ARIES-CHAPTER 1

424 28 2
                                    


Chapter 1

"Rea!"

Bigla akong napabalikwas galing sa masamang panaginip. Habang hawak ang sintido ay napansin ko ang nakapalibot na mga tao saakin. Taka ko naman din silang tiningnan.

"W-What happened-------Nasaan si Rea?" tarantang tanong ko pero ni isa walang sumagot.

Tiningnan ko si Nozomi na nakacross-arm lang na nakatingin sa gawi ko. Animoy para bang may sasabihin siya ngunit wala siyang lakas ng loob. Hanggang sa lumapit na saakin si Eury at may iniabot na puting sobre.

Halos manlaki ang mata ko kung kanino galing 'yon. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa't binuksan na ito. Sa simpleng sulat, dinig ko kung paano niya sinabi ang katagang 'yon. Naririnig ko parin ang boses niya...at aasa nalang ako na sana tuparin niya ang sinabi niyang magkikita parin kami.

"Our lovestory will never end without a happy ending, Rea." I mumbled.

Sa ngayon, hindi ko alam kung gagaan ba ang pakiramdam ko dahil binigyan niya ako ng pag-asa na magkita kaming muli o sadyang pinagaan niya lang ang damdamin ko dahil kailanman hindi kami magkikita.

Hindi mo man lang ako hinintay na magising bago ka umalis.









1 Year Later......

Papunta ako ngayon sa dean's office nang madaan ko bigla ang classroom ng E-rank. Isang taon na ang nakakalipas simula nang magising ako sa mahabang pagtulog at ang pag-alis ni Rea sa HHS. Patuloy parin akong umaasa na babalik siya at magkikita kami ulit.

"A-Aries!"

Napalingon ako sa nagsalita. It was Vinassy.

"...I-Ikaw pala." dagdag niya.

"Sorry for your loss, Vinassy." I said. Alam kong alam niya kung sinong tao ang tinutukoy ko. Alam ko rin na hindi magiging madali sakanya tanggapin ang mga nangyari pero alam kong nakarecover na siya doon.

"Vinassy, tara na------A-Aries."

"Hi." I greeted at her friend. Casper.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na simula nang dumating dito sa Hamura si Rea ay nagbago na ang lahat. Wala sa isip ko ang kausapin a ng sinuman sakanila pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. It's all thanks to her. Nagbago rin ako....slight.

"A-Aalis na kami, tara na Vinassy."

Naglakad na sila pababa at tumuloy na rin papasok sa Dean's office. Bumungad si Lolo na nakaupo sa kanyang trono habang may malalim na iniisip na nakatingin sa kawalan.

"Bakit niyo po ako pinapunta rito, Lolo?" ang unang sinabi ko dahilan para bumalik sa reyalidad ang isip niya.

"I need to tell you something." he said.

Bigla naman akong kinabahan. Wala pa nga akong naririnig ay malakas na kaagad ang kutob ko na may paparating na hindi maganda.

"A-Ano 'yon, Lolo?"

"Matagal ko na itong gustong sabihin sa'y----------"

"DEAN!"

Biglang naputol ang sinasabi niya dahil sa pagdating ng kanyang lady assistant. Hingal na hingal siyang pumasok sa loob at lumapit kay Lolo at may binulong.

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now