Chapter 1

2.8K 86 25
                                    

“Ano ba?! Pwede bang lubayan niyo na ako! Wala akong gusto sa inyong dalawa!” Agad naman ako tumakbo.

Hinabol pa nila ako, pero hindi nila ako naabutan. Napahinto naman ako sa pagtakbo, at hinawakan ang dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Sakura. Hindi niya yata ini-expect na nandito ako.

“Naze anata wa koko ni iru nodesu ka(Bakit ka nandito)? ” tanong niya sa akin.

Agad naman ako pumasok sa bahay niya, Doa o rokku suru(Lock the door).

Kahit naguguluhan man ito ay pinili niya pa rin akong sundin. Napaupo naman ako sa sofa niya habang naliligo sa sariling pawis ko. Lumapit naman siya sa akin habang nakakunot ang noo.

shita? Nande ase o kaite iru no?(Anong nangyari? Bakit pawis na pawis ka)?” tanong niya sa akin.

Kung magtagal pa ako dito, baka mahanap ako ni Clai at Wilder?! Kailangan ko ng makabalik sa pilipinas.

Okāsan ni denwa shite, Firipin ni modotte kuru to itte(Call mom, sabihin mo babalik na ako sa pilipinas).” Nagulat pa yata siya sa sinabi ko.

“Huh? Dōshite?(Why)?”

Hayaku yare yo(Gawin mo nalang ang sinabi ko)!” Agad naman siya napatango at agad na tinawagan si mama.

Na gets yata ni mama, dahil hindi na ito nagtanong pa kung ano ang rason.

Kanojo wa itta, ashita anata wa Firipin ni modoru koto ga dekiru(Ang sabi niya, pwede ka na raw bumalik sa pilipinas bukas).” Napatango nalang ako sa sinabi niya.

Pumunta naman siya sa kusina at pagbalik niya may tubig na siyang dala. Ininom ko naman ito. Hindi na siya nagtanong kung anong dahilan, dahil alam niyang hindi rin ako sasagot.

•••

Nakauwi na ako sa pilipinas. Bago 'yong damit ko ngayon, kay Sakura ito, binigay niya sa akin. Naiwan 'yong mga gamit ko sa japan, pero hindi na ako babalik roon, baka makuha pa ako ni Wilder.

“Aviana!” Napalingon naman ako kay Illy at Nathan.

Napangiti naman ako ng makita sila.

“Ly! Tan!” Agad ko naman sila niyakap. “Namiss ko kayong dalawa.”

“Ako rin!” maiyak-iyak na sagot ni Illy.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap. Mahaba na ang buhok ni Illy, hindi kagaya noon. Short pa.

Ito naman si Nathan. Mas lalong tumangkad.

“Woah, dalagang-dalaga ka na ah,” mangha na sabi ni Nathan habang hinead to foot ako.

Umikot naman ako, at nag flip hair pa dahilan upang tumawa sila.

“Dalaga naman talaga ako. Mas lalo lang akong gumanda.” Napangiwi naman si Nathan sa sinabi ko at tumawa nalang ako.

“Anak!” Napalingon naman ako kay mama. Agad naman niya ako niyakap. “I miss you.”

“I miss you too, ma,” malambing kong sabi at niyakap siya pabalik.

Obsessive Love Disorder 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt