CHAPTER 12

192 17 1
                                    

REA'S POV

Nakay Aries ang isa? So all along, may mga sikreto sila?

Nakita kong tinitingnan ni Aries ang iba't-ibang parte ng katawan niya. Nag-aantay rin ako kung makikita ba niya ito. Lumapit naman si Dean at pumunta sa likuran ni Aries. Hinawakan niya ang uniporme at saka ibinaba. Lumitaw ang hinahanap namin sa may batok niya. Medjo mababa ang kinaroroonan nito at talagang natatakpan.

Nakakapagtaka lang na hindi man lang napansin ni Aries ang tungkol diyan. O baka wala talaga siyang alam na may nakalagay sa batok niya.

"Si Nash at si Aries ang napagkasunduan namin ng papa mo dahil alam naming mapoprotektahan ka nila balang araw. At sa pagdating ng panahon ay sila ang magiging kanang kamay mo." paliwanag ni Dean.

"Ngayong wala na si Nash, ako nalang ang poprotekta sa'yo."

Matalim kong tiningnan si Aries dahil sa sinabi niyang 'yun. "Hindi ko kailangan ng bantay, kaya ko ang sarili ko."

"Ganyan din ang sinasabi ng mga babaeng sasabak palang sa gyera."

Masama pa kaming nagtitigan bago ko siya inirapan. Tumingin ako kay Dean saka kinuha ang libro ni Nash. "Pupunta ako sa ruta ng mga Black Forces, Dean. Kailangan kong iligtas si Ms. Rik----------"

"Are you crazy?! You're not going alone!"

"He's right, Rea. It's too dangerous."

Umiling ako. "Nasa peligro na ang buhay ko simula nang pumasok ako rito, wala ng bago. Pupunta parin ako."

"And I'm coming with you..."

"Aries?"

"No." pigil ko. Kapag sumama siya, baka mabulilyaso ang plano ko. Si Ms. Riku lang ang sasagipin ko at kapag sumama siya pare-pareho kaming mapapahamak.

"Stay right here, protect everyone."

"Kung pupunta ka, isama mo ang ikauna at ikalawang rango. Matutulungan ka nila." suhestiyon ni Dean.

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung maganda ang ideyang 'yun pero may point siya. Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao ang naroon. Pero isa lang ang alam ko. Pagdating doon ay papatayin ko na ang Emperador. Wala akong ititira kahit isa.

"Kung balak mong puksain kasama ang Emperador, sasama ako." sabi naman ni Aries.

"Fine," I looked at Dean. "Just in case we need back-up, bring E-rank to this mission." I said.

Tumango lang siya saka lumabas ng opisina. Balak ko naman ding lumabas pero bigla akong hinatak ni Aries at....

Niyakap.

Gulat man ay hindi ako nagreak. Nayakap na rin naman niya ako kanina pero bakit kakaiba yung yakap niya ngayon?

"Aries, let go!" inis na sabi ko pero mas hinigpitan pa niya ang yakap saakin kaya inapakan ko siya sa paa dahilan para kumawala ako.

"What's wrong with you?! Hugging me all of the sudden?! Ikaw na yata ang pinaka baliw na nakilal------"

"I miss you, Rea," he says. May lungkot sa mga mata niya. "I really want you here, with me. Gusto ko nakikita kita. Hindi ko hahayaang lumaban ka nanaman ng mag-isa. Nakakatakot."

Napataas ang isa kong kilay. "What's this? A romance or something? Enough of your cheesy words, kung natatakot ka na nakikipaglaban ako ng mag-isa. Bakit hindi ka nalang din lumaban ng mag-isa? Sa ganung paraan, patas na tayo Aries."

Yun lang ang sinabi ko't lumabas na rin ng opisina. Pabalik na ako sa dorm para magpaalam kina Luna at Alice. Kailangan ko ring magpaalam sa iba pang E-rank.















ARIES'S POV

I really hate that woman. Ang manhid niya?! Bakit kailangan niyang itanong kung romance ba 'yun?! Malamang oo! Nagbibitaw ako ng matatamis na salita at gagatungan niya ng ganung klaseng salita?! Ang kapal ng mukha niya!

Badtrip!

Naiwan akong mag-isa dito sa opisina. Naupo pa ako sa sofa ni Lolo at inantay siyang makabalik. Hindi pa niya akalain na narito parin ako. Hinanap niya si Rea pero hindi ko siya masagot. Hindi ko nanaman alam kung saan nagpunta ang babaeng 'yun, pero hindi na niya mapipigilan ang gusto ko. Sasama ako anuman ang mangyari.

"Dean Hamura?"

Bumukas ang pinto at pumasok ang maraming tao. Nanguna doon sina Danko at Nozomi na seryoso ang pagmumukha. Ang mukhang ayaw na ayaw kong makita. Nakakapansin din kasi ako, simula nang makabalik dito si Rea ay panay na ang lapit ni Nozomi sakanya. Wala akong maalala kung paano sila naging close.

"Makakasama ka rin pala namin." sabi niya.

"Tss, kayo ang makakasama namin. Ako lang talaga ang kasama, epal lang kayong mga rango." sabi ko.

Natawa naman siya at 'yun ang kinainisan ko. Para kasing ang sarap niyang suntukin sa tuwing tatawa o ngingiti siya. Lalo na kung para kay Rea ang mga ngiting 'yun.

"Aries, respect. Nakakataas na rango sila."

"They can't earn my respect." sambit ko't lumabas na ng opisina.

Nakakawalang gana mabuhay kung sila nanaman ang nakikita ko ngayong araw. Bakit naman kasi kasama pa sila?! Kaya  naman namin ni Rea talunin lahat ng Black Forces.

Hindi na namin sila kailangan!

"Aries, pre!" napa-angat ako ng tingin sa tumawag. It was Eury.

Naglalakad siya kasama ni Trixy obviously. Malamang galing sila sa classroom.

"Wala ka kanina, saan kaba nagpunta?"

"The answer is too obvious, malamang kung nasaan si Rea." sagot ni Trixy.

Hindi ko alam kung matutuwa ba akong 'yun ang sagot niya o maiinis dahil siya pa ang sumagot. Everytime na naririnig ko sakanya ang pangalan ni Rea. Ang paklang pakinggan.

"Stop saying her name, okay?"

Napangisi naman siya. "Anong gusto mong itawag ko sakanya? Lavrentiy? Lavrentey? Lavrenty? or whatever?" pagtataray niya.

"Nasaan nga pala siya kung nagkita nga kayo?"
pag-iiba ng usapan ni Eury.

"Pupunta siya sa ruta ng Black Forces." sabi ko.

Kita ko ang pagkagulat nilang dalawa. Mas nauna pang nagreak si Trixy.

"What?! Is she crazy?! alam naman niyang gusto siyang patayin ng mga 'yon and pupunta siya?!"

"You're coming with her." sabi ni Eury.

"That's my intension."

"You're crazy! you're nothing like Rea, Aries. How can you fight those people? As far as I remember nahimatay ka noon hindi kapa nakakalaban!"

"Hindi ko maalala."

"Kasi nga hinimatay ka duh! Aries!"

"You know what, maybe she's right. It's better if you stay and let Rea handle everything. She's tough, Aries. I know she can handle it."

Hindi nila ako maintindihan. Ayokong pumunta siya ng mag-isa dahil natatakot ako. Natatakot na baka hindi ko nanaman siya makita pa.

"Rea is not weak, Aries."

"Just because she's tough doesn't mean she doesn't need protection."












[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now