Chapter 76

658 25 7
                                    

“Eh wala nga akong mapili!” Napakamot ako sa batok ko dahil sa inis. “Paano ako pipili! Eh wala naman akong minahal sa inyo!”

“Kung ganun, I have no choice but to kill him!” Akmang aatakihin na niya si Clai pero agad siya sinipa ni Clai.

“Mas pipiliin ko pang mamatay tayong dalawa kaysa naman maangkin mo si Aviana! Hindi ko hahayaang maangkin mo siya sa akin!” sigaw ni Clai.

At agad siya sinunggaban ng suntok.

“Itigil niyo—” Agad may humila sa akin, dahilan para mapalayo ako sa kanila.

Naka black jacket siya at naka hoodie kaya hindi ko makita 'yong mukha niya, pero alam ko na lalaki ito.

“Sino ka?! Bitawan mo ako! Ano ba?!” sigaw ko.

Ng tuluyan na kaming makalabas sa abandonadong building ay agad niya ako pinasok sa kotse at nakita ko si Illy.

“Illy?” Agad naman niya ako niyakap.

“Salamat naman at ayos ka lang!” Para akong nabunutan ng tinik.

Agad naman tumulo 'yong luha ko. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila, dahil niligtas na naman nila ako.

Umupo naman si Nathan sa driver seat at pinaharurot ang sasakyan. Kumalas naman sa pagkakayakap si Illy.

“Sobrang nag alala kami sa'yo, akala namin napano ka na,” sabi ni Nathan habang nakatuon pa rin ang atensyon niya sa daan.

“Paano niyo ako nahanap?” tanong ko sa kanila.

“This past few weeks, nag text sa akin si Mr Kim na pumunta raw kami sa bahay ni Gairo at mag imbestiga,” paliwanag ni Nathan.

Cyrpus did that? Napangiti nalang ako. Alam niyang kay Gairo kami titira once na makuha nila ako. Kahit alam kong pumapatay siya at obsessed siya sa akin.

He's really thinking of me, He really loves me.

“Pero since that day na tinext niya si Nathan, Hindi na namin siya nabalitaan pa.” Natigilan ako sa sinabi ni Illy. “Ano bang nangyari sa kanya?”

Napaiwas ako ng tingin. Biglang nag flashback ang panahon na namatay si Mr Kim. Biglang nawala ang galit ko sa kanya since the day he died.

“He's dead.” Kahit hindi ako nakatingin kay Illy. Alam kong nagulat siya.

Pati na rin si Nathan.

“W-who killed him?” tanong niya.

“S-si Niko, h-he poisoned him.”

“No...way..” Napaatras naman siya dahil sa gulat at nakayuko lang ako habang napakuyom ng kamao. “I-iyung bata na nakatira sa bahay niyo?”

Napatango naman ako. Hindi na sila nagsalita pa at tahimik lang kami.

•••

Ng makarating na kami sa bahay ni Nathan. Ay humarap siya sa akin. Ngumiti naman siya. I know he's trying to cheer me up.

“May damit doon sa guest room at inayos ko na 'yong guest room para matulugan mo.” Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.

“Thanks Tim... For helping me.” After i've said those word ay pumunta na ako sa guest room.

•••

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now