Chapter 2

2.2K 82 3
                                    

“What are you talking about ate?” inosente niyang tanong sa akin. “How could i have O.L.D? Hindi ko pa nga naranasan ma obsessed sa isang babae.”

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya. 

“Basta Niko, ito ang tatandaan mo. Any obsession is Dangerous,” seryoso kong saad sa kanya.

Napatango nalang ito at ngumiti.

•••

Minulat ko naman ang mata ko at nagulat ako dahil nasa tabi ko na si Niko. Muntik pa akong mapasigaw but napigilan ko ang sarili ko. He's just a kid. 13 years ang agwat namin sa isa't-isa so imposible.

Napangiti na lamang ako. At inayos ang kumot na nakatakip sa katawan niya.

Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba ng kwarto. Napaupo naman ako sa sofa. Bigla nalang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko ang tawag.

“Hello ma?”

“Anak, naiwan ko 'yong lunch box na ginawa ko kay Mr Kim, pwede mo bang ibigay sa kanya.” Napakunot naman ang noo ko.

“Mr Kim? Who's that?” taas kilay naman akong nagtanong sa kanya.

“Hahaha hindi naman masama na magkagusto diba? Age doesn't matter naman.” Napairap naman ako.

“Saan ba 'yan?” wala kong ganang tanong sa kanya.

“Sa school na pinapasukan mo noon.”

“Okay.”

Inendcall naman niya ang tawag. Wait! Hindi ko alam kung sino si Mr Kim. Tinawagan ko naman siya ulit pero hindi na siya sumagot, nag text rin ako pero malapit na mag 1 hour hindi pa rin siya nagrereply. I'm sure busy 'yon sa kompanya.

Napatampal nalang ako ng noo. At walang ganang kinuha ang lunch box na nasa lamesa at lumabas.

Naka white t shirt lang ako habang naka black wide pants. At nakapony tail.

•••

Nandito na ako sa harap ng school ko noon. I miss this school, kung hindi lang sana may baliw na lalaki na dumating sa buhay ko. Masaya sana ako noon. Napailing naman ako at pumasok na sa school.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao.

“Sino siya?”

“Oy chix!”

“Ang ganda niya.”

Wetwew.

Lumapit naman ako sa lalaking naka eyeglasses.

“Hi, umm do you know where Mr Kim is?” tanong ko.

“Mr Kim? Ah nasa principal office po siya.” Napatango nalang ako.

“Thanks.”

Napatango naman siya habang namumula ang pisnge niya. Agad naman ako pumunta sa principal office.

Wala pa ring nagbago sa school na 'to, pareho pa rin ito ng dati. Napangiti naman ako, kahit papano. May mga happy moments rin ako dito.

Kumatok muna ako sa pinto at binuksan bago pumasok. Hindi ko akalain na bago na pala ang principal dito.

“Hi po ma'am.” Lumapit naman ako sa kanya.

“What can i help you miss?” magalang niyang tanong sa akin.

“Umm, hinahanap ko po kasi si Mr Kim. Nandito ba siya?” Napatingin naman siya sa tabi ko, dahilan para tignan ko ang nasa tabi ko.

“What can i help you miss?” As i expected, may taste si mama sa mga lalaki. 

Black hair and iyung kaliwa niyang mata is black at sa kanan niyang mata is red. Weird man tignan, kasi ngayon lang ako nakakita ng ganitong mata.

At parang nasa 6'2 ang height niya. He have a white smooth skin, at malaki 'yong katawan niya. Sobrang gwapo rin nito. Sigurado akong maraming studyante ang naghahabol sa kanya. Halata rin na may abs ito. Mapupula ang mga labi. Shit! At mukhang bata pa ito.

Kaya ba sinabi ni mama na Age doesn't matter? Kaloka naman 'to! Napatingin naman ako sa lalaking katabi niya. Magkamukha sila slight.

“Uum, my mom gave this to you,” sabi ko at nilahad sa kanya ang pagkain.

Tinignan muna niya ito bago ngumiti at kinuha, Pakisabi sa mama mo na thank you.”

Napatango naman ako.

“Sige aalis na po ako. Sorry sa istorbo.” Umiling naman si Mr Kim.

“Hindi ka naman nakaistorbo, by the way, anong pangalan mo?” tanong niya sa akin.

Nakalimutan ko palang magpakilala sa kanya. Nilahad ko naman ang kamay ko habang nakangiti.

“I'm Princess Aviana Salazar Ramos, 23 year old. You can call me Avia or Aviana.” Napatango naman siya at tinanggap ang kamay.

Nagulat ako kunti dahil parang may spark sa kamay naming dalawa.

“Cyprus Aleksei Abellanosa Kim 25 year old.” Napatango naman ako.

Shit! Ang bata pa nito! Si mama naman oh! Nakakaloka siya. 45 na siya tapos nagkagusto siya sa 20 years na mas bata sa kanya.

“Nice to meet you Mr Kim,” magalang kong sabi.

“Lovely to meet you Aviana, you can call me Cyprus. 2 year gap lang naman ang sa atin.” Napangiti nalang ako at napatango.

Ako na ang bumitaw sa kamay namin kasi parang wala siyang planong bumitaw.

“Sige po aalis na po ako.” Napatango naman ang principal at si Cyprus.

Bago pa man ako maka alis ay nagtama ang mata naming dalawa sa studyante na lalaki at parang nag slowmo ang paligid.

•••

Pagbukas ko ng pinto. Nagulat nalang ako ng agad may yumakap sa akin.

“Ate!”

“Niko?” Kumalas naman siya sa pagkakayakap.

“Pag gising ko wala ka na. Saan ka ba galing?” tanong niya.

“May inutos lang sa akin si mama. Namiss mo ba ako?” Umupo naman ako para mapantayan siya at ginulo ang buhok niya.

Pumikit naman ito habang nakangiti. Ang cute niya! Minulat naman niya ulit ang mata niya at parang lalabas na 'yong puso ko dahil sa lakas na pagtibok nito. Naka puppy eyes siya habang nakapuot.

“Alam mo ba ate, muntik pa akong umiyak ng namalayan kong wala ka dito,” sabi niya sa akin.

Awww~ don't worry nandito na si ate. May kasama ka na,” nakangiti kong sabi sa kanya.

Masigla naman itong napatango.

•••

Agad naman ako hinila ni mama papalayo kay Niko.

“Ano nagustuhan niya ba 'yong pagkain na niluto ko?” tanong niya sa akin.

Dumistansiya naman ako sa kanya ng kunti. Habang irita akong tumingin sa kanya.

“Ano ka ba ma?! Ang bata pa nun? 25 pa 'yon?! Okay ka lang?! Baka may deperensya na 'yang utak mo,” sabi ko sa kanya.

“Ano ka ba nak?! Age doesn't matter.” Ewan ko sa'yo! Bahala ka na sa buhay mo.

“I don't know, binigay ko lang sa kanya ang lunch box. Tapos umalis na ako.” Napabuntong hininga naman ito at parang disappointed sa sagot ko.

Napailing nalang ako at napatingin kay Niko. Napahinto naman ako ng cold na nakatingin sa akin si Niko.

Obsessive Love Disorder 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang