EPILOGUE

329 30 15
                                    



Sampung taon na ang nakakalipas. Maraming nagbago sa eskwelahang ito. Nagbago ng tagapamahala. Nagbago ng patakaran. Nagbago rin ng mga bantay. Masaya kaming nagsimula matapos ang mga nangyari nung mga nagdaang taon. Nagbago ang patakaran sa pamamalakad ko.


Ako si Aries Cyrel Hamura. Ako na ang bagong Dean ng Hamura High School.



"Goodmorning, Dean!"

"Goodmorning, Dean!"

Ngumiti ako sakanila. "Goodmorning, kamusta ang training?" I asked.

"Ayos lang naman po!"

"Magaling po magturo ang mga trainor!"

Pagkatapos ko silang kamustahin ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Marami akong nakikitang mga estudyante ang nagsasanay ng kanilang sarili. May iba naman na nagsasanay kasama ang ibang rango.


Iniba ko ang patakaran sa pag-eensayo. Pero hindi nawala ang paligsahan. Kung walang paligsahan--hindi rin sila magiging determinado sa pagsasanay. Walang mangyayari kung magsasanay lang sila gaya ng normal na ensayo lang.


After all, hindi naman normal ang aming pagsasanay nung mga kapanahunan namin.



Nawala sa labas ng tingin ko at nalipat sa mga estudyanteng nasa harapan ng bulletin board. Bakas sakanilang mukha ang matinding paghanga. Malalapad ang kanilang ngiti habang nakaturo pa ang kanilang hintuturo sa pinakataas na bahagi nito.


Bahagya akong lumapit.


"Kilala ko siya. Madalas siyang mabanggit saamin ng aming taga-ensayo."

"Saamin din, ang sabi niya ay siya raw ang may pinakamataas na puntos nung mga naunang batch. Grabe, ang galing!"

"Tinawag din raw siyang 'pinakamataas' dahil may balat siya sa kanyang palad."

"Nakita ko ang litrato ng babaeng sinasabi nila. Lubos pa akong humanga sa ganda ng babaeng 'yun. Darating ang araw na makikita ko siya dito."

"Gusto ko siya ang mag-ensayo saakin pagdating ng panahon. Para maging malakas at magaling ako katulad niya!"


Matunog akong napangiti. Doon lang sila naglingunan saakin sabay yuko. Sinabi kong wag na nilang gawin ang bagay na 'yun dahil hindi naman na kailangan.

Tumingin ako sa pangalan na tinuturo nila kanina. Kahanga-hanga nga naman ang babaeng nasa itaas na 'yan. Sa sobrang hanga mo hindi mo namamalayan na gusto mo na ring maging katulad niya.

"Dean, kilala n'yo po ba ang babaeng iyan? Nasa ibaba ka po ng pangalan niya. Maaaring magkakilala po kayo."

Mas napangiti ako. "Tama ka. Kilala ko nga ang babaeng iyan."

"Wow! Kung ganun, alam n'yo po kung gaano siya kagaling?"

"Maaari niyo po bang sabihin saamin kung anong klaseng babae po siya?"

"Paano ka po niya natalo?"

"Pupunta po kaya siya dito?"



Wala akong naging sagot. Pinakatitigan ko lamang ang pangalan ng kanilang tinutukoy. Marahil nga ay hangang-hanga sila sa kakayahan niya. Sino ba kasi ang hindi bibilib sa taglay niyang galing sa pakikipaglaban.


She's like a hurricane in human form.


Delikado siya at hindi mo gugustuhing kalabanin. Kung sa labanan. Ilalabas mo palang ang armas mo ay nakatutok na ang armas niya sa'yo. Mabagsik at puno ng pangil man ang kalaban. Para sakanya ay isa kalang mabagsik na hayop sa kagubatan. At siya ang papaslang sa'yo.


"Kikwentuhan ko nalang kayo sa ibang araw. Sasabihin ko kung anong klaseng babae siya at kung gaano siya kagaling sa pakikipaglaban. Sa ngayon, kailangan niyo munang mag-ensayo kasama ng inyong mga taga-ensayo."

mahigpit na bilin ko sa mga estudyante.


"Masusunod po, Dean!" sabay-sabay nilang sabi sabay yuko saakin at umalis.

Nang mawala sila sa paningin ko ay ibinalik ko ang tingin sa pangalan ng babaeng kanilang tinutukoy na nasa itaas ng aking pangalan.


Rea Lavrentiy Collins


Kahit hanggang sa kamatayan. Aalalahanin parin kita. Hindi ka mawawala sa ala-ala ko. Pangako. Kapag tapos na ang trabaho ko.....susunod ako sa'yo.


Pero sa ngayon. Hayaan mong gampanan ko ang tungkulin ko bilang isang Dean.










--The End--









"I thought death was the most frightening event in human life. Mas may nakakatakot pa pala doon. Iyun ay yung hindi mo masabi sa mahal mo na mahal mo siya." -Aries Cyrel Hamura

Hamura High School 2 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon