CHAPTER 20

163 12 0
                                    


TRIXY'S POV

Pinipilit ko ang sarili kong hindi lumubog. Pero may mga ibang rango na hindi na kinakaya ang taas ng tubig at may iba na nalulunod, buti nalang at halos lahat kami marunong lumangoy.


Napakalamig ng tubig. Kung tumagal pa kami dito malamang ang nagyiyelong tubig ang papatay saamin. Pero hindi ako pwedeng basta mamatay nalang. Kung ngayong si Dean ang traydor saamin at balak niyang puntahan sina Aries malamang nasa panganib na sila. At hindi ako pwedeng tumunganga nalang.


Rea Collins, for me, Aries is a special person. I love him like my own brother. Kahit na napakatigas ng ulo niya, kahit na saksakan ng manhid 'yang puso mo pagdating sa nararamdaman sayo ni Aries please...!


Protect Aries! I promise! Kapag nakalabas kami dito pupuntahan agad namin kayo!










VINASSY'S POV

"Vinassy, hang in there!"

Namamanhid na ang paa at tiyan ko. Ni hindi ko na maramdaman ang labi ko dahil sa lamig ng tubig na unti-unting nilalamon ang aking katawan. Hindi ko alam kung kakayanin ko pabang lumutang ng hindi iniinda ang lamig ng tubig. Sa sobrang lamig nito may iba saamin na hinayaang lumubog ang sarili.


Kaunting oras pa bago namin maabot ang roof at sa mga sandaling ito hindi ko alam kung makakaabot paba ako.



Rea! Please save us!


"Vinassy? Hey, Vinassy! Wag kang magkakamaling lumubog!"

Nanghihina na ang katawan ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko nalang din lumubog gaya ng iba. Masyadong mataas ang tubig at kung lulubog man ako ay puro katawan ng nalunog na rango ang makikita ko sa ilalim. Mukhang pinagplanuhan talaga ni Dean na mag-ipon ipon kami rito. Sapat na ang lamig para kumitil ng mga rango.

"Search for a way out!" biglang sabi ni Casper.

"Pero....."

"Alam kong may mga nakatagong switch or something, maghanap tayo."

Nagkatinginan kami ng buong E-rank. Mukhang nakuha naman kaagad nila ang gustong mangyari ni Casper kaya sabay-sabay silang nagsilubog. Pagaspagas ng kanilang kamay at paa ang gumawa ng ingay. Dahil doon ay nagpasiya na rin akong lumubog at sumisid.

Hindi ko inaasahan na may mga katawan akong makikita sa ilalim nun pero hindi na yun ang mahalaga. Sumisid pa ako sa pinaka-ilalim. Kapag umasa kami sa plano ni Trixy ng A-rank ay wala kaming ibang magagawa. Pero sa oras na hindi nga gagana 'yun ay gagawa na kami ng mas maagang paraan.

Habang nasa ilalim ay malinaw na malinaw sa paningin ko ang ginagawa ng iba kong kasama na nasa ilalim. Kami lang siguro ang rango na natutong sumisid ng ganito kagaling.

Nakita ko bigla ang gawi ni Ryu. Napansin kong may kinakalikot siya kaya naman agad ko siyang nilapitan. Napansin naman niya ako kagaad at tinuro saakin ang isang bakal na pabilog ang style. Hindi ko alam kung ano 'yun pero alam kong may kinalaman siya dito sa kwarto. At kung iisipin ko nga ay baka ito ang daan palabas sa kwartong ito.

Sinenyasan ako ni Ryu na bumalik sa taas para huminga. Tumango naman ako kaya hinatak niya ako paahon.

"HAA! HAA!"

"You guys, ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa ilalim?!"

"Do you think this is a game?! Hindi ako makapaniwala na kahit dito naglalaro parin kayo."

"Hindi kami naglala-----"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang pigilan ako magsalita ni Ryu. Habang nakatingin sa mga rango ay napansin kong hawak parin niya ang kamay ko. At ilang segundo lang ang lumipas ay humigpit pa ang hawak niya. Muli siyang tumingin saakin at sumenyas na huminga ako ng malalim at bumalik sa ilalim.


