CHAPTER 17

168 12 0
                                    


Chapter 17

ARIES'S POV

"Wahh!"

Bigla kong nailapag sa kung saan si Ms. Riku. Hindi ko na siya kayang buhatin pa. Alam ko na ring nasasaktan na siya dahil sa sugat na tinamo niya ngayon. Pero kung hindi namin siya mailalabas dito tiyak na matutuntun na kami ng mga kalaban. Pero una sa lahat, kailangan namin mahanap si Rea bago kami makalabas.

"Nasaan na sina Rea? Tingin mo ba nahuli na sila ng Emperador?" nag-aalalang tanong ni Nozomi dahilan para kumunot ang noo ko.

Hindi maaari! Imposibleng mahuli sila ng Emperador o ng ibang tauhan ng Black forces. Hindi ganun kadali!

"Heh! Don't underestimate her, she's not weak."

That's right! She's not weak! My girl is not weak! She's not a Collins for nothing! Alam kong kahit anong kalaban ang kaharap niya ay kayang kaya niyang pabagsakin. Dahil higit pa sa isang daang lakas ng tao ang lakas niya sa pakikipag-away.
Ramdam ko 'yan habang nakikipaglaban ako sakanya nung ensayo. Hindi siya basta-basta magpapatalo!

"Kailangan na nating makalabas dito, tara na, Nozomi!"

Tinulungan niya akong maisaklay sa aking likuran si Ms. Riku. Dahil mabigat siya at puro sugat ang kanyang katawan ay nag-aalangan kaming hawakan ito. Pero wala na kaming oras para doon. Kailangan namin siyang mailabas dito at tumawag ng back up mula sa Hamura.

Paniguradong naghahanda na rin sina Lolo sa hideout!

"Ayun sila! Habulin ang tumakas!"







NOZOMI'S POV

This is bad, we've been found out! Wala kaming sapat na lakas para talunin ang grupo ng ulupong na 'to. Ngayong kailangan pa naming protektahan si Ms. Riku at ilayo sa mga taong 'to, wala pa akong maisip na ideya kung paano namin sila malalampasan.

Mag-isip ka, Nozomi! Think carefully!

"Nozomi, what are you doing?! Fight!"

Bumalik ang isip ko sa reyalidad nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Boses ng lalaki ang nagmula sa itaas.

"Danko!"

Bumagsak siya sa mga kalaban at karamihan sakanila ay natumba. Doon ko rin nakuha ang pagkakataong lumaban at kumuha ng armas. Habang nakabantay naman si Aries kay Ms. Riku ay hindi namin pinahihintulutang may makalapit sakanila.

"Danko! Nasaan si Rea?" tanong ko.

"Kasama siya ng iba, Kare wa ten'nō no rūto ni ikimashita!"

Nanlaki ang mata ko. "Nani?! Anong pumasok sa isip niya't naisipan niyang pumunta doon mag-isa?!"

What the hell?! I can't believe this! Paano kami makakalabas kung nandoon siya sa Emperador?! Paano kung may mangyaring masama sakanya? Paano kung marami siyang makalaban doon?! Anong gagawin ko?!

Hindi ko alam kung anong naisip niya't pumunta siya doon. May posibilidad na baka inisip niyang nasa ruta mismo ng Emperador si Ms. Riku kaya niya naisipan-----pero nandito siya at ano nalang ang mangyayari sakanya doon?!

Think! Nozomi! You have to save her!



But how.....?


"Nozomi! Watashi wa anata ga shinpai shite iru koto o shitte imasuga, anata mo tatakawanakereba narimasen, Baka!" malakas na sigaw ni Danko na nagpagising saakin mula sa malalim na pag-iisip.

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now