Chapter 21

1.1K 51 1
                                    

“W-wilder?” Shit! Bago palang ako nakatakas kay Clai. Ito na naman ang nakaharap ko.

“Wow, What a nice dress. It suits you,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Hindi mo naman ako ininform na ikakasal ka na.”

“Heck no! Tumakas nga ako kay Clai! At saka siya 'yong nagpili nito,” sabi ko sa kanya.

“Siya?” Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Umiwas naman siya ng tingin. “Ang panget ng design. Mas babagay kong ako ang pipili ng wedding dress mo. I'm more much better than him.” Dahan-dahan naman siya lumapit sa akin.

“Wag kang lumapit sa akin!” sabi ko.

“And why?” Nakangiti siya ng nakakaloko habang papalapit ng papalapit sa akin. “Hindi mo ba namiss 'yong step brother mo?”

“Gago! May step brother ba na manliligaw ng step sister niya?!” inis kong sabi sa kanya.

Napahinto naman siya at napahawak sa baba niya gamit ang hintuturo niya.

“Mmh, meron..... Ako?”

“Baliw ka! Lumayo ka sa akin!”

“Hindi masaya kung masunurin 'yong young brother mo, ate. We need to be a little stubborn sometimes. Just to have fun.” Ikaw lang ang nag e-enjoy.

“Shit!” Tumakbo naman ako pero agad niya rin ako nahabol. At hinila.

“Wilder! Ano ba?! Let me go! Ayaw kong sumama sa'yo!” Hindi man lang siya sumagot sa sinabi ko at napagtanto kong may airpads sa dalawang tenga niya. Ibig sabihin, hindi niya ako naririnig.

Agad naman niya ako tinulak papasok sa loob ng kotse niya. Gusto kong tumakas kaso ang lakas niya. Ng tuluyan na akong makapasok ay agad siyang sumunod.

Ng makapasok na siya ay sinara na niya ang pinto. Kinuha ko naman ang airpads sa tenga niya at tinapon ito sa kung saan-saan.

“What the heck?! Wilder!”

“What?” inosente niyang tanong na parang hindi niya alam kung anong kasalanan niya. Napairap naman ako. “Seryoso ka ba?! Saan mo ako dadalhin ha?!”

“Excited ka naman masyado. Syempre sa bagong bahay natin,” sabi niya habang nakatuon ang atensyon niya sa harap at nakangiti ng nakakaloko.

“Ayaw kong sumama sa'yo! Ibaba mo ako dito!” sigaw ko sa kanya.

“Hayst ano ba 'yan, ate. Masisira 'yong tenga ko kakasigaw mo.” Napairap naman ako sa sinabi niya.

“Itigil mo nga 'yong sasakyan!” irita kong sabi sa kanya. Mas lalo akong nainis ng bigla siyang nagplay ng music. “Seriously?!”

“Just relax, Ate Aviana. Hindi pa tayo nakakarating sa bahay. I have a surprise for you there,” nakangiting sabi ni Wilder.

“Bahala ka! Lalabas na ako! At wala akong pake kung magkasugat-sugat ako!” inis kong sabi sa kanya. Humarap naman ako sa pinto. “Kaysa naman sa makasama kita,” bulong ko.

Akmang bubuksan ko na 'yong pinto pero ayaw mabukas. Siguradong pulang-pula na 'yong mukha ko sa sobrang inis.

“You can't leave me, Aviana. Lalo na't madami akong karibal. Kailangan mong mag stay sa akin. Kung ayaw mong mapahamak.” Napakunot naman ang noo ko. 

Madaming karibal? Eh si Clai lang naman 'yong karibal mo.” I heard him chuckled.

“As always, Aviana. You're too slow,” nakangiting sabi niya.

Ng tuluyan na kaming makarating sa bahay niya. Ay napatingin ako sa paligid. White and grey ang theme ng bahay niya, maganda naman ito. Ang peaceful tignan. Matamlay naman akong napatingin sa kanya. Kung wala lang itong asungot na 'to, peaceful na sana.

“What are you looking at?” tanong niya, hindi ko pa rin iniwas ang tingin ko sa kanya. Nakakainis siya, kung tatanungin ako kung sino ang pinaka delikado sa dalawa. Iyun ay si Wilder. Nilapit naman niya ang mukha niya sa akin at hindi man lang ako umatras. Habang 'yong kamay niya ay naka pwesto sa likod niya. “Don't tell me you fall for my charm?” 

I rolled my eyes at him. Hindi pa rin siya nagbabago. Umupo naman ako sa sofa at naka crossed legs at cross arm na tumingin sa kanya.

“Stop playing around, little brother. You have a surprise to me, right? Where?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Woah, What a queen.” Lumapit naman siya sa akin at lumuhod. Hinalikan naman niya 'yong kamay ko bago tumingin sa akin. “And i will be your king.”

Tinulak ko naman siya dahilan para mapaupo siya sa sahig. Nakangiti pa rin siya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin at kinagat ang labi niya. Ano na naman kayang naisip na kalokohan nito? Tumayo naman ako, habang inis na tumingin sa kanya.

“Wilder!” Tumayo naman siya at pinagpag ang pantalon niya.

“Ate, ito ba ang trato mo sa may surprisa sa'yo?” Inirapan ko naman siya. At hindi nalang sumagot sa kanya.

“Aalis na ako.” Akmang aalis na ako ng agad niya hinarangan ang dinadaanan ko.

“Where do you think you're going?” tanong niya.

“Wilder, not now. Pauwiin muna ako.” Pagod na ako! Nakakaloka naman! Naka gown pa ako! Hindi ako komportable sa suot ko. I need to change clothes.

“What are you talking about, ate?”

“Huh?” Gusto ba niyang i translate ko pa ng english o japanese para maintindihan niya?!

“Ate, dito ka na titira hindi mo ba alam?”

“Wilder naman eh.” Napaupo naman ako sa sahig. Nagulat pa yata siya sa inasta ko. Bago pa nga ako nakatakas kay Clai, tapos ngayon. Kay Wilder na naman ni hindi man lang ako pagpahingahin.

“I need to take a picture of this,” mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko. Kinuha naman niya 'yong cellphone niya sa bulsa at pinicturan ako. Napahiga nalang ako sa sahig.

Aish! Anong klasing buhay 'to?! Nakakairita na!” sigaw ko.

Napaupo naman rin siya at tinignan ko lang siya habang nakahiga pa rin ako sa sahig. Napahinga naman ito ng malalim.

“Hay Aviana—”

“Call me ate.”

“Ayaw ko nga, pinatay ko na nga 'yong mama ko para lang magkatuluyan tayo—”

“Step brother at step sister pa rin tayo.” Nagulat nalang ako na sa isang iglap ay nandito na siya sa harapan ko at ang lapit pa ng mukha namin sa isa't-isa.

“Ate, papatayin ko rin ba 'yong papa mo para mabura na 'yang step brother and step sister na 'yan? nakangiti niyang tanong sa akin.

Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya.

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now