Chapter 59

772 37 1
                                    

“Baliw ka na! Ayaw ko ng makasama ka!” Akmang tatakbo ako pero agad niya ako hinawakan ng mahigpit.

“Sinabi ko na sa'yo! Hindi mo ako pwede iwan! Bakit ang tigas ng ulo mo!” sigaw niya.

“Hindi mo ako pagmamay ari! Mr Kim!” Agad ko naman siya sinampal dahilan para matigilan siya. Inis lang akong tumingin sa kanya. “Gumising ka na nga sa katotohanan! Mr Kim! Na kahit kailan hindi kita mamahalin! Stop with that stupid love!”

Napayuko naman ito dahilan para makaramdam ako ng takot. Ngunit hindi ko ito pinapahalata sa kanya.

Ginagalit mo talaga ako, Aviana.” Seryoso naman itong tumingin sa akin dahilan para ma estatwa ako. “Do you know how much you hurt me this day?”

“Mr Kim! You have to let me go! K-kung mahal mo talaga ako, you will respect my decision.” Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Blangko lang ang kanyang emosyon na nakatingin sa akin.“Mr Kim, mali itong ginagawa mo.”

“Alam kong mali, Aviana, pero kung 'yun lang ang paraan para makuha kita ay gagawin ko,” seryoso niyang saad sa akin. Hinaplos naman niya ang pisnge ko at bumaba ito hanggang hinaplos na nito ang braso ko. “Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, nahihirapan na kitang bitawan pa.”

“I hate you.” Nagulat naman siya sa sinabi ko. At cold lang akong tumingin sa kanya. Nabitawan naman niya 'yong braso ko. Kinamumuhian kita, Mr Kim. Kung maibabalik ko lang 'yong panahon na bata pa tayo. Sana hindi nalang ako lumapit sa'yo.”

“A-aviana, B-bawiin mo 'yang sinabi mo.” Nagulat ako ng hinigpitan niya ang pagkakahawak sa dalawang braso ko, para siyang nababaliw. Parang ayaw niyang marinig ang sinabi ko. “You're the only one who understand me! Because of you! I can interact many people as i want! Aviana! Don't tell me you're gonna be the same of those people who don't accept me! And see me as monster!”

Hindi lang ako nagsalita at seryoso lang akong nakatingin sa kanya. I'm so sick of this guys who is obsessed with me! I just want to have a peaceful life! Mahirap ba ibigay 'yon?!

Bigla naman ito tumawa at napahawak pa siya sa kanyang noo.

“I guess, i have no choice.” Nagulat ako na sa isang iglap ay sinakal niya ako.

“M-mr K-kim, w-what are you doing?!” nahihirapan kong tanong.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Ito na ba ang katapusan ko. Dito na ba magtatapos ang buhay ko?

•••

Minulat ko ang aking mata at nagulat ako. Dahil nakadikit ako sa pader. At nakatali 'yong paa at kamay ko. Ang higpit pa ng pagkakatali.

Nakaupo siya ngayon sa harap ko. May space naman kami. Medyo malayo siya sa akin. Naka cross legs siya at naka cross arm rin. Wala pa rin itong damit pang itaas.

Kaya kitang-kita ko ang muscle at abs niya. Attractive sana siya, pero nakakatakot kasi. Baka kapag naangkin niya ako ay maging kagaya ako kay Mrs Kim. 

Pilit akong nagpupumiglas pero kahit ni isa ay hindi lumuwag ang pagkakatali sa akin.

“Alam mo bang ang swerte mo, Aviana. Dahil ikaw lang ang hindi ko sinaktan,” saad niya sa akin.

Tama siya, hindi niya ako nilatigo o pinatay. Hindi kagaya kay Gairo at Mrs Kim.

“Pakawalan mo ako!” sigaw ko sa kanya.

Napasmirk naman ito, at parang hindi niya naririnig ang aking sinabi.

“Kung alam mo lang sana kung gaano kita kamahal. You will understand me, at hindi muna kailangan tumakas pa.” Lumapit naman siya sa akin. Gusto kong umatras pero hindi ko magawa dahil nakatali ako. “You're the only one i have, Aviana.”

Nilagay naman niya ang kamay niya sa pader. Malapit sa tenga ko.

“All you have is yourself, Mr Kim. Hindi mo kailangan magmakaawa para lang mahalin ka ng iba,” saad ko sa kanya.

Napaatras naman siya at seryoso lang itong nakatingin sa akin. Mukhang ginalit ko yata siya.

“Kahit kailan, Aviana. Hindi ka talaga nakakaintindi. Akala ko iba ka sa lahat. Ngunit, nagkakamali pala ako.” Tumawa naman ito. “Pero anong magagawa ko? Nahulog na ako sa'yo eh.”

“Makaka move on—” naputol ang aking sasabihin ng bigla siyang sumabat.

“Sadly to say, hindi mo ako sinalo.” Natigilan ako sa kanyang sinabi. “I have one question for you, Aviana.”

“A-ano?” Ano na naman kayang kalokohan ang itatanong niya sa akin?

“Kung mamamatay ako... Sasama ka ba sa akin?” Anong klasing tanong 'yan?! Napaiwas lang ako ng tingin. Napa smirk naman ito. “I guess the answer is 'no', mukhang hindi na talaga magbabago ang desisyon mo, Aviana. Kahit anong gawin ko.”

I looked at him.

“Hanggang sa nabubuhay ako, hindi kita papakawalan. I was 8 back then.... You gave me hope, Aviana.” Ngumiti naman ito, pero bakit ganun parang mamamaalam na siya.

Imagination ko lang ba 'to. Umalis naman siya.

•••

I open my eyes and i saw Mr Kim looking at me. Ilang oras na ba siyang nakatingin sa akin.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ko sa kanya.

“Hindi pa ako inaantok.... At saka, baka kapag natulog ako ay mawala ka na dito,” sabi niya.

Napasmirk naman ako, “Do you think, makakawala ako sa higpit ng pagkakatali mo?”

“Don't mind me, I just want to look at you forever. I don't want to be seperated to you,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi na tuloy ako makatulog.

“Matulog ka na, halata na 'yong eyebags mo,” sabi ko sa kanya.

“At lease, gwapo pa rin.” Nag wink naman siya sa akin dahilan para mapangiwi ako.

Napatawa naman ito dahil sa inasta ko.

“Can you please sing me a song?” Nangunot ang aking noo.

“Ayaw ko.”

“Aww~ I want to hear Aviana sing,” nakapuot niyang sabi.

“Final na ang sagot ko.. AYAW KO.” Napabuntong hininga pa ito. “By the way, hindi ka ba nilalamig? Magsuot ka nga ng damit!”

Wala pa rin kasi siyang damit pang itaas. Malandi naman itong ngumiti sa akin.

“Nah i'm good. Malay mo baka maakit kita.” I heavily sighed.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking 'to.

Obsessive Love Disorder 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon