Chapter 67

730 31 4
                                    

“Bitawan mo nga ako, Gusto kong matulog mag isa.” Hindi lang siya sumagot, parang wala siyang naririnig.

“That time.” Natigilan ako sa sinabi niya. “I actually didn't see it. Wala akong nakita.”

“What? Niloloko mo ba ako?” Irita kong tanong sa kanya.

“Ang nakita ko lang is ang paa mo. Wala ng iba. Sinubukan ko talagang hindi tumingin sa'yo, Aviana. Dahil ang gusto ko ay ikaw na mismo 'yong papayag. Iyung ikaw na mismo ang magdedesisyon.” Humiga naman siya habang yakap na yakap ako dahilan para mapahiga rin ako sa kama.

“Clai—”

“Alam mo bang sobrang lungkot ko nung iniwan mo ako. I almost give up, dahil parang malabo na talaga na mahalin mo ako.... But i can't, hindi ko kayang makontrol 'yong sarili ko.” Mahahalata mo talaga ang lungkot sa kanyang boses. “Please, don't leave me again.”

Napahinto naman ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. Dahil alam ko naman na hindi ko maipapangako na hindi ko siya iiwan.

Please say 'yes' even if it's a lie,” sabi niya sa akin.

Humarap naman ako sa kanya. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mata, kahit walang luha ang lumalabas. Alam kong sobrang nasaktan siya.

Niyakap ko naman siya, “I'm sorry, Clai. I can't.”

Malungkot naman itong napapikit at nilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Habang yakap na yakap ako.

“You know what, ate. Even if you still hurt me. I can't let anyone take you away from me, hindi naman dapat ako ganito. Kung mamahalin mo lang sana ako.”

“Clai, you know na may—”

“That f*cking disorder! I don't have Obsessive Love Disorder, ate! I'm sure, sinisiraan lang ako ng doctor na 'yon! Hindi ako naniniwala ng dahil lang ito sa O.L.D.” Humarap naman siya sa akin. “I really really love you, ate. Kung alam mo lang sana... Kung naintindihan mo lang sana ako.”

Hindi ko alam pero bakit parang totoo 'yong sinabi niya. Bakit parang hindi siya nagsisinungaling?

“Aviana, h-hindi naman ako ganito dati, but you made me like this. You change me. Hindi naman ako magiging ganito kung mamahalin mo lang ako.... Kung nagkagusto ka lang sana sa akin, hindi na hahantung sa ganito.” Muntik ko ng makalimutan.

Nakapatay na rin pala si Clai. Hindi dapat ako naniniwala sa kanya. Hindi magbabago ang katutuhanan na may Obsessive Love Disorder siya.

Kung wala lang 'yang sakit na iyan. Siguro peaceful na ngayon 'yong buhay ko.

Hindi lang ako nagsalita dahilan para humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“What should i do to make you love me?” bulong niya. “Ikaw lang 'yong nais ko, ate.” 

•••

Minulat ko naman 'yong mata ko and I saw Wilder looking at me seriously. While Clai is hugging me in the back.

“Wild—” Nilagay naman niya 'yong hintuturo niya sa labi niya, pinapahiwatig na tumahimik ako.

Tinitigan niya lang kami. At kitang-kita ko ang galit at selos sa kanyang mata.

•••

Habang nanonood ako ng tv. Ay agad tumabi sa akin si Wilder.

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now