Chapter 30

998 40 3
                                    

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Umiwas naman ako ng tingin. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

“If he truly loves me, Lynx. He should consider my feelings. He should not be selfish,” malungkot kong sabi sa kanya.

Hindi na ito nagsalita pa at alam kong nakatingin lang ito sa akin.

•••

“I'm home! Ate!” Agad naman niya ako niyakap.

“Saan ka ba galing?” tanong ko sa kanya.

“May inaasikaso lang ako,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, “Wag mong sabihin—”

“Hahaha i didn't kill him.” Napabuntong hininga nalang ako. “I'm just giving him a warning.” 

Nag wink naman ito sa akin bago umalis. Akmang magsasalita na ako ng pigilan ko ang sarili ko. Napahinga nalang ako ng malalim.

•••

Dahan-dahan ko naman minulat ang mata ko dahil may naramdaman akong humaplos sa buhok ko. Napatingin naman ako sa kanya.

“Lynx, what are you doing here?” Ngumiti naman siya sa akin.

“Tutulungan kita,” sabi niya.

Napaupo naman ako sa higaan ko habang gulat na gulat na tumingin sa kanya.

“Tutulungan muna akong makatakas dito?” gulat kong tanong sa kanya.

Napatango naman siya. Ngumiti naman ito, pero bakit ganun, parang hindi ko na siya makikita ulit. Bigla naman kumatok ang pinto dahilan para mapahinto ako. Nilagay naman ni Lynx 'yong hintuturo niya sa labi niya, pinapahiwatig na tumahimik ako. Napatango naman ako. At agad siya nagtago sa ilalim ng kama ko. At agad ako napahiga at pinikit ang mata.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at sigurado akong nakapasok na si Wilder. Just act normal Princess?! Hindi ka pwedeng mahalata ni Wilder! Kung hindi?! Siguradong mapapahamak si Lynx.

Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin. At hinaplos ang buhok ko at may naramdaman akong malambot sa noo ko. Hinalikan niya 'yong noo ko.

“Ate~ don't worry hahanapin ko si Clai, at pag napatay ko na siya. Nobody's gonna take you away from me,” sabi niya sa akin.

So kaya pala wala siya kanina, dahil hinahanap niya si Clai. Sumusobra na talaga si Wilder. Napaka violence niya.

“I'm sorry if i scared you my princess. I didn't mean to, I was just scared that you will go away from me.” Halata sa boses niya na malungkot ito. “I want you, Avia. I want you to look only me. Gusto ko ako lang ang mahalin mo at wala ng iba. I need you....” Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Goodnight, my princess.”

Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay narinig ko 'yong yapak ng paa niya na unti-unting humina. Ibig sabihin ay nakalayo na siya. Narinig ko ang pagsira ng pinto.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay minulat ko na ang mata ko. Lumabas na rin si Lynx sa pinagtataguan niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

Obsessive Love Disorder 2Where stories live. Discover now