CHAPTER 16

157 15 0
                                    

Chapter 16

ARIES'S POV

"WE MADE IT! WE MADE IT!"

"CHAAAAA!"

Hindi namin namalayan ang mga ginawa namin. Hanggang sa marealize kong nakayakap na kami sa isa't-isa. Nagkatinginan pa muna kami bago maglayo at ipagpag ang mga damit.

"Hanapin na natin ang iba." sabi ko at naglakad.

Papaliko na sana ako nang may makita akong mga nakaitim na naglalakad. Dali-dali kaming nagtago sa malaking poste ni Nozomi. Nagpigil pa kami ng hininga para lang masiguro ang katahimikan namin. Ilang saglit pa'y nawala na rin ang mga nakaitim. Pero nang sundan ko sila ng tingin ay may bagay akong napansin sa kasama nila. Bagay na nakita ko na noon pero hindi ko alam kung kailan o saan ko nga ba ito nakita.

"Aries, this way!" sabi ni Nozomi kaya sinundan ko siya. Wala ng oras para isipin ang iba! Alam naming ito na ang mismong ruta ng mga Black forces kya dapat maging maingat kami.

Pumasok kami sa isang maingay na pintuan. Sobrang bigat nito kung bubuksan kaya naman nagtulong pa kami para lang hindi siya makagawa ng sobrang ingay.

May ilan kaming nadaanan na mga nakakulong. Hindi namin sila kilala pero ang iba sakanila ay maayos ang kalagayan.

"Search around, baka nandito si Ms. Riku." sabi niya na ginagawa ko naman ngayon.

Sa tingin ko hindi nila ipapasok dito si Ms. Riku. Masyadong ordinaryo ito kung dito nga. Matalino si Ms. Riku kaya hindi sila magdadalawang isip na ilagay siya sa mismong kulungan na hindi talaga siya makakatakas. Isa pa, ang kapalit ni Ms. Riku ay si Rea kaya hindi nila hahayaang mailagay siya sa hindi nakikita ng Emperador.

"Tulungan niyo po kami!"

"Tulungan niyo kami!"

"Parang awa niyo na!"

Kanya-kanyang sigaw ng mga taong naroon. May ibang brutal na nakasabit sa ceiling habang duguan ang katawan. May iba ring nakahiga habang may mga pasa't- sugat ang iba't ibang bahagi ng katawan.

"What the hell!"

Napalingon ako kay Nozomi na ngayo'y nakahawak sa bibig niya na para bang masusuka. Agad ko siyang nilapitan pero napahinto ako sa tinitingnan niya ngayon. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakasabit si Ms. Riku sa ceiling habang wala siyang saplot at duguan ang buong katawan. Nagdudugo ang hita niya at mukhang pati ang maselang bahagi niya ay damay. Marahil malupit ang ginawa sakanya na kulang nalang ay patayin siya.

May mga hiwa rin siya sa hita at braso na parang nilatigo ito.

"M-Ms. Riku?" sinubukan ko siyang tawagin pero mukhang wala siyang malay.

Nagkaroon kami ng pag-asa nang makita namin siyang mag-angat ng tingin. Wala kaming makita kundi ang dugo sa mukha niya. Masyado siyang pinahirapan at halos wala na siyang makita.

Tiningnan ko naman si Nozomi. "Ano na ang gagawin natin?"

"They will regret this! I'm sure of it!" halatang galit na sabi niya.

Bakas sa mukha niya na parang gusto niyang sirain ang kulungan anumang oras. Samantalang bumalik naman ako sa may pinto kung may paparating ba pero nakita kong wala naman kaya kinuha ko ang susi na nakasabit malapit sa may upuan. Napakaraming susi kaya hinayaan kong si Nozomi ang maghanap nun para mabuksan ang kulungan.

Maya-maya, nang mahanap na niya ito ay saka ko rin hinubad ang suot kong coat para ipantakip sa katawan ni Ms. Riku. Kumuha naman si Nozomi ng mataas na bagay para maabot ang nakatali kay Ms. Riku.

Mabilis namin siyang naalis sa pagkakatali. Walang anu-ano'y sinalo ko siya para hindi siya dumiretso sa lupa.

Tinakpan ko ang katawan niya ng coat. Mahapdi sa katawan ang damit lalo na kung bago palang ang sugat niya pero kailangan namin siyang balutan ng damit.

"Wala tayong oras para linisan ang sugat niya, kailangan natin siyang ilabas." sabi ko.

"Nag-iisip kaba? Nagdurugo ang sugat niya, tiyak kong masusundan nila kung nasaan tayo dahil sa dugong maiiwan ng sugat ni Ms. Riku."

May point siya. Pero hindi kami dapat magtagal rito. Kailangan namin siyang mailabas.

"Kinakabahan ako sa kung ano ang pwedeng gawin ni Rea sa oras na malaman niya na ganito ang ginawa nila kay Ms. Riku."

Doon lang nanumbalik saakin ang kaba nang sabihin niya ang tungkol diyan. Tiyak kong mangyayari ang hindi namin inaasahan sa oras na malaman niya ang tungkol rito.

Pero wala kaming magagawa, malalaman at malalaman niya parin ang totoo.












REA'S POV

Nang bumukas ang ilaw sa paligid namin, doon ko lang nalaman na nasa malaking freezing room kami. Tama nga ang hinala kong nagyiyelo ang paligid namin. Sinubukan naming maghanap ng pintuan pero isa lang ang nandoon. Isang iron door na automatic pa. Sa pagkakaalam ko sa labas lamang siya nabubuksan. Wala man lang siyang door knob sa loob.

Ilang sandali pa'y nakahanap ang isa saamin ng lagusan. Maliit pero tamang tama lang na magkadiya kaming lahat. Walang mataba kaya ayos lang. Sobrang lamig ang lugar na 'yun pero dahil sa ilaw na sinusundan ng isa saamin ay sumunod na rin kami. Ako ang nasa hulihan kaya hindi ko alam kung saan kami lalabas.

At finally, we made it. Ngayong nakalabas na kami ay nagpasiya kaming hanapin ang dalawa pang nawawala. Gusto ko na sanang maglibot sa buong lugar para hanapin si Ms. Riku pero pinigilan ako ni Danko. May punto naman siya na baka nahuli ang dalawa kaya sila muna ang dapat naming hanapin. Sana lang walang masamang nangyari kay Ms. Riku. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung meroon man.

Ngayon, hinahanap parin namin ang dalawa. Panay rin ang tago namin everytime na may makikita kaming mga nakaitim. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pamilyar ang boses ng isa sakanila. Na pakiramdam ko ba'y narinig ko na ang boses na 'yun pero hindi ko matukoy kung kanino o sino. Basta kilala ko at pamilyar saakin ang boses na 'yun. Bagaman ako lang ang nakarinig ay nagtataka parin ako. Gusto ko itong sundan pero hindi 'yun ang plano.

"We better get going, Rea." sabi ni Danko kaya agad akong sumunod sakanila sa paglalakad.

Nasaan na rin ba kasi yung dalawang 'yun? Walang wala kaming ideya kung saan sila napunta. Sana lang walang nakaalam na nandito sila dahil bulilyaso na ang plano. Pero kung nahuli man sila, sana makatakas sila.

Ms. Riku! Wait for me! I'm coming to save you!









[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now