ARIES-CHAPTER 5

238 25 2
                                    



Chapter 5


Damn it! This girl is good at fighting!

Paniguradong hindi niya ako titigilan hangga't nakatayo pa ako at nakakatakbo. Hindi ako nakalapit kay Eury at pinatkbo ko nalang siya sa kung saan. Patuloy parin kaming naglalaban at dahil sa ako na ang pakay niya. Siya na rin ang pakay ko ngayon.


Nakaabot kami sa kung saan-saang sulok ng gubat pero hindi parin natatapos ang away naming dalawa. May ibang rango ang nakakita sa paglalaban namin pero bigo silang kalabanin ang babae at tulungan ako.

Malakas kong tinamaan ang sandata niya pero mas unang tumalsik ang hawak ko. Ngayong wala na akong hawak ay inaantay ko nalang ang sunod niyang magiging kilos.

Itinaas niya sa ere ang espada niya't ipapalo sana saakin nang mabilis ko siyang niyakap dahilan para matumba kaming dalawa sa lupa. Nanlalaban pa siya saakin pero dahil nakadagan ako sakanya ay wala siyang magawa kundi huminahon.

"Gotcha! Now, surrender!" sigaw ko.


Nakita ko ang pagkalma niya. Binitawan niya rin anv hawak niyang sandata at itinaas niya ang dalawang kamay sa ere.

"I concede defeat," she says. "..Now get your hands off me."

Natigilan ako. Doon ko narealize kung saan nakalagay ang kamay ko ngayon. I blinked twice when I realized how ashamed I am right now. Inalis ko kaagad ang kamay ko sa parte ng katawan niyang hindi ko inaasahang mapupunta doon ang hawak ko. Umalis rin ako sa pagkakadagan sakanya't ipinagpag ang damit ko.

Nakita ko naman siyang tumayo pero wala siyang naging reaksiyon saakin. Imbis na magsorry ay nahihiya akong tumakbo tungo sa gitna ng kagubatan para hanapin ang iba ko pang mga kasama.

Habang tumatakbo ay nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumigil pa ako dahil hindi parin ako makapaniwala sa nagawa ko. Kapit na kapit sa kamay ko ang nangyari at hindi maalis sa isip ko na isang maliit at malambot ang nahawakan ko kanina.


Dahil sa kung ano-ano na ang naiisip ko ay pinagsasampal ko ang sarili ko't nagpatuloy nalang sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa bukana ng Oriyama Mountain na sa kakapusan ng pag-asa nakita kong hawak na ng C-rank ang flag na dapat sana'y kukunin namin.

"Victory is ours, Aries." wika ni Haven na siyang may hawak ng flag.

Nilagpasan niya kami at sakto namang pagtingala namin ang siyang pagputok ng signal na may nakakuha na ng flag.

"Where were you?" tanong ni Eury na hingal na hingal na lumapit saakin.

Hindi ko siya sinagot at tiningnan muli ang kamay ko. Hindi parin kasi mawala sa isip ko ang nangyari at nakakahiya lang na nagawa ko 'yon.

"Everyone, bumalik na kayo sa Hamura High School. May mahalagang sasabihin si Dean." anunsiyo ni Nozomi na kakalabas lang sa bukana ng Bundok.

Nauna siyang maglakad at sinundan naman ng ibang rango. Marami naman ang nakatingin saakin, nagtataka kung bakit ngayon lamang kami nakarating sa bukana.

Kung nalagpasan lang sana namin kaagad ang dalawang 'yon ay malamang kami nanaman ang makakakuha ng flag. Nakakainis!











Ilang minuto ang nakalipas nang makabalik kami sa HHS. Lahat ay nagtipon-tipon at naibalik nila kay Lolo ang Flag which is sila ang may pinakamataas na score. Inanunsiyo naman nila na mataas ang nakuha kong score dahil natalo ko ang isa sa mga outdoor enemy during training. Habang sinasabi nila 'yon ay namumula ang pisngi ko at hindi ko alam kung ano ang irereak. Matutuwa ba ako o mahihiya.

Hamura High School 2 | ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora