CHAPTER 24

168 14 0
                                    


--3 minutes remaining--

"Rea, anong ginagawa----"

"ARIES!" malakas na sigaw ko habang tinatalo ang ibang kalaban. "Lumabas na kayo ng lugar na 'to!" pagpatuloy ko.

Bakas sakanila ang pagkagulat pero hindi ko 'yun pinansin. Mas sinamaan ko sila ng tingin para sumunod na sila. Limang minuto lang ang palugit ng oras bago sumabog ang mga bomba. Kailangan nilang makaalis dito.

Nila? Kung ganun....maiiwan ba ako?

"Ako na ang bahala dito." sabi ko pa.

"Nababaliw kana ba?----"

"Paglabas ko..." ngumisi ako ng nakakaloko. "Gusto kong makita na hawak mo ang katawan ni Ms. Riku. Gusto ko siyang makita. Dalhin mo siya doon. Susunod ako!"

Hindi ako lumingon. Naisip ko lang bigla ang mga ala-ala namin ni Ms. Riku. Mga ala-alala na naging dahilan ng pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nasasaktan lang ako at wala akong ibang maramdaman kundi ang kito sa puso ko.

Ayoko siyang makita. Ayokong makita ang katawan niya. Ayaw na ayaw kong paniwalaan na wala na siya. Wala na si Ms. Riku. Ang babaeng nag-ensayo saakin ng napakaraming taon. At hindi ko kakayananin kung makita ko pa ang katawan niya ngayon.

"Takbo na! Aries! Danko!" sigaw ko sakanilang dalawa.

"Siguraduhin mo lang na susunod ka. Hindi kita mapapatawad kapag hindi ka lumabas!" dinig kong sigaw ni Aries.

Pagkatapos ay narinig ko na ang pagtakbo niya palayo. Tinanaw ko naman na nakasunod na si Danko sakanya.

Hindi pa sila nakakalayo nang matanaw kong lumipad ang lalaki para puntahan sila pero ura-uradang nasangga ko ang espada niyang dadapo sa likuran ni Danko.

"It's futile! You can't beat me!" sigaw niya at diniinan pa ang pagtama ng sandata niya.

"You stole my line, bastard!" sigaw ko kasabay ang malakas na pagsipa sakanya.

Isinangga niya ang kamay niya kaya doon lang siya nagasgasan. Napasinghal pa ako nang makitang lumipad patungo sakanya ang babae.

"I told you to give up. Sino pa ba ang tutulong sa'yo dito? Do you think let them escape make you feel stronger? Just die, Sister!"

Sinugod niya ako pero hindi ako napagtalo. Tinamaan niya ng tinamaan ang espada ko kaya todo tama rin ito sakanya. Dalawa na silang sumugod sa pangalawa pero hindi ako natitibag. Nang lumipad ang lalaki sa malayo ay doon ko kinuha ang pagkakataon na atakihin ang babae.

"You're weaker than Aries, you know?" nakakalokong sabi ko na ikinakunot ng kanyang noo.

--2 minutes remaining--

Nginisihan ko siya saka malakas na iwinasiwas ang espada sakanya. Hindi siya tinamaan sa una pero sinipa ko siya sa tiyan kaya napatakip siya sa tiyan. Pero ang talagang pakay ko ay nakalimutan niyang protektahan.

Dahil dun ay mabilis kong itinarak ang espada sa dibdib niya.

Saktong sakto iyun mismo sa dibdib niya.

"REIZEL!" sigaw ng lalaki.

Kaagad niya akong sinugod kaya basta ko nalang nahugot ang espada sakanya. Ang paglayo ko ay siyang pagbagsak ng babae na wala ng buhay.

Masama akong tiningnan ng lalaki habang may luha sa mga mata.

"What have you done to your sister?!" inis na sigaw niya habang hawak ang katawan ng babae.

Wala akong reaksiyong nakatingin sakanya. "She's not my sister."

Wala akong kapatid na mamamatay-tao. Wala akong kapatid na ubod ng sama. Wala akong kapatid na demonyo. Mas masahol pa siya sa demonyo.

"How could you do this to your own sister?! Wala kang awa!"

Napangisi ako. Nang-iinsulto. "Lumaki akong walang awa sa mga kaaway ko. Hindi ko siya kinikilalang kapatid. Kulang pa ang isang buhay para sa libo-libong buhay na kinitil n'yo."

Inis siyang tumayo at nagpunas ng luha. Hindi nagtagal ay mabilis niya akong inatake ng espada niya dahilan para mapaatras ako. Bumuka ng bumuka ang sugat ko kaya napapaiwas lang ako sa mga atake niya.

Panay ang sigaw niya habang inaatake ako. Kulang nalang mabasag na ng tuluyan ang boses nito.

Damn it. Napapagod na ako!

"REA! GET OUT OF THERE!"

Napahinto ako sa sumigaw. It was senpai. Biglang pumasok sa isip ko ang time bomb. Kanina pa kaming nandito at kung kaunting oras nalang ang natitira ay kailangan ko na lumabas.

"REA! UMALIS KANA RIYAN NGAYON NA!"

"I won't let you escape!" sigaw ng lalaki.

Inis ko siyang sinalubong ng atake. Hindi talaga siya magpapatalo hangga't hindi siya bumabagsak ng duguan dito. But I don't have much time! Sasabog na ang bomba!

"REA! REA! GET THE HELL OUT OF THERE!"



--1 minute remaining--


Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng mga metal na nagbabanggan ngayon. Hindi ko na naririnig kung ano ang isinisigaw ni Senpai nitong mga oras na ito pero may isang bagay lang akong hihilingin.

Kung bibigyan man ako ng tyansa na makalabas dito ay sana lang paglabas ko....wala na kaming kalaban.

"Die! Die! Die! Die!" malalakas na sigaw ng lalaki.

Malakas ko siyang tinamaan ng espada sa may tagiliran pero kaagad niya itong naiwasan. Itataas ko palang ang espada ko nang biglang....

*SHREIK!*

"HAHAHAHAHAHA!! Can you feel it, huh?! Feel it! Die for me, Collins!"

Nasaksak niya ako. Sa kabilang tagiliran.

Napabuga ako ng dugo sa mismong mukha niya. Pero hindi ako bumigay. Buong lakas kong hinawakan ang espada para alisin ito sa katawan ko pero mas lalo niya itong diniinan.

Hanggang sa tuluyan na akong bumagsak at napaluhod sa sahig.



"REAAAAA!!"









NOZOMI'S POV

Tears welled up in my eyes when I saw what had happened. I just got on my knees and did nothing. I wanted to go to her but something was stopping me. Afraid? Repentance? Kaba?


I was Stunned watching how Rea bled at her opponent. Doon mas lalong bumuhos ang luha ko. Iyun na siguro ang pinakamasakit na senaryong nangyari sa harapan ko.


A few moments passed. It was as if the movement around was slowing down. I saw Rea's heavy breathing and she turned to me with a smile.



"Senpai....."


My heart was broken when she suddenly called me senpai. Damang dama ko iyun at walang pag-alinlangang tinanguan siya.



--00:00:00--



Pagkatapos ng lahat. Lumiwanag ang paligid.


Hindi sa sikat ng araw.


Hindi sa ilaw ng himala.


Kundi ang liwanag ng malaking pagsabog.



Mabagal ang bawat pangyayari. Bago ako ako makatakbo palabas ay nakita ko pa ang kinaroroonan ni Rea.


She was smiling at me. Smoothly.



Iyun ang kauna-unahang beses na makita ko siyang ngumiti. Ang ngiting hinding hindi mawawala sa memorya ko.



Her final smile.






[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now