CHAPTER 19

152 13 0
                                    


Chapter 19

REA'S POV

"W-What did you just say?!"

Gulat ko siyang tinapunan ng tingin dahil sa sinabi niya tungkol sa pamilya ko. Naguguluhan man ay nandun parin ang inis nang lumapit siya saakin habang nakangisi.

"You don't know? Well, let me introduce myself..."

Itinuro niya ang sarili niya habang ako ay naestatwa na. Hindi makapaniwala sa unang salitang binanggit niya.

"...My name is Reizel Collins, your older sister."


Nanlaki ang mata ko sa pagpapakilala niya. Tila ba huminto ang lahat ng bagay na nasa paligid ko nang marinig ang pangalan niya.

Collins? Older.......sister?


It can't be! Paanong siya ang........No! No! I-It's Impossible! My family died long time ago! At wala na akong nabalitaan na may nabuhay man sakanila ni Isa! Kung may nabuhay man! Ako 'yun! Pero paanong.....?


"Alam kong nakakagulat pero let me tell you what happened to me after that incident. Pagkatapos mamatay ng mga magulang natin at mailayo ka ni Clark ay may taong nagligtas saakin mula sa sunog. Hindi ka magugulat kung si Watanabe Hamura ang taong tinutukoy ko, he keep me and trained me. Hanggang sa lumakas ako. After a year, nabalitaan kong pumasok ka sa Hamura na kung saan hinawakan ka niya. I was so happy that day, at lumipas ang oras at nagkita nga tayo. Pero hindi mo 'ko nakilala at wala akong panahon para makipagkilala sa'yo. After Clark died, I was so happy. Na ang taong kakampi mo sa Hamura ay namatay na. Also, that brat named Nash Keller who secretly madly inlove with you....."

Matalim ko siyang tiningnan.


"...he even sacrificed himself just to save his dearest girl. Sa oras na 'yun, I was mad at myself! Why would someone like him saved you from death? Hindi kaba niya kilala? You are tough to fight that stupid sword and yet, nagawa niyang ibuwis ang buhay niya para sa katulad mo."


Humakbang siya palapit habang mahigpit na hinahawakan ang espada niya. Habang umaatras naman ako at inihahanda ang sarili.

Hindi ako makapaniwala na siya ang nagpalipad ng espada nung mga oras na 'yun. Nang dahil sakanya kaya namatay si Nash. Hindi ko siya mapapatawad!

"Alam mo ba kung gaano ako kagalit sa'yo simula ng mamatay si Nash?! That brat! Ako yung nandito para sakanya pero mas pinili niyang magtraydor at iligtas ka! At hindi ka man lang nagpasalamat na hanggang ngayon buhay ka parin?! How could you?!"

"REA!"

Napalingon ako sa gilid. Naroon ang aking mga kasama. Susugod na sana si Nozomi senpai nang mabilis siyang salubungin ng atake ng babae.

"NOZOMI! LOOK OUT!"

"Nozomi-senpai!"

Napasigaw nalang ako nang makita kung paano tumilapon ang katawan ni senpai sa pader. Sinundan ng atake ng ilan kaya nakulong sila ng mga kalaban. Tinapunan ko ng tingin si Aries na ngayong kaharap ni Dean kaya naman hinarap ko ang babae.

Kahit anong klaseng uri ng tao pa siya at kahit kapatid ko pa siya wala akong pakialam. Nandito ako para patayin silang lahat. Wala akong ititira ni isa!

Maya-maya lang ay nakita ko siyang tumingin saakin habang nakangiti. Iwinawasiwas pa niya ang hawak niyang espada na tila ba nag-eenjoy siya rito at iniisip na parang isang laruan lamang ang hawak hawak niya.


"Now, shall we start our sibling war?"

"Go on and try me!" bwelta ko.

Mahigpit kong hinawakan ang espada ko sa siya sinalubong.

"I really missed you, my dear sister!" nakakalokong sabi niya dahilan para mainis ako.


"Sorry but I don't have any sister."


Wala akong kapatid. Dahil simula nang mabuhay ako ay wala na akong nabalitaan na may buhay man ni isa sa pamilya ko. Namatay ang lahat sa sunog at ang tanging alam ko lang ay nakasama siya doon. Higit sa lahat, inisip kong patay na siya.


Patay na siya para saakin!



Nang makalapit kami sa isa't-isa ay itinapat ko sakanya ang espada. Habang itinapat din naman siya saakin ang kanya. Maya-maya pa ay pareho kaming tumakbo palapit at pinagtama ang bawat espada sa isa't-isa.


Isusunod kita sa hukay ng mga Collins!













TRIXY'S POV


Damn it! I can't think of a way out! Masyadong sealed ang room at isa pa sa problema ko ay paano mawawala ang tubig. Padami ng padami ang mga ito at unti-unting umaangat sa mga katawan namin. Hindi ko alam kung anong klaseng tubig 'to pero sadyang napakalamig niya! Damn it!

"What should we do now, Trix?!"

tanong ng mga kaklase ko.

Gusto ko rin naman silang sagutin pero ngayong wala pa akong maisip na paraan, malabong mangyari. Masyadong malamig ang tubig sa bewang ko dahilan para maiwasan kong makapagfocus sa pag-iisip.


Kung maabot lang sana namin ang rooftop ng hindi nalulunod--------Wait a sec----I know!


That's right! In order to escape in this room! We need to reach the roof! That's the only way!


"Everyone, don't panic! Relax!" I shouted but no one listened.

"Everyone!"

"Are you crazy?! How can we relax?!" sigaw ni Ariela.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan bida-bida parin talaga siya. Hindi na nga siya nakakatulong mas pinapalala pa niya ang sitwasiyon. Sa oras na mapuno ito ng tubig at hindi makatakas mula rito. Malamang mamamatay kaming lahat.

"SABI NANG HUMINAHON KAYO, EH!"

Nagulat ako sa sumigaw. Naging matahimik ang buong kwarto dahil sa lakas ng boses. Hindi ko alam kung kanino nanggaling pero laking tulong din dahil kumalma ang mga tao.


"MAKINIG MUNA KAYO KUNG AYAW NIYONG MAMATAY DITO!"


Sandali ko pang hinanap ang sumigaw. Ngayong pinagtitinginan na ng ibang rango ang grupo ng E-rank. Maya-maya ay napansin nilang nakatingin ako kaya ngumiti siya. Sinenyasan nila ako na magsalita na kaya ginawa ko na rin.

"Don't panic, In order for us to escape in this place we need to reach the roof!"

I pointed the roof! Base sa hitsura niya mukhang mabilis siyang masira. Pwede namin siyang sirain para makalabas dito.

"Do whatever you can to float up to the roof. When w get there, hold your breathe for a second."

Iyun nalang ang sinabi ko. Wala naman silang naging complain at halos lahat nag-agree sa naisip kong ideya. Wala na akong maisip na paraan. Ngayong wala kaming malabasan ay ang roof nalang ang pag-asa namin.


Just now.......



......anong klaseng hideout ang lugar na 'to?!


At may isa pang tao ang kanina ko pa hinahanap. Hindi ko naman dapat siya hinahanap pero nakakapagtaka lang na hindi ko siya kasama dito ngayon.



Where are you, Stupid Eury?!










[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now