CHAPTER 21

167 14 1
                                    

Chapter 21

REA'S POV

"Aries! Teme....AAH!"

Balak ko sanang puntahan ang kinaroroonan ni Aries pero mukhang ayaw akong pakawalan nitong isang 'to. Paniguradong hindi niya hahayaan na makawala ako.

"Rea, why are you running away from me?!"

Pero kapag nagpatuloy ako sa pakikipaglaban sakanya buhay naman ni Aries ang mananagot. Kailangan ko siyang mailayo kay Dean bago pa siya mapatay ng isang tauhan niya.

Hindi ko pa nahahanap si Ms. Riku kaya kailangan kong tapusin kaagad ang laban na 'to.

"Why are you keep doing that? Hindi kaba masaya na nagkita na tayo ulit. Namiss kita, Rea. Ilang taon kong ginugol ang oras ko sa paghahanap sayo at umaasang buhay kapa na sana hindi ko nalang inisip na nabuhay kapa."

Matalim ko siyang tiningnan. "Kaya siguro hindi binigay sayo ang simbolo dahil wala kang kwenta."

Pinandilatan niya ako ng mata at inis na iwinasiwas ang espada at sumangga sa espada ko. Hindi katulad kanina, mas lumakas ang enerhiya niya at nabawasan naman ang akin. Dahil sa sugat na natamo ko sa braso ay pilit kong nilalakasan pero habang ginagawa ko 'yun ay marami na rin ang dugong tumatagas.

"Hindi kapaba napapagod? Die for me, Rea. Give me the symbol!"

Tch! Kapag hindi ako nanalo dito. Katapusan na namin. Hindi ko alam kung ilang oras paba ang sasayangin ko sa pakikipag-away dito sa babaeng ito. Mukhang wala siyang panahon para magpatalo. Sa ngayon, mahina na si Aries at hindi imposibleng matalo siya sa pakikipaglaban.

Malakas ang kalaban niya ngayon kaya may posibilidad na isang atake lang ay talo siya kaagad.

"Nozomi! Look out!"

Napalingon ako sa sumigaw. Tanaw ko ang kalagayan ng dalawa na patuloy parin sa pag-atake sa mga kalaban. Hindi ko inaasahan na mas marami pa sa estudyante ng Hamura ang mga tauhan niya. At halos lahat sila ay may mga kasanayan at kakayahan sa pakikipaglaban.

Ang mas problema ko pa ay paano namin sila lalaban sa ganitong sitwasiyon. Kulang ang limang tao sa mahigit isang daang tao. At ang dalawa pa sakanila ay masyadong magaling. At ang babaeng ito ang example sa sinabi ko.

"Give me the symbol, Rea! Hindi ka karapat-dapat humawak ng ganyang uri ng-------"

"Shut up! I'll kill you!"

Malakas kong tinamaan ng sipa ang tiyan niya dahilan para mapaatras siya. Doon ko kinuha ang pagkakataon na tamaan siya ng espada pero mabilis niya itong nasangga. Saka  naman niya ako balak sipain pero nahawakan ko ang paa niya at sikuhin ito dahilan para uminda siya ng sakit.

Dinig na dinig ko kung paano tumunog ang mga buto niya. Hindi ko alam kung malala ba ang pagkabali nun pero wala na akong pakialam. Nakakatuwa kung paano siya sumigaw sa sakit at inis na tumingin saakin.

"You want battle, I'll give you war!"

Itinaas ko ang espada ko sa ere at mabilis na itinama sakanya pero ang nakakagulat ng mas mabilis pa sa alas kwatro ang kilos niya at.....

"REA!"













EURY'S POV

"Where's everyone?"

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang ikot ng mundo. Nalingat lang ako saglit sa canteen pagbalik ko sa classroom wala na sila? Paano nangyaring nawala sila? Kinuha ba sila ng UFO?

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now