Kinabukasan, nabalitang nasugod sa ospital ang prof namin ni Leo.

"Alam mo, selfish man, pero buti nalang wala si Miss." Bulong niya sakin.

Hinampas ko siya ng malakas sa braso, "Ang gago mo talaga!" Saka siya tumawa ng malakas. Maya maya pa, isa isa ng nagsipag alisan ang mga classmate namin. Dalawang oras din kaming walang gagawin kaya tumayo na din ako at binitbit ang bag ko.

"San ka pupunta?" Tanong ni Leo.

"Sa field lang, tara?" Yaya ko naman sa kanya. Agad na binitbit niya ang binder niya at nilagay sa bulsa ang ballpen. Inayos niya din ang polo niya at hinawi ang buhok ng kaunti. Lahat halos ng babae sa hall, pinag titinginan siya. Sa tatlong taon kong pagiging P.A. nasanay na ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko malaman kung bakit kasama sa strategy ni coach ang looks sa mga player niya.

"Mga batang to, hindi na muna mag aral." Sabi niya pagkalabas namin. Natawa nalang ako sa sinabi niya kahit isa ako sa mga natamaan. Bakit ba kasi hindi muna ko nag atupag mag aral?

Naupo kami sa paborito kong spot, na naging paborito na din ng buong team. Halos lahat kasi sila nasama ko na dito.

"So bakit ka nanghingi ng space?" Unang tanong ni Leo pagka-upo namin.

"Hindi ka din naman talaga chismoso, no?" Sarcastic kong tanong pero talagang inayos niya pa ang upo niya na handang handang makinig.

"Ikwento mo na kasi, para may mapag usapan tayo. Two hours tayong vacant, Alli." He said while raising his two fingers.

Huminga na muna ako ng malalim. I know I can trust Leo. He is matured enough and he had a fair share of unfair fate in love so I am hoping he would understand my point.

Kinwento ko sa kanya kung paano nag simula ang lahat. Maging yung part kung bakit ako nasaktan at paano ako nasaktan ni Raymond. Hindi ako nag iwan ng detalye, pati kung papaano ako tinrato ni Marco at kung ano ang totoo kong naramdaman kay Marco ng mga panahon na yun.

"Marco still love me, hindi ko alam kung papaano nangyari yon. We made it clear, I know we did, na kung anong meron kami noon, hanggang doon lang ang lahat. Hanggang sa nawala siya, at nung bumalik nagkaganyan na siya." Paliwanag ko.

And that is the whole reason. Hindi ko kayang mag stay kami ni Raymond hanggang hindi ko nakaklaro ang sitwasyon namin ni Marco. Hindi ko kayang maging masaya kung merong malungkot ng dahil sakin.

"Pero ikaw ba wala ka ng nararamdaman para kay Marco?" Straightforward na tanong sakin ni Leo. Nasagot ko naman siya ng mabilis na 'Hindi na' but that question got stuck in my head as if I'm not sure.

Hindi ko masasabing genuine ang pag mamahal ko kay Marco as a girlfriend pero, I know that he is important to me as one of my friends. I am beyond grateful that he was there to make me happy when I am on my darkest, pero si Raymond pa din ang laman ng puso't isip ko sa loob ng isang buwan na mag kasama kami. I did not hear anything from Leo after I told him our story. Humiga siya sa damo at ginawang unan ang bag ko habang ako naman, naka sandal sa puno.

"So, papaano mo kakausapin si Marco?" He asked.

"I fucking honestly don't know." He just chuckled.

Sabay kaming nakarinig ng text galing kay coach telling us that they have training after class, at 6 PM. Hindi naman na ako masyadong mag aalala dahil mas maluwag ang schedule ni Tamara sa academics kaya naman sa kanya na iniutos ni coach ang preparation.

Isang oras bago ang schedule, nasa headquarters na ako, sumunod na dumating saakin si King at Leo na kakagaling lang sa shower room. Si Tamara naman ay busy sa pag sasalansan ng gamit ng team. Raymond walks inside and he smiled at me when our eyes met. Miss na miss ko na siya, pero kailangan kong gawin to para sakanya. Ayokong masayang ang effort ni Ray saakin.

Marco was with AJ and the rest of the team. Binuhat na namin ni Tamara ang mga supplies like towels, mineral waters, and the likes tapos nag tungo na kami sabay sabay sa court. Nahuhuli akong mag lakad sa kanila at hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala si Raymond. Amoy palang ng sabon niya alam ko na. Nilingon ko siya at nakita niya kong nakatitig na.

"Alam kong pogi ako bae." Pabiro niyang sabi. Napangiti lang ako dahil hindi ko inaasahan na kinakaya niya din ang sitwasyon namin. Gusto ko pa sanang maglakad ng mabagal papunta sa court pero tinawag na sila ni coach.

Nag simula na silang mag stretching. Halatang mga walang gana silang sumusunod sa mga mando ni coach.

"Coooach! Bat kasi nakasara yung court!" Reklamo ni AJ. Natatawa na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin niya. Nakita ko namang seryoso si Leo, King, Ray, at Marco sa pag wawarm-up. After ng ilang stretching, pina-takbo sila ni coach ng walong lapse.

Sa bawat ikot nila sa court, Ray would always smile at me, and for some reason, his sweat seems to drop in a slow motion. I watched how his muscles bounce, and it reminded me how much I miss those hugs at night while he sings me a song until I fall asleep. I'm getting turned on whenever he glance at me and whenever he catches his breath. I feel some discomfort in between my legs already. This feeling is not new to me, I need him. My body needs him.

Pagkatapos nilang tumakbo, nag stretching sila muli at pagkatapos pinag pahinga. Isa isa silang lumapit sa bench kung saan naka salansan ang mga water at towel nila. Naupo si Raymond sa isang tabi habang nag pupunas ng pawis. Bilang isang marupok, lumapit ako sa kanya para iabot ang spare na towel. Sobra kasi siyang magpawis, alam kong kulang ang isang towel para matuyo siya.

Iaabot ko lang sana sa kanya yung towel pero hinila niya ko paupo sa legs niya. Niyakap niya ko bigla at hinalikan ang balikat. Raymond, being like Raymond in the bed, pasimple niyang idinikit ang binti ko sa gitna ng mga hita niya.

"You made it hard for me to run. Napaka naughty mo, Allisandra." He said putting an emphasis to the word hard. Napalunok ako bigla. Why does he have to say it that way!? Hindi na lang ako nakapag salita at pinunasan ko na lang ang pawis niya. Medyo nabasa din ako ng pawis niya sa higpit ba naman ng yakap niya. Saka lang ako tumayo ng mapansin kami ni AJ.

"Hoy, Manlangit! Unfair mo naman may special treatment ka kay Alli! Walang jowa jowa, man!" Pang aasar niya. Mag lalakad na sana ako pero hindi siya nag paawat at hinila niya nanaman ako. Grabe, my height has been taken advantage too much by this guy.

He hugged me quick from the back and planted small kisses on my head. Napapikit ako, at nang magmulat ang mata ko, Marco's eyes met mine.

Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng awa kay Marco nang makita kaming sweet ni Raymond. Then my mind reminded me that I don't need to be sorry. I convinced myself that I have not done anything wrong. We did not do anything wrong to him, Raymond has his right to me. I am his girlfriend, and I am his alone.

I made my decision from that time, I will confront him. This should be the end.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon