CHAPTER 13

181 13 0
                                    


Chapter 13

VINASSY'S POV

"Nakakamiss yung ganitong ginagawa natin, diba?" tanong ni Casper.

Nakakatuwang panoorin na nag-iipon nanaman kami dito sa classroom. Except kay Rea na hindi namin alam kung saan nanaman siya nagpunta. Masaya kaming bumalik siya pero nanibago kami dahil sa malamig niyang pakikisama. Naiintindihan ko naman na seryoso talaga siya at maraming ginagawa, ang makausap nga lang si Aries ay seryoso na ang reaksiyon niya paano pa kaya kung mga rango na.

"Nakakamiss din si Rea." dinig kong biglang sabi ni Alice sa may gilid.

Pareho silang nakatingin sa kawalan ni Luna. Sa totoo lang kanina pa sila ganyan, wala silang nababanggit na ano. Sinabi lang nila pumunta si Rea sa dorm nila kanina pero umalis rin kaagad. Maging si Casper ay ganun din ang sinabi. Nakakapagtaka lang na ako ay hindi niya nagawang puntahan kanina. I wonder kung ayaw niya ba akong makita o hindi ako belong sa friendship nila nina Alice.

Hays!

Nadinig namin ang biglang pagbukas ng pinto kaya nagsipag-ayos ang buong estudyante. Pero hindi ko inaasahan na ang taong papasok ay walang iba kundi si Rea. Iyun nanaman ang reaksiyon niyang napakaseryoso, malamig na awra na hindi mo mararamdaman ang kaba sakanya.

"Rea?"

"You still here?"

"You stay! We're glad to know that!"

Kanya-kanya nilang sabi pero nanatiling tahimik si Rea ng ilang segundo bago nagawang huminga ng malalim. Nagkatinginan naman kami ni Casper at hindi maintindihan ang nangyayari sakanya.

"I-I'm leaving Hamura High School," she says. Nagkaroon ng bulungan sa buong classroom pero natahimik kaagad nang pukpukin niya ang desk. "-Hindi na ako babalik, for good."

And then I stood up. "Why?"

"..You see, I'm not belong here. Pupunta ako sa ruta ng mga Black Forces at---------"

"Kasama niya ako."

Napalingon kami sa nagsalita. Nakita namin na nakasandal si Aries sa pintuan. Mas naguluhan pa ako sa sinabi ni Rea.

"Whatever he says!" wika ni Rea.

Nagsipagtayuan naman ang ibang E-rank. Maging si Alice at Luna ay nakikiprotesta na rin na huwag na siyang tumuloy. Mas nagkaroon ako ng kaba dahil sa ganitong usapan. Natatakot ako sa kung ano ang pwedeng mangyari kung tumuloy pa siya.

"Black Forces?"

"Hindi ba ruta ng kaaway 'yun?"

"Mapanganib 'yun, Rea!"

Protesta nina Casper at Luna sakanya.

"Guys, you don't understand. We're all in danger if I stay here. Isa pa, hindi lang kayo ang dapat kong protektahan. Ms. Riku needs me."

Sandaling natahimik ang mga kaklase namin. Maging sina Casper ay wala na ring nasabi.

"Kung poprotektahan mo kami, bakit aalis ka?" tanong ni Ryu.

"Nandito si Dean, siya ang poprotekta sainyo. Uunahan ko na sila para hindi na sila makarating dito. Trust me, y'all gonna be fine."

Sana ikaw rin, Rea.

"And I hope Aries will protect you, too."

Napatingin kaming lahat kay Aries. Hindi maganda ang reaksiyon at sinisigurado talaga naming gagawin niya ang bagay na 'yun.

"I will, you don't have to glare at me like that!"

Nang huminahon na ang iba saka naman ako lumapit kay Rea. Gulong-gulo parin talaga ako sa pagkatao niya. Pero isa lang ang alam ko, yun ay totoo siya sa mga salita niya and I know she will never broke that words of her!

Tinap ko siya sa magkabilang balikat. "Please come back alive." mahinahong sabi ko.

