Chapter 4

1.9K 70 26
                                    

Wala naman akong ganang lumapit kay mama.

“Oh tapos na kayo?” Napatingin naman sa akin si mama at napansin na wala akong gana. “Oh anong nangyari sa'yo? Bakit parang wala kang energy?”

“Tapos na po kami maligo, na enjoy nga po ako,” nakangiti na sabi sa kanya ni Niko.

Umupo naman si mama para mapantayan si Niko at pinisil ang pisnge niya.

“Aww~ ang cute mo talagang bata ka.” Hindi ko nalang sila pinansin at umuna ng lumabas ng bahay.

•••

Lumabas naman ako sa kotse at nakita ang mansion ni Mr Kim. Shit! Ang yaman pala nila.

Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko na ngayon ay nakatingin na sa akin.

“Diba ikaw 'yong lalaki na nasa principal office kahapon?” Lumapit naman ako sa kanya at tumango naman siya.

“Goodmorning po,” magalang niyang sabi.

“Goodmorning, ano palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya.

“Gairo, Gairo Ace Abellanosa Kim.” Napahinto naman ako sa sinabi niya.

“Wait, Kim? Ka ano-ano mo si Mr Kim?” tanong ko sa kanya.

“Kapatid ko po siya.” Napatango nalang ako.

Hindi rin naman 'yon nakakapagtaka. Dahil magkamukha sila slight. Black hair and violet eyes, gwapo rin ito pero mas gwapo si Mr Kim.

May dala siyang paper bag. Na sigurado akong may laman na pagkain.

“By the way, I'm Princess Aviana Salazar Ramos, you can call me Avia or Aviana,” nakangiti kong pagpapakilala sa kanya.

Tatanggapin na niya sana ang kamay ko pero agad hinawakan ni Niko ang kamay ko at hinila ako papalayo kay Gairo.

“Ate, kailangan na natin pumasok sa mansion, iiwan na tayo ni tita kapag hindi pa tayo pumasok,” nakangiti niyang sabi.

•••

Ng makapasok na kami sa bahay ay nakita ko si mama na nakaupo sa sofa habang kausap si Mr Kim. Ng makita na ako ni Mr Kim ay agad niya ako sinalubong ng yakap. Nagulat ako kunti pero hinayaan ko nalang siya.

“I'm glad you're here.” Kumalas naman siya sa pagkakayakap at pinagmasdan ang mukha ko.

“Goodmorning Mr Kim,” nakangiti kong bati sa kanya.

“Diba sinabi ko na sa'yo na tawagin mo akong Cyprus,” sabi niya.

“Ah sorry nakalimutan ko,” sabi ko sabay kamot sa batok.

Napahinto nalang ako ng hinigpitan ni Niko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Umupo ka muna.” Napatango naman ako at tumabi kay mama.

“Kuya Gairo.” Napalingon naman si Gairo kay Niko. “Nasaan po ang banyo dito?”

“Follow me.” Napatango naman si Niko at sinundan si Gairo.

Hindi ako komportable kasi habang kausap ni mama si Cyprus ay nakatingin lang si Cyprus sa akin na parang hindi naririnig ang sinabi ni mama.

At eto naman si mama parang hindi niya napapansin. Napalingon naman ako sa pinto na bumukas at niluwa ang babae na parang same age as me.

Obsessive Love Disorder 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon