CHAPTER 23

165 14 0
                                    

EURY'S POV

Nagmamadaling lumabas ako mula sa pagkakatago sa malaking tangke. Tinungo ko kaagad ang kinaroroonan ng mga bantay at pinagsusugod sila.

"Paano ka nakapas----AAH!"

"Why you....!"

Hindi ko na sila pinalapit pa. Naglabas ako ng baril para barilin ang isang lalaki. Hindi ko na alam kung saan siya tinamaan pero ang mahalaga ay nabaril ko siya. Buong lakas naman na sinipa ko ang isa pa dahilan para matumba ito.

Sinadya ko talagang itira siya para magpaturo kung paano paalisin ang mga nasa loob. Nagpupumiglas pa ito pero binaril ko ang binti niya kaya napadaing siya sa sobrang sakit.

Inilinga ko ang tingin. Pinilit ko siyang itayo at ilapit sa mga misteryong buttons.

"Open it!" maotoridad na utos sakanya. "NOW!" sigaw ko pa nang mapansing ayaw niya parin.

Hindi nagtagal ay may kung ano na siyang pinagpipindot. Matapos kong makitang bumaba ang tubig na nasa loob at mag kulay green ang bulb na kanina ay pula binitawan ko na siya.

Bago pa niya maitutok saakin ang baril niya ay inunahan ko na siya. Malakas na putok ang bumulabog doon sa pagkakabaril ko sa lalaki.

Hindi na ako nagatubuli at tumakbo kaagad papunta sa iron door. Pagbukas nun ay naging malapad ang ngiti ko dahil bumungad saakin ang mga rango.

"Eury!"

Tumakbo kaagad ako papasok. "Trixy!" tinulungan ko siyang makatayo.

Pagkatapos ay saka palang ako napalinga sa paligid. Masakit mang makita ay wala akong magawa. Marami na ang namatay pero nagpapasalamat ako't mas marami parin ang naligtas. Guess I made it...not just in time.

"Eury, we need to save Aries!" sabi ni Trixy.

Tumango ako sakanya. "That's my intention. Kailangan nila tayo."

"Dean is a traitor!" she said.

"I knew all about him. Kanina ko lang nalaman. Kaya kailangan na nating magmadali."

Tiningnan ko ang mga taong nakatayo na. Karamihan ay E-rank ang mga nakatayo. Tinanguan namin ang isa't-isa...senyales na pupunta na kami kung nasaan sina Aries.

Ngayong nandun na si Dean mas mahihirapan sila. Hindi ko pa alam kung gaano karami ang makakalaban nila pagdating dun at bilang isang kaibigan. Tutulong ako.

"Let's go save them!" malakas na pagkakasabi ko.

Sabay-sabay kaming tumakbo palabas at umalis ng lugar na 'yun. I don't know how much time left but I hope we're not late. At sana lang walang nangyaring masama sakanila. Lalo na si Aries at Rea.

Don't worry, guys! Parating na kami!




NOZOMI'S POV

"Rea, are you sure you're okay?" Pangsampung tanong ko na ito. Masyado na akong nag-aalala sa kalagayan ni Rea ngayon.

Napakatigas kasi ng ulo niya. Hindi siya nakikinig---Ayaw niyang makinig. Marami na ang nawawalang dugo sakanya at gusto kong ako nalang ang magpatuloy ng plano pero ayaw niya. Hindi ko siya mapilit dahil ayokong mag-away kami sa gitna ng laban.

Maingat naming inilalagay sa sulok ng bawat lugar ang mga sinet naming time bomb. Nagmamadali na rin kami dahil 5 minutes lamang ang oras nito bago sumabog. Tiyak na mapapahamak kaming lahat kapag hindi pa namin binilisan.

Pero mas nag-aalala ako sa kalagayan ni Rea ngayon.

Namumutla na siya at hindi ko maiwasang icheck siya. Nanghihina na rin siya alam ko pero wala akong magawa kundi ang bilisan din ang pagkilos ko.

