Chapter 17

1.2K 50 19
                                    

“I'm a genius, ate. Lahat pinaghandaan ko,” malambing niyang sabi.

“Pero paano?” Ngumiti naman ito sa akin.

Se...cret.” Baka nagnakaw ito, at baka pagnahanap siya ng pulis. Baka pagkamalan akong kasabwat niya. Shit!

“Magiging asawa mo na ako, tapos may sekreto ka pang tinatago sa akin,” matamlay kong sabi sa kanya.

“Bakit ate? Papayag ka na ba?” Natahimik naman ako sa sinabi niya. Kung tatanggap lang sana siya ng rejection. Magiging madali na 'to lahat.

“No—”

“I can't trust you, but you can trust me.” Ayaw ko nga. Ang mga taong kagaya niya. Hindi dapat pagkatiwalaan. 

Hindi na lang ako sumagot, at pagkatapos ko kumain ay nilagay ko na ang pagkain ko sa lababo.

“A-ate.” Napatingin naman ako sa kanya.

“Bakit?” Ano na naman kayang problema nito?

“Period mo yata ngayon.” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“Ano?!” Shit! Wala pa naman akong dalang napkin. “Lalabas muna ako, bibili ako ng napkin.”

Akmang aalis ako ng agad niya ako hinarangan. Lintek na bata 'to! May period ako ngayon! Hindi pa rin niya ako papalabasin! Bibili lang naman ako ng napkin.

“Do you think maiisahan mo ako?”

“Clai, naman!”

“Ako na ang bibili,” sabi niya.

“Huh?”

“Dito ka lang,” sabi niya bago umalis.

Ano nalang kayang iisipin ng mga tao kapag siya ang bumili ng napkin? Napatawa nalang ako dahil sa naisip ko.  Palihim ko naman siyang sinundan.

At tama nga 'yong hinala ko. Ito ang pinto para makalabas ako dito. Ng sinara na niya ang pinto. Ay naghintay muna ako ng ilang minuto. Bago lumapit sa pinto. I tried to open the door, pero ayaw mabukas.

“Tuluyan na ngang hindi naniniwala sa akin si Clai.” Napabuntong hininga na lamang ako.

Hinahanap na kaya ako nila? Ano na kayang kalagayan ni mama at wala na rin akong balita kay papa. Ano kayang reaksyon niya ng malamang patay na si ma'am Rosita?

•••

Lumabas na ako sa banyo. At nakita ko siyang nag aantay sa labas. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko.

“Hinihintay ka,” sabi niya.

Naglakad naman ako at sinundan niya lang ako. Umupo naman ako sa sofa. At tumabi rin siya sa akin.

“May cellphone ka ba?” tanong ko. Hindi lang ito sumagot at seryoso lang itong tumingin sa akin. “I mean, manonood lang kasi ako ng anime. Don't worry wala akong balak tawagin 'yong mga kaibigan ko or parents ko.”

“No, i don't have a cellphone,” seryoso niyang sabi.

Alam ko naman, Meron siyang cellphone. Nag maang-maangan pa siya. Matagal na kasi akong hindi nakakapanood ng anime, kaya gusto kong panoorin ngayon.

“Sige na please~” I said with a cute tone.

Tinignan naman niya ako at nagpuppy eyes ako dahilan para mapaiwas siya ng tingin at mamula ang kanyang pisnge. Aaminin ko, ang cute niya kapag namumula ang pisnge niya. Gusto ko talaga siyang maging bunsong kapatid kung hindi lang siya nagkagusto sa akin. 

“O-okay fine!” Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya. “Hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa ka-cutan mo,” bulong niya.

Napatawa nalang ako ng marahan dahil sa sinabi niya. Nilabas naman niya ang cellphone niya sa bulsa niya. At binigay sa akin.

“Mahilig ka ba sa anime?” tanong ko sa kanya.

“No,” simple niyang sagot.

“Edi don't, gusto ko pa naman sa lalaki ay mahilig manood ng anime,” bulong ko.

Ilang oras na ang nakalipas. Ngunit hindi pa rin ako tumitigil. Hindi ko kasi tatantanan ito kapag hindi ko pa natapos 'to.

“Ang gwapo talaga ni Karma! Shit!”

“Ang cute talaga ni Nagisa!”

“Sana nandyan nalang ako, para ako nalang ang nahalikan ni Nagisa—” Agad niya naman kinuha ang phone ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

“Problema mo?” Panira 'to nanonood pa ako ng Assassination Classroom.

“Iba nalang panoorin mo,” irita niyang sabi.

“Huh? Bakit naman?” Hindi ko pa natapos eh!

“Basta!” Hinayaan ko nalang siya dahil sa kanya naman 'yong cellphone niya eh.

Ng makapili na siya ay binigay niya na ito sa akin. Tinignan ko ulit.

“Levi! Ang gwapo niya! Shit! Nakakainlove!”

“Tsk, mas gwapo pa nga ako sa kanya,” inis niyang sabi. Kinuha na naman niya 'yong cellphone niya. Ano ba 'yan?! Hindi ako nakakapanood ng maayos eh!

Maya-maya pa ay binigay niya ulit. Last nalang! Ano ba kasing problema nito?!

“Omo! Todoroki! Marry me! Ang cute~ bahala na kung 17 ka pa.. pumapatol na ako sa bata!”

Bakugo! Ang cool!”

Tumigil muna ako sa kakapanood dahil parang may naramdaman akong may masamang nakatitig sa akin. Dahan-dahan ko naman tinignan si Clai na masamang tumingin sa akin.

“Happy?”

“Anong problema mo?” tanong ko sa kanya.

Kanina pa 'to siya. Ayaw ba niyang sumaya ako kahit kunti? Tsk ang selfish naman niya—

“Sabi mo hindi ka pumapatol sa bata! Tapos ngayon, pumapatol ka sa 17 year old. Samantalang sa 22 year old! Hindi ka pumapatol! Tapos i know you, Aviana! Hindi ka mahilig sa mga psychopath! Eh mukhang psychopath 'yan si Karma eh!”

“Teka? Nagseselos ka ba?”

Umiwas naman siya ng tingin, “Tsk, unfair mo.”

Napatawa nalang ako dahil sa inasta niya. Hahahaha ang cute niya! Ang bilis niyang magselos.

“Hahaha chill! Clai, it's a fictional character, they don't even... Exist.” Nasaktan ako sa sinabi ko.

Wish ko talaga noong bata pa ako na sana maging totoo sila, but.... Agad naman ako napahiga sa sofa at pinatong ang paa ko sa lap niya. At sinubsub 'yong mukha ko sa unan.

Waah! Bakit kasi hindi pa sila totoo?!”

“Seriously Aviana?!”

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay sira na 'yong cellphone niya na hawak na hawak na niya ngayon. Umupo naman ako ng maayos.

“Anong nangyari sa cellphone mo?” tanong ko.

Sinira ko,” seryoso niyang sabi sa akin.

“Hala bakit?!”

“Nagtatanong ka pa.” Agad naman siya nag walk out.

Anong nangyari do'n? May sinabi ba akong mali? Napailing nalang ako, Minsan talaga hindi ko maintindihan si Clai.

Kailan kaya ako makakatakas dito? Hindi rin ako makalabas dahil nilock niya ang pinto at nasa kanya 'yong susi. Napahinga nalang ako ng malalim. Napahinto nalang ako ng bigla nalang ako kinabahan.

Pati ako?! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Nakakaloka!

Obsessive Love Disorder 2Onde histórias criam vida. Descubra agora