Chapter 35

961 31 10
                                    

“Sinabi sa akin ni tita kanina, Alam niya kasing hindi mo kayang sabihin sa akin.” Napahinto naman ako sa sinabi niya at napahinga ng maluwag. Akala ko pa naman siya 'yong pumatay. “Bakit ate? Ano bang iniisip mo?”

“A-ah, wala.” Bakit ko ba naisip na si Niko ang pumatay sa mama niya at ang dahilan ng pagkawala ng papa niya? Imposible naman, dahil bata pa si Niko. Hindi niya kayang pumatay ng tao.

At ang killer na pumatay sa mama ni Niko ay sobrang talino, dahil wala kahit ni isang ebidensiya na naiwan niya. I'm sure. Hindi 'yon tanga na killer.

“Ate, hindi mo ako iiwan diba?” tanong niya sa akin. Napangiti naman ako at napatango.

“Oo, hindi kita iiwan.” Niyakap naman niya ako.

“Ikaw nalang ang nandito para sa akin, ate. I have no mom or father anymore, All i have is you.” Naawa tuloy ako kay Niko. “So please don't leave me.... Choose me, ate.

“Huh?” Hindi ko kasi narinig 'yong huling sinabi niya, dahil hininaan niya ito. Kumalas naman siya sa pagkakayakap at ngumiti.

“Ate, nagugutom na ako,” nakapuot niyang sabi habang nakahawak sa tiyan niya.

Ang cute!

“O sige magluluto na si ate ng masarap na pagkain. Do'n ka muna sa kwarto, tatawagan nalang kita kapag tapos na ako magluto,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Hindi na muna ako mag o-online game. Manunuod nalang muna ako ngayon, kung paano ka magluto,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Nagsimula naman ako maglakad papunta sa kitchen at sinundan naman niya ako. I chuckled.

“Ikaw bahala, but i think mabo-boringan ka lang,” sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

“I don't think so.” Napatingin naman ako sa kanya. “Dahil kung si ate, lang ang panunuorin ko. Ihihiling ko kay bathala na sana panghabang buhay nalang kitang titigan.”

Napatawa nalang ako ng marahan. Kinuha ko naman ang apron ko at sinuot ito. Sinimulan ko na ang pagluluto, tinitigan talaga ako ni Niko. Hindi ko nga siya nakitang pumikit kahit saglit, nakatingin lang ito sa akin na parang mini-memorize ang galaw ko. Hindi ako komportable sa mga titig niya.

Para niya akong tinitignan na parang nakahubad ako. Napailing nalang ako. Ano bang iniisip mo, Aviana?! Dahil ba 'to kila Clai at Wilder kaya hindi na ako masyadong komportable sa mga lalaki?

“Ate.”

“Yes?”

“Kung may O.L.D ako, Hindi mo pa rin ba ako iiwan?” tanong niya sa akin.

Dahilan para mapatigil ako. Sa totoo lang, if malaman kong may O.L.D siya, talagang iiwan ko siya. Yes, i made a promise, but if it's to risk my life. I better break the promise we had.

“Ano bang klasing tanong 'yan?” Pilit kong umaasta na parang normal lang ang lahat pero deep inside. Kinakabahan na ako.

Mapapaisip nalang kasi ako na baka may O.L.D rin si Niko.

“Niko, may crush ka na ba?” tanong ko.

“Hindi lang crush, ate. Inlove na ako,” sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya habang nakangiti. Nakatingin lang ito sa mga mata ko.

“Heh~ sino naman? Classmate mo?” tanong ko.

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now