Natapos ang klase namin nang hindi ako maka focus ng ayos. Ang daming laman ng isip ko ngayong araw, mabuti na lang at wala kaming quiz.

"Ayan notes ko, alam kong kailangan mo din yan. Decipher mo na lang sulat ko." Nagulat akong biglang abot sakin ni Leo ng handouts niya na puno ng sulat sa mga gilid. Halos lahat hindi ko naman maintindihan, ngumiti ako saka ko kinuha sa kanya ang papel.

"Thank you, Leo. Kala ko tarantado ka lang, marunong ka din pala mag aral." Biro ko. Tinignan niya ko ng masama at napatawa ako.

"Ayos ka din eh no?" Yan na lang ang nasabi niya, at napatawa na din. I still cannot believe that a friendship was build between Leo and I.

"Tara na sa office ni coach." Sabi pa niya. Napakunot ako ng noo. Kasama siya sa meeting slash hearing?

"Ano bang sa tingin mo? Nakipag away din ako, Allisandra. Kaya ako kasama." Tila nabasa niya ang nasa isipan ko. Napakagat na lang ako ng labi dahil para akong tangang, kinakabahan.

Pagkadating namin sa office, si Marco palang ang nasa loob. Nasa ten minutes pa bago matapos ang klase ni Raymond. Nakatingin siya saamin hanggang sa maka upo kamjng dalawa. Hindi ko mabasa kung anong na-iisip ni Marco, at kung ano man yun wala na akong pake. Ilang saglit pa, dumating na si Raymond. Tulak tulak ni King ang wheelchair niya. Pumwesto siya sa tabi ko. Mga ilang sandali lang, dumating na si coach.

"I guess you all know why you're here." Panimula niya. Si Marco ay nakatingin lang sa malayo, si Raymond naman nag lalaro ng hawak niyang ballpen habang si Leo, nakatingin lang sa direksyon ni Coach.

"Let's talk about what happened inside the shower room first since nandito naman na si Leo. Who would like to tell me what happen before I tell you what I know." Sabi ni Coach. Tumingin si Leo kay Marco at Ray na tila bang nag aantay na mag salita ang alin sa kanilang dalawa.

"It's all my fault. I had a misunderstanding with Penaso, it's a personal matter that I don't wish to discuss with everybody." Marco said. Coach just nod.

"Well, sadly, it is no longer a private matter, Marco. Due to your 'personal matter' your teammate got involved. Someone innocent." Nag palipat lipat lang ang tingin namin kay Marco at coach. Hearing what happened, medyo lumuwag ang pakiramdam ko dahil walang kasalanan si Leo at Ray.

"Let me ask you, your so-called personal issue, is that related to what happened at the basketball court the other night?” and then I gulped. What I thought is fine seems not to be at all. I feel so tensed especially that Raymond gets what Coach is talking about; and it is about me. He sharply looked at Marco when Coach asked that question. Marco then looked in my direction, but I opt not to meet his gaze. I don't want to confuse him with the tiniest action I might make.

"Well, if you would not confess, I am sorry but yes, Alli it is about you. I know you already know."

"Coach, none of this is Alli's fault." Marco defended.

"Then, it's yours then?" Coach fired back to him with a glaring eyes. I have never seen coach this angry before. We were all silenced. "Someone must take the blame. And I reminded you, that we have rules pero walang sumusunod." Sobrang guilty ang nararamdaman ko. Tears are starting to fall until I cannot hold them back.

"No, it's my fault." Leo said. Nag tataka kaming tumingin sa kanyang lahat.

"I know what business Marco had with those thuds. It just so happened that Penaso had used Alli to blackmail him. Kasi alam niya how she matters to him, which is, by the way, complete bullshit." Leo explained. We all waited for what he would tell next, as we attentively listen, my mind just keeps on asking how the hell my name got dragged into this mess, to his mess.

"In short, they have no idea that Marco has returned. So I told them. And that's the reason why Raymond got involved. I mean who would not? Alli is in danger."

"Bakit mo naman naisipang sabihin sa mga kaaway ni Marco na nakabalik na siya?” tanong naman ni coach na tanong ko din sa isip ko.

"It's for his own good, and for those childish too, especially for Alli. You know what I'm pertaining to, coach." He said.

Saglit na natahimik si Coach, hanggang sa pina alis niya muna kami sa office niya. Nag pa alam saakin si Leo na mag yoyosi lang siya, bawal talaga ang smoking e? Pero dahil gala siya, alam niya na ang mga lugar na walang guard.

Mag kasama lang kami ni Raymond sa isang empty classroom. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Nakatingin lang siya sa malayo habang nilalaro ang mga daliri niya. Sakto namang pumasok si Leo sa loob ng classroom habang nag i-spray ng alcohol sa kamay niya at saka siya nag labas ng mint candy sa bulsa niya.

"Gusto mo?" Alok niya sakin at umiling lang ako. Dumistansya ako sa kanya ng kaunti dahil ayokong mag isip ng kung ano si Raymond. Walang ni isa ang nagsasalita saaming tatlo.

"How did you know?' Biglang nag salita si Raymond. Tumingin kami ni Leo sa kanya na nag tataka kung sino ang kausap niya saaming dalawa.

"Kanino mo nalaman ang tungkol sa drugs problem ni Marco?" Dugtong niya. And I was shocked as hell. Leo just smirked and he even bothered to open another wrapped candy.

"Just thank me." Leo said and walked out of the room.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now