Ilang saglit pa'y pareho kaming huminga ng malalim at lumubog ulit. Narinig namin ang mga sigaw nila pero hindi nalang din namin pinansin.
Bumalik kami sa ilalim para tingnan muli ang baka na pabilog. Kung tama nga ang hinala ni Ryu na baka ito ang daan palabas, kailangan nalang namin siyang iikot para makalabas kami.

Pareho namin itong hinawakan ng mahigpit saka sinubukang igalaw. This is not good at all. Habang pinipilit naming mabuksan ang bakal na 'yun ay nawawalan din ako ng kakayahang manatili sa ilalim. Unti-unti na ring nawawalan ako ng kakayahang manatili sa ilalim.

Hinawakan ko si Ryu at sinenyasan na hindi ko na kaya, babalik na sana ako sa taas pero huli na ang lahat. Huminga ako sa ilalim dahilan para makalunok ako ng tubig.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari saakin. Nalaman ko nalang na sumisigaw na si Ryu sa mismong mukha ko at nakahinga ako ng maluwag nang makitang nasa ibabaw na ako muli.

"R-Ryu...?"

"Damn it, I though you're dead! Are you okay?!"

Nakita ko rin ang paglangoy ni Casper palapit saamin. Napaubo ako hindi dahil sa nakalunok ako ng tubig kanina. Masyado na kasing manhid ang katawan ko at hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang lakas ko.

"Vinassy, ayos kalang?" biglang ni Casper.

"Hindi na maganda 'to, kapag napuno ng tubig ang buong kwarto katapusan na natin." sabi ni Ryu.

Tama siya, hindi namin alam kung masisira ba namin ang roof pero mukhang hindi naman ito matibay kaya may tsansa. Pero kung hihintayin naming makaabot hanggang dun, siguradong ang iba saamin hindi na kakayanin.

"May nakita kami sa ilalim, pero mukhang kailangan ng pwersa para mabuksan." sabi ko kay Casper.

"Anong...."

"Hindi," biglang sabi ni Ryu kaya nagtaka ako. "Hindi natin kayang buksan 'yun." dagdag niya.

"B-Bakit hindi? Kung magtutulungan tayo kaya nating buksa-----"

"You don't know anything about that thing, nabubuksan lang ang pintuan na 'yun sa labas. At kung naka automatik 'yun kailangan muna ng passcode na mula sa labas. Kung may taong gagawa nun tiyak na doon lang mabubuksan ang pinto na 'yun."

No way..! I-Ibig sabihin kung walang nasa labas hindi maki makakalabas dito?!

"Damn those old man, hindi ko inaasahan na traydor siya. Tss! sa lahat ng tao bakit nga ba siya ang pinagkakatiwalaan natin?!" inis na sabi niya.

Ganyan din ang nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang, galit na galit din ako kay Dean. Hindi ako makapaniwalang siya ang traydor! Tch! Bakit ba nagtatraydor sila?!

Nash! Anong nangyari sayo?! Bakit isa ka sa mga traydor?! Bakit namatay ka ng hindi man lang nakakatakas sa kamay ng mga masasamang taong 'yun?! Bakit kailangan mong mamatay?! Tch!

"Hey, you guys!"

Natahimik kami bigla sa lumapit saamin. It was Trixy. Wala siyang reaksiyon. Namumutla na rin ang labi niya at pati paghinga niya ay malamig na rin.

"May nakita kaming paraan para makalabas dito, pero kailangan ang gagawa nun ay nasa labas para mabuksan ang nasa loob." paliwanag sakanya ni Ryu.

"Pero kahit naman may ganun tayong paraan, sino naman ang gagawa nun kung ang nasa labas ay mga kaaway at tauhan ni Dean?"

Napaisip rin ako sa sinabi ni Casper. Tama siya. Baka nga may nagbabantay sa labas, at hindi ko rin alam kung may gagawa ba nun na hindi namin kalaban.


"No, may isa pang tao." biglang sabi ni Trixy.

Naguluhan kaming tatlo sa sinabi niya. "S-Sino?"

Nang tingnan niya kami ng blangkong reaksiyon ay doon ko lang nalaman kung sinong tao ang tinutukoy niya.












[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now