"Rea, these are enough, ako na ang bahala sa mga ito. Rest now." I said pero wala akong natanggap na sagot mula sakanya.

Kanina pa niya ako hindi pinapansin at patuloy lang sa ginagawa. Wala akong magawa kundi ang tingnan siya sa malayo habang iniinda ang sakit. Ayokong tumakbo dahil baka mapansin ako ng mga kalaban na ngayo'y kaharap nina Aries.

Sandali pa akong lumingon nang mapansin kong napaupo si Rea habang hawak ang kanyang tagiliran. Pansin ko ang hirap niya kaya agad ko siyang ginapang para suriin ang kalagayan niya.

"This is no good, malala na ang sugat mo. Rea, I told you to rest!" hindi ko maiwasang magalit.

She can't understand me. She doesn't want to obey me kahit pa sabihin kong order yun bilang Ikaunang rango.

"Senpai..." bila siyang nagsalita. "Dadalhin ko sa hukay......itong simbolo."

Hinubad niya ang itim niyang gloves at itinaas ang kamay kung saan naroon nakatatak ang asidong balat. So, this is the symbol they're talking about. Ngayon ko lang ito nakita pero hindi ko maiwasang mamangha.

It is really her symbol. Ang simbolo ng nakakataas.

Rea, you really deserved this symbol. It destined to be yours.

"Rea, stay right here. Don't move and listen to me." Niyakap ko siya bigla. May kung ano sa utak ko ang nagsabi na yakapin siya ng mahigpit. Doon rin nagsimulang tumulo ang luha ko.

"...please? Obey me. I don't want to lose you."

I lost your cousin. Ayokong pati ikaw ay mawawala rin. I will not let that happen.

"Senpai..?"

Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya. Matamis akong ngumiti bago siya isandal sa pader. Kinuha ko ang time bomb na nasa tabi niya. Tatlong bomba nalang ang kailangan naming iset at pwede na kaming makalabas sa lugar na ito.

Just wait, Rea. I know you will be okay.

REA'S POV

Damn it, Is this my real strength? How weak!

Daig ko pa yata ang babaeng nakalimutang mag-ensayo ng isang taon. Nakalimutan ko na yatang isa akong Collins. I don't lose a fight. I don't want to. If I started a war then I'll end this war.

Tch!

Napangisi akong pinanood na umalis sa harapan ko si Senpai dala-dala ang time bomb. Hindi naman ako nanatili roon at mabilis akong tumayo na para bang walang masakit saakin.

Meroong masakit. It hurts so bad pero kaya ko namang tiisin. Sa mga sakit na naramdaman ko noon habang nasa training ako ay wala na saakin ang ganitong issue. I can handle pain on my own.

Sumeryoso ako habang pinapanood na makipaglaban sa mga Black Forces sina Danko at Aries. Kailangan ko silang tulungan. Masasayang lang ang pinaghirapan namin kung mauuwi lang naman ito sa wala.

Huminga ako ng malalim. May sariling isip ang mga paa at ang katawan ko. Parang hangin na tinahak ko ang labanan na hindi ko alam kung makakaalis ba ako ng buhay. Pero hindi ko akalain na malaking tulong pala ang mga naging ensayo ko dati at mga na-ensayo ko sa loob ng Hamura.

"Rea, what are you------HEY!"

"Idiot! Bakit bumalik ka?!"

I ignored them both. Wala akong pinansin sa mga sinabi nila at mabilis na kinuha ang espadang hawak ng kalaban at isinaksak ito sakanya. Tinalon ko ang mga ibang tauhan kaya nakakuha ako ng sandata. Pagkatapos ay parang wala lang saakin ang kadagat-dagatang kaaway na nag-iipon.

Sabay-sabay silang tumilapon nang buong lakas kong iwinasiwas ang espada.

Malakas akong tao. Higit pa sa isang daang tao ang lakas ko sa tuwing ako'y nakikipaglaban.


[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now