Chapter 15

1.2K 46 7
                                    

“Are you worried about me, Aviana?” tanong niya.

“Akin na 'yong kutsilyo,” ani ko sa kanya. Mahilig kasi sa kutsilyo si Clai, kaya alam kong kutsilyo ang gagamitin niya.

Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya. At tinignan niya lang ito. Wala 'atang balak ibigay sa akin ang kutsilyo. Wag naman sana siyang mag laslas. Kahit hindi ko gusto si Clai dahil obsessed siya sa akin. Ayaw ko naman siyang mamatay.

“Akin na!” Hindi lang ito sumagot kaya ako nalang kumapa sa bulsa niya at kinuha ang kutsilyo. Hindi ko pa nakukuha ang kutsilyo ay hinawakan na niya ang wrist ko.

“Stop, i said kung hindi mo sasabihin na mahal mo ako. Hindi mo ako pwede hawakan.” Aysus gusto mo ngang parati kitang hawakan eh.

“Akin nalang kasi ang kutsil—” naputol ang sasabihin ko ng agad niya ako tinulak dahilan upang mabangga ako sa pader. “Clai, ano ba—”

Namilog ang mata ko ng hinawakan niya 'yong wrist ko at tinaas ito at diniin sa pader. Hindi ako nakaramdam ng sakit dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya.

“Ate, alam mo bang delikado kapag ang lalaki at babae ay nasa loob ng banyo,” seryoso niyang sabi. Mas nilapit pa niya 'yong mukha niya sa akin. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa. Dahil wala ng space. “Ate, kung wala ako. Baka na angkin ka na ng iba. Ano nalang kung may iba pang lalaki na nakasama mo sa banyo noon, paano ka nalang?”

Actually, may nakasama na ako. Si Niko at si Wilder. Hindi ko nalang sasabihin sa kanya dahil baka kapag nalaman niya ay mabaliw pa 'to. 

“I can protect myself, Clai,” seryoso kong sabi sa kanya.

“Really? Should i give it a try?” Akmang hahalikan na sana niya ako ng agad ako nagsalita.

“Stop! Malalagot ka talaga sa akin,” inis kong sabi sa kanya. Napangiti nalang ito. Napansin ko naman na hindi pa niya ginagamot ang labi niya na kinagat ko kanina. “Bakit hindi mo pa ginagamot 'yang labi mo?”

“Ayaw kong gamutin.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Huh? Bakit naman?” Ngumiti naman ito sa tanong ko.

At hinawakan 'yong lips niya. Ito talagang batang 'to, Napakamanyak. Mabuti pa si Gairo, Hindi pa. Hinila ko naman siya at mabuti nalang at nagpahila rin siya.

Pinaupo ko naman siya sa sofa at hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin.

“May cotton ka ba, Band-aid etc?” tanong ko sa kanya.

Hindi lang siya sumagot at nakatingin lang sa akin. I rolled my eyes at him dahil sa inasta niya. Naghanap nalang ako sa kung saan-saan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maiwan. Everytime na nasa dangerous situation na siya, kahit may opportunity na akong tumakas.

Ng mahanap ko na ang hinahanap ko ay kinuha ko na ito at lumapit na ako sa kanya. At kumuha ng cotton at nilagyan ng tubig. Dinampi ko naman ito sa sugat niya at tumingin sa reaksyon niya. Nakatingin pa rin siya sa akin at hindi halatang nasasaktan siya.

“Masakit ba?” tanong ko sa kanya.

He's still not answering me. Ano bang nangyari sa kanya? May nangyari ba sa lalamunan niya kaya hindi siya makapagsalita. Hinawakan ko naman ang leeg niya. Dahilan para magulat siya.

“Bakit hindi ka nagsasalita? May masakit ba sa lalamunan mo?” tanong ko sa kanya.

“D-don't touch me.” Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakaiwas na ng tingin.

“Ay sorry nakalimutan ko.” Dumistansiya naman ako sa kanya.

Nagsasalita naman pala eh. Pinag alala pa ako.

“Nagtatampo ka pa ba?” tanong ko sa kanya.

Hindi lang ito nagsalita. Ngayon ko lang nakita na ganito siya, kahit kasi ilang beses ko siyang saktan noon. Hindi siya ganito dati.

“Clai, sorry na.” Bakit ba ako nagso-sorry? Minsan talaga hindi ko maintindihan 'yong sarili ko.

“Mabuti pa ate, Matulog na tayo. Gabi na,” sabi ni Clai at tumayo.

“Pero hindi ko pa tapos gamutin 'yong labi mo,” sabi ko sa kanya.

“Wag mo ng pansinin 'to,” seryoso niyang sabi sa akin.

Agad ko naman siya hinila dahilan para mapaupo siya ulit sa sofa. At ang lapit pa ng mukha namin sa isa't-isa.

“I said wag mo akong—”

“I love you,” sabi ko sa kanya.

Dahilan para magulat siya. Kinuha ko na ang band aid. At nilagay sa mapupula niyang labi.

“Ayan tapos na,” sabi ko bago dumistansiya.

“I wish that was real,” mahina niyang sabi.

“Huh?”

“Wala matulog ka na,” sabi niya, tumayo naman siya at tumingin ulit sa akin. “Do'n ka na matulog sa kwarto ko. Sa guest room nalang ako matutulog.”

“What?” Hala anong nangyari? Bakit parang hindi siya obssesed sa akin ngayon? I know it's a good news, kasi may posibility na malapit na siyang gumaling.

“Diba, ayaw mo naman na magkatabi tayo? Kaya matulog ka na. Inaantok na rin ako.” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.

•••

Hindi ako makatulog, kakaisip kay Clai. Napabalikwas naman ako sa higaan. I should escape now, pero bago 'yan. Titignan ko muna siya kung ayos lang ba ang pagkakatulog niya.

Lumabas naman ako sa kwarto at pumunta sa guest room. Sinubukan kong buksan ang pinto at bukas nga. Dahil on ang switch ng ilaw. Nakita ko si Clai. Yakap na yakap 'yong t-shirt ko, dahilan para manindig ang balahibo ko.

“Aviana~”

Sinara ko nalang ang pinto. Ayaw ko ng makita pa ang iba, nakaka—gosh! Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid.

Kailangan ko ng tumakas dito. Naglakad naman ako at hinahanap 'yong daan palabas dito. Naalala ko rin, that time na sinubukan kong tumakas but mission failed pa rin.

Wala ring bintana dito. Mukhang wala na ngang tiwala sa akin si Clai. Binuksan ko na ang iba't-ibang silid. At isa lang ang hindi ko mabukas. Baka ito na ang daan papalabas.

“Paano ba 'to buksan?” tanong ko sa sarili ko.

“What do you think you're doing?” he ask with his cold tone.

Kabado naman akong tumingin sa kanya. Seryoso siyang tumingin sa akin, dahilan para mapalunok ako ng laway.

“Umm, checking around?”

“Are you trying to escape again?” he asked.

“No, of course not....” Hindi naman ako tumingin sa kanya.

“Liar.”

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now