"I will, I promise!"

Matapos yun ay saka ko siya niyakap ng mahigpit. Nakita ko rin ang paglapit ng mga kaklase namin. Habang nakayakap ay nakatingin ako kay Aries na seryoso lang din na nakatingin sa gawi namin. Sana lang talaga maprotektahan siya ni Aries. Ito ang unang beses na hihiling ako sakanya na itaya niya ang buhay niya para lang kay Rea. Sa lahat ng ginawa niya sa E-rank. Kapatawaran na rin naman 'yun. Hmp!

"Kapag nailigtas mo si Ms. Riku, pwede bang magpadala ka ng sulat na ayos kalang?"

"Oo nga, para alam namin na safe ka o buhay ka."

"Ipangako mo, Rea!"

"Pangako." sabi niya.

Yun ang pinakamasarap na salita na narinig ko sa araw na 'to. Tiyak kong makakampante kaming lahat. "Panghahawakan ko ang pangakong 'yan, Rea." sabi ko sakanya.

"Panghahawakan namin." sabi naman ni Luna.

Naglakad na siya palabas ng classroom. Ang bumitaw sa mga kamay ko ay tuluyan na ring nangyari. Kumaway kami sakanya ng sabay-sabay nang kumaway siya bago isara ang pinto ng classroom.

Gayun nalamang ang tahimik na presensiya na bumalot sa loob ng silid. Walang nakagawa ng anumang ingay. Animo'y may kanya-kanya kaming iniisip at malulungkot ang mga sarili. Nagawa lang siguro naming maupo nang bumalik na sa upuan si Ryu ng nakayuko.

Marami ang nakigaya at yumuko na rin. Nakita ko ring yumuko si Casper at para bang nagdadasal siya na hindi ko maintindihan. Imbis na punain ay ginaya ko nalamang siya.

Aries, protect Rea for us! Please!












ARIES'S POV

"Rea, sandali."

Tumigil siya sandali at humarap saakin. Sa tuwing titingnan niya ako ng seryoso niyang reaksiyon, nakakalimutan ko ang sasabihin ko. Sa totoo lang, kanina ko pa dapat ito sinabi sakanya pero hindi ko masabi-sabi sakanya.

"Aries, what's wrong?"

Bumalik sa reyalidad ang isip ko. Hindi ko namalayan na malapit na pala siya saakin kaya bigla akong napaatras. "You're so close! Geez!"

She just rolled her eyes. "You're really acting weird, did you take your vitamins, Aries?"

"Anong vitamins 'yang sinasabi mo? Gusto ko lang sabihin na magpapaalam ka muna saakin kung ano ang gusto mong gawin. Kapag pumayag ako ay saka mo lang gagawin."

Tinaasan niya ako ng kanang kilay. "Anong klaseng pakulo 'yan?"

"Ayoko lang na gumawa ka ng ikapapahamak mo kaya sumunod ka nalang, Rea."

"And who do you think I am to obey you? What are you? my master or something? Cut it out! I don't need permission from you, you're nothing like me, Aries."

Sinamaan ko siya ng tingin bago sinundan sa paglalakad. Ayokong uminit ang ulo ko sa babaeng 'to. Why can't she understand me?! I'm just worried about her! I don't want to get into trouble. Mapanganib ang pupuntahan niya kaya sasama ako and all we need is each other. Anong masama sa ganung pakulo kung sa ikabubuti naman niya ang bagay na 'yun? Girls are complicated! Lalo na 'tong isang 'to!

Badtrip!

"Done with your daydreaming routine, Aries?"

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa tapat ng opisina ni Lolo. Nandun na rin sa labas ang ibang rango at sa nakakainis na senaryo na makikita ko ay nag-uusap nanaman sila ni Nozomi. May patawa-tawa pang nalalaman ang isa dahilan para mas lalo ko siyang tapunan ng masamang tingin.

"I'll send my brave men to guided everyone way to the secret hideout. You must go and becareful."
















[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora