na darating rin ang panahon na inaasam-asam ko, kung panaginip lang 'to sana hindi na ako magising.”

Kung panaginip lang 'to sana magising na ako! Kumalas naman ako sa pagkakayakap at tumingin naman siya sa akin. Napangiti naman ako at nilapit ang mukha ko sa tenga niya.

“I have a surprise for you,” mapang akit kong sabi sa kanya. I can't believe i have to do this!

“Surprise?” inosente niyang tanong. Napatango naman ako at hinila siya papunta sa silid kung saan niya ako tinali noon. “What are we doing here, ate?”

Humarap naman ako sa kanya. Napacross arm naman ako habang nakangiti ng nakakaloka.

“Magiging asawa mo naman rin ako. Why don't we just do this in advance.” Nagulat naman siya sa sinabi ko.

“Do you mean....” Huhuhu! Sana mapatawad ako sa mga kasalanan ko.

“Yes, Clai.”

“Nagsisinungaling ka ba sa akin, Aviana?” tanong niya.

“Huh? No?! Of course not!” Calm down, Avia. Hindi ka pwedeng mahalata ni Clai. Malungkot naman akong tumingin sa kanya. Baka actress talaga ang para sa akin na trabaho. “Ayaw mo ba?”

Nagulat naman siya sa tanong ko at parang nagpanic ito. Ayos! Parang nag wo-work 'yong plano ko.

“I like it! Aviana! But.... Parang ikaw naman 'yong hindi gusto nito,” sabi niya habang halata sa tono ng boses niya na nagdududa ito.

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.

“Ano ka ba, Clai?! Ako nga 'yong nag imbita sa'yo,” mahinahon kong sabi.

“Okay if you say so.” Akmang hahalikan niya ako ng agad ako umatras.

“Wait, kailangan mas interesting ang gagawin natin. Iyung mas lalo tayong ma e-enjoy.” Pulang-pula na ngayon ang pisnge niya.

At ako naman ay gusto ng sumuka dahil sa sinabi ko. Hinila ko naman siya at tinulak sa kama. Mabuti nalang at nandito pa 'yong tali.

Tinali ko naman siya dahilan para mapakunot ang noo niya.

“Anong ginagawa mo, ate?” tanong niya.

“I'm just doing this para mas exciting tignan.”

“You know what. Just let me go.” Napangiti nalang ako ng nakakaloka, ng tapos ko ng tinali 'yong paa at kamay niya.

“It's too late for that,” mapaglaro kong sabi.

“Ate! Anong binabalak mo?!”

“I don't want to marry you, Clai! I don't love you! Please understand,” malungkot kong sabi sa kanya.

“You fool me!” sigaw niya. Kitang-kita ko ang malungkot at pagka dismaya sa kanyang mukha. “Again...”

“I'm sorry, Clai.” Akmang aalis ako ng may nakalimutan akong sabihin sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa akin. Kitang-kita sa mukha niya na umaasa siya na hindi ako aalis. “Clai, please wag mong kalimutan ang sasabihin ko ngayon..... Kahit anong mangyari, Wag kang papatay.”

“Hindi mo ako pwede iwan, Ate! You promise! Ate! Wag mo ako iwan! Aviana!”

“I'm sorry, Clai.” Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na ako.

Ng tuluyan na akong makalabas ay agad akong ngumiti.

“Sa wakas! I'm free—”

“I finally found you...ate.”

I stunned when i heard his voice again. I-it's not Clai.

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now