Chapter 44

822 32 7
                                    

“Umm, W-wala pa po akong iniibig,” sabi ko sa kanya. At saka, ang bata-bata pa po ni Gairo, para magustuhan ko siya.”

“Bakit ayaw mo ba sa mas bata?” tanong niya.

“Gusto ko po kasi 'yong same age as me or older than me.” Napangiti naman ito sa sinabi ko.

“So may pag asa pa pala ako,” mahinahon niyang sabi.

“Pardon?”

“Oh it's nothing, wanna hang out? Nandito ka lang kasi sa bahay palagi, baka gusto mong gumala—” naputol ang sasabihin ni Mr Kim ng biglang nagsalita si Gairo.

“Hindi po siya pwede lumabas, baka makita po siya sa tatlo,” seryosong sabi ni Gairo.

Kailan pa siya nandito? Hindi ko siya napansin. Nakita ko naman na napasmirk si Mr Kim na parang proud ito sa inasta ni Gairo.

“May point ka naman.” Napatingin naman si Mr Kim sa akin. “Pero sabihin mo lang kung gusto mong lumabas, Aviana. Don't worry, kahit anong mangyari pro-protektahan kita.”

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Tumikhim naman si Gairo dahilan para makuha niya ang atensyon naming dalawa.

“Pupunta lang po ako sa hospital.” Nangunot naman ang noo ni Mr Kim sa sinabi ni Gairo.

“Bakit ano bang nangyari? May sakit ka ba?” tanong ni Mr Kim.

“M-masakit lang po 'yong puso ko.” Bigla naman ngumiti ng nakakaloko si Mr Kim.

“Baka hindi 'yan sakit? Baka love na 'yan?”

“Heh? Who's the lucky girl, Gairo?” tanong ko.

Narinig ko naman si Mr Kim na humagikgik. Dahilan para mapatingin ako sa kanya.

“Sorry, natatawa lang ako.” Nangunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

“Anong nakakatawa?” tanong ko.

“Kahit slow ka, ang cute mo pa din,” sabi niya bago umalis.

Huh?

•••

Napahinto naman ako sa paglilinis ng makita ko si Gairo na kakapasok lang sa bahay.

“Gairo, kamusta?” Lumapit naman ako sa kanya. “Anong sabi ng doctor?”

Nagulat yata siya ng makita niya ako. Ano bang problema niya? Hinead to foot naman niya ako. Anong problema niya?

“A-ah, w-wala po.” Akmang aalis siya pero agad kong hinawakan 'yong braso niya.

“May problema ba, Gairo?” alala kong tanong sa kanya.

Para siyang na estatwa ng hawakan ko 'yong braso niya. May nagawa ba akong mali sa kanya? May kasalanan ba ako na nagawa? Bakit siya nagkaganito? Agad naman siya umatras na parang takot na takot.

“W-wag mo akong hawakan, a-ate. Pakiusap.” Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

“Bakit naman? Anong problema, Gairo?” alala kong tanong.

“Please, wag kang lalapit!” Ano bang sinabi ng doctor? Bakit siya nagkaganito?

Akmang magsasalita na ako pero agad siya nag walk out. Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit dinidistansiya ni Gairo 'yong sarili niya sa akin?

Obsessive Love Disorder 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon