Chapter 18

1.2K 52 14
                                    

2 days nalang ang natitira. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong nakikitang paraan para makatakas ako na hindi lumalabas sa pinto. Bakit kasi walang bintana dito?! Or secret passange nalang.

Nakaupo ako sa kama habang kinakagat 'yong kuko ko sa daliri. Dahil sa kaba, Ayaw kong magpakasal kay Clai, hindi ako pumapatol sa bata.

Nagulat nalang ako ng agad niya ako niyakap, Nasa likod ko siya habang yakap na yakap ako.

“Excited ka na ba sa kasal natin?” malambing niyang tanong.

“Bahala ka! Hindi ako magpapakasal—” Nagulat nalang ako ng agad niya ako hinalikan.

Agad ko naman siya tinulak. Hinawakan naman niya 'yong lips niya habang malanding tumingin sa akin.

“If you say that again, Hindi lang 'yan ang mapapala mo,” sabi niya sa akin. “Bibili pala tayo ng wedding dress ngayon, ikaw na ang mamili.”

“Masakit 'yong tiyan ko eh, dito nalang ako,” sabi ko sa kanya at humiga ng kama habang hawak na hawak ang tiyan ko.

Nagulat nalang ako ng pinasok niya 'yong kamay niya sa loob ng t shirt ko at hinawakan ang tiyan ko.

“Dito ba?” mapang akit niyang tanong.

Agad naman ako umatras, “How dare you?!”

Inosente naman siyang tumingin sa akin. Na parang hindi niya alam kung anong kasalanan niya.

“Bakit ate, may mali ba akong ginawa?” tanong niya sa akin.

“Ayaw ko nga magpakasal! Ano ba?! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko!” inis kong sabi sa kanya.

How many times do i have to say i don't like him?! Para sumuko na siya! Napakagat nalang ako ng labi dahil sa sinabi ko.

“Sinabi mo naman ulit, You really want me to kiss you,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Kumuha naman ako ng unan, “Clai, wag kang lalapit.”

Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin at sinapak ko siya ng unan. Iyan ang nababagay sa'yo.

“Sinabi ng wag kang lalapit!” Naalala ko tuloy, The way i treat Clai now is the way i treat Wilder.

Napangiti nalang ito, “Ah ganun ha!”

Agad naman siya tumalon at hinigaan ako bigla nalang niya ako kiniliti.

“Hahaha Clai! Ano ba?! Tama na! Hahahahah!”

“Hahahah!” tawa rin niya.

Sinubukan kong sipain siya at bigla nalang siya nahulog sa kama. Habang hawak na hawak niya 'yong tiyan niya sa sakit. Agad naman ako lumapit sa kanya.

“Hala Clai, sorry,” alala kong sabi sa kanya. Bigla na lamang siyang tumawa.

“It's a prank!”

“May pa-prank-prank ka pang nalalaman!” Agad ko naman siya sinapak ng unan. Dahilan para mas lalong lumakas ang tawa niya.

Tumawa na rin ako habang nakatingin sa kanya. Agad naman niya ako niyakap, pero iba 'yong nararamdaman ko ngayon sa yakap niya parang komportable ako, Ang gaan ng pakiramdam ko.

“Sana parati nalang tayong ganito,” sabi niya.

Hindi ko man nakikita 'yong mukha niya, ramdam ko ang lungkot ng nararamdaman niya. Na parang alam niyang hindi magtatagal 'to. Kung wala kalang sanang sakit, Clai. Hanggang ngayon siguro sinusurportahan pa rin kita. Hinawakan ko naman ang likod niya.

Gumaling ka na,” bulong ko.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. Dahilan para mapakunot ang noo ko. Anong problema nito?

“Ate, kapag gumaling ba ako? Mamahalin mo na ba ako?” tanong niya.

“Hi—” pinutol ko na ang sasabihin ko. At pinag isipan ang tanong niya.

Kung sasabihin kong 'oo' at kung gagaling siya may possibility na hindi na siya magkagusto sa akin.

“Oo, siguro,” sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at dinampi niya ang noo niya sa noo ko. Habang nakapikit siya.

“Ate, I will do anything just you to love me back,” sabi niya sa akin.

Napangiti nalang ako, kung hindi lang ako mas matanda sa kanya ng isang taon. Siguro nagkagusto na ako sa kanya.

•••

Minulat ko naman ang mata ko, at kinusot-kusot ang mata ko. Pagtingin ko sa tabi ko, wala na si Clai. Saan kaya 'yon nagpunta? 

Lumabas naman ako ng kwarto at humikab. Napahinto nalang ako ng nakita ko siyang naglalaba sa banyo.

“Clai, What the—” Nakita ko kasing nilalaba niya ang mga damit na sinuot ko. Pati na 'yong bra at underwear. 

Kaya ako maraming damit dahil bago pa ako makarating dito ay binilhan na ako agad ni Clai ng mga damit. At alam niya talaga ang size para magkasya sa akin. Hindi na ako magtataka pa, dahil obsessed siya sa akin.

“Ate, gising ka na pala,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Ako na diyan!” sabi ko at akmang papasok.

Manood ka nalang ng tv. Na e-enjoy rin naman ako dito, Ate.” Tinaasan ko naman siya ng kilay.

“What?”

“I mean, nag e-enjoy ako sa paglalaba,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Napabuntong hininga naman ako at napamewang.

“Clai, No need na labhan mo 'yan, Ako na ang bahala diyan.” sabi ko sa kanya.

“But i want to be a perfect husband for you, Aviana,” mahinahon niyang sabi.

Napa smirk nalang ako. At lumapit sa kanya. Umupo naman ako sa upuan na kaharap niya at tinulungan siya.

“Ako na ang bahala dito, May damit ka bang kailangan na labhin?” tanong ko sa kanya.

“A-ako na ang bahala do'n, ate,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“No Clai, it's my duty as a future wife to wash your clothes. So just, put it here. Ako na ang bahala,” nakangiti kong sabi sa kanya.

Namula naman ang pisnge niya dahil sa sinabi ko.

“So does that mean? Pumapayag ka na?” masiglang tanong niya.

“Yes, pumapayag na ako, pero kailangan hindi ka na obsessed sa akin,” sabi ko at masigla naman siyang napatango bago umalis.

Pagkaalis at pagkaalis niya ay nawala 'yong ngiti ko. At seryoso akong tumingin sa damit ko. I'm sorry, Clai. Ito nalang ang paraan para makatakas ako ulit.

Babawi nalang ako sa'yo, soon. Pagmagaling ka na, willing akong maging older sister mo ulit. Pasensiya na at papaasahin na naman kita ulit.

Maya-maya pa ay bumalik na siya at ngumiti ako ng peke.

“Ito po, ate. Tutulungan nalang po kita,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Wait, bakit mo pa rin ba ako tinatawag na 'ate'? Kung magiging asawa mo rin ako in the future?” tanong ko sa kanya.

“Because you said na kapag tatawagin kitang ate, ang cute tignan...... Gagawin ko ang gusto mo pero isa lang ang hindi ko kayang gawin. Iyon ay mag move on ako sa'yo.”

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now