ARIES-CHAPTER 3

261 24 0
                                    


Chapter 3

Sana ikaw ang kasayaw ko ngayon.....

Sana ikaw ang tinititigan ko ngayon.....

Na sana ikaw ang babaeng hawak kamay ko ngayon....

"I saw you looking at me." biglang sabi niya.

"And I saw you looking at me, too." depensa ko.

She smiled. "Am I?"

Nakaramdam ako ng hiya. Anong akala niya saakin, natitipuhan siya? Napansin ko lang naman ang hitsura at ang suot niya kanina. Hindi yun dahil sa gusto ko siya.

Bakit ba ang hahangin ng mga babae?

"M-May I know your name?" tanong ko.

Sana lang pumayag siya.

Hinintay ko ang sasabihin niya pero wala akong natanggap kundi ang matamis niyang ngiti sa labi. Ilang segundo pa ang lumipas, hindi niya talaga sinabi ang pangalan niya kaya nabigo ako.

Sa pagtapos ng kanta ay kumalas na siya sa pagkakahawak ko at kinawayan lang ako bago bumalik sa gilid kasamang uminom ang isang lalaki. Sa ngayon naman ay may kausap siyang babae na sa palagay ko'y mas matanda sakanya.

"Anong pakiramdam, dude?"

"Share mo naman."

"Did you get her name?"

Sunod-sunod nilang tanong nang makabalik ako sa pwesto ko. Wala pa akong sinasagot at nasa babae parin ang tingin ko. May pakiramdam talaga ako na malapit siya saakin. Bakit ultimo pangalan niya hindi niya nagawang maibigay saakin?

"Hindi niya sinabi." I said.

"Hindi sinabi ang alin? Pangalan niya?"

Tumango ako. "Ngumiti lang siya saakin kanina."

"Pakiramdam ko kilala ko siya." ang tanging nasabi ko.

"Pakiramdam ko sinasabi ng ngiti niya ay hindi ko na kailangang malaman ang pangalan niya dahil kilala ko na siya." dagdag ko.

"Whoa, Hindi kaya.....siya si Rea?"

Napalingon kami kay Haven. Kanina ko pa iniisip ang bagay na 'yan pero naiisip kong hindi rin siya ang babaeng 'yon. Isa pa, ano naman ang gagawin ni Rea sa ganitong party?

"Dean said this is not an ordinary party, paano kung si Rea ang nagbigay ng invitation kay Dean na pumunta rito?"

Napatanong rin ako sa sinabi ni Casper. Iyan din ang gusto kong malaman kanina pa pero hindi ako makahanap ng tyempo na tanungin si Lolo kung sino ba ang nagpadala ng invitation.

"Wait, wala tayong masyadong proweba na siya si Rea. Isa pa, bakit naman siya magpapadala ng invitation sa Dean kung sa mismong party na 'to ay hindi niya pinapakilala ang sarili niya?"

sabi ni Trixy.

"Kung nandito nga siya, kanina pa dapat siya kausap ni Dean. Wala naman siya rito."

She has a point. Si Lolo dapat ang una niyang pupuntahan kung nandito man siya. Pero nakakapagtaka lang kasi na iba ang pakiramdam ko sa babaeng---------

"Where is she?"

Napatayo ako nang hindi ko na maaninang ang babae kanina. Bigla nalang siyang nawala sa kinatatayuan niya kanina.

"Look around!" ani ni Trixy na sinimulang maghanap sa pali-paligid.

Pinuntahan ko ang pwesto niya kanina at wala talaga siya roon. Kahit saang sulok ng lugar ay hindi na namin siya makita. Kasabay niyang nawala ang lalaki kanina. Napapaisip rin ako na paano kung siya talaga 'yon? Paano kung si Rea ang babaeng kasayaw ko kanina? Pero Imposibleng nandito siya, Bakit siya nandito kung ganun?

Hamura High School 2 | ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें