REA-CHAPTER 7

227 21 0
                                    

Chapter 7

Muli kong naimulat ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Nagising ako sa isang matalahim na damuhan kung saan dinaanan ko sa pagtakas mula sa mga Black Forces. Tss! Tama nga ang hinala ko, may buhay pa sakanila. Hindi ko akalain na ako ang una nilang sasalakayin-------Argh! Sh*t!

Napatingin ako sa braso kong may hiwa. Matindi rin ang pagdurugo nito pero malayo sa bituka. Kayang-kaya kong tumayo at maglakad. Naguguluhan lang ako kung saan naba ang lugar na 'to.
Kailangan kong tumungo sa Hamura dahil tiyak kong iyun na rin ang susunod na pupuntahan ng mga Black Forces. Malamang may nag-utos sakanila na kunin ako at kung tama nga ako. Baka ang Emperador 'yun.

Dumaan ako sa likurang bahagi ng school. Binalak ko pa sanang dumaan kung saan ay dinaanan ko rin nung ako ay tumatakas sa mga Black Forces palabas ng school. Pero malamang kapag pumasok ako doon ay maraming estudyante ang makakita saakin. Ang bukana ng daanan na 'yun ay diretso kung saan ang storage room. Malamang ko nandun si Haven at nagi-ensayo.

Maingat kong inakyat ang bakod na hindi kataasan. Nung una ay nabigo ako dahil mataas ito saakin, pero nakaakyat naman ako kaagad.
Saktong bababa na sana ako nang makita ko si......

"R-Rea!"

"N-Nozomi sen-----"

Lumapit agad siya saakin at tinulungan akong makababa. Hindi ko aasahan na yayakapin niya ako pagkatapos nun at hinimas himas ang aking ulo.

"Hisashiburi, Rea! Genki desu ka? Wait, What happened here?"

Inalis niya ang necktie niya at itinali 'yun sa sugat ko.

"Genkidewa arimasen, inatake ako ng myembro ng Black Forces at.....kinuha nila si Ms. Riku."

"What? Let's go, ipaalam natin 'yan kay Dean."

Inalalayan niya ako pero sinabi ko naman na kaya ko pang maglakad kaya minadali nalang niyang makapunta kami sa opisina niya.







"Ano kamo? Sinalakay ka?"

"Nasakanila ngayon si Ms. Riku at papatayin siya kapag hindi ako sumama. Hindi ako nakakasiguro na papatayin siya pero naniniwala akong hindi nila gagawin 'yun."

Habang nakaupo ay tiningnan ko si Senpai na patuloy parin sa paggamot ng aking sugat. Hindi na siya makirot pero hindi rin ako makampante dahil nasa kanila si Ms. Riku at anumang oras baka may kung anong gawin sila sakanya. Kailangan kong kumilos kaagad.

"Ano na ang plan-------"

Naputol ang sasabihin ni Dean nang makarinig kami ng katok sa pinto. Napatayo kaagad ako't humanap ng matataguan. Itinuro saakin ni Dean ang likod ng malaking aparador kung saan may mga nakasabit na awards at mga baril. May malaking vase doon kaya doon ko muna isiniksik ang sarili ko. Samantalang sumandal naman si Senpai at hinawakan ang tasa na wala namang laman at nagkunwaring nagkakape ito.

"Goodmorning Lolo."

Boses ni Aries!

"Aries, bakit wala kapa sa ibaba? Magsisimula na ang ensayo ninyo."

Nakita kong lumingon si senpai saakin at ngumiwi pero binawi niya rin kaagad. Nanatili akong tahimik hanggang sa madikit ko sa pader ang braso ko kung saan nandun ang sugat. Parang gusto kong sumigaw sa sakit pero hindi ko magawa. Ayokong makita si Aries na ganito ang katayuan ko.

"I was about to....See you there, Nozomi."

Batid kong si senpai ang sinabihan niya. Maya-maya lang ay wala na akong nadinig na boses at ang pagsara ulit ng pinto ang huli kong napakinggan. Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko't bumalik sa pagkakaupo. Inilabas naman agad ni senpai ang bandage para itali sa braso ko.

"Gusto kong sumama sa ensayo, Dean."

Nag-iba ang ekspresiyon ni Dean at tila ba nagulat sa sinabi ko.

"Pero....hindi kapa magaling." sabat ni Nozomi-senpai.

"I can handle myself, just let me------"

"Magpahinga ka nalang, hindi ko rin masisiguro na matatalo mo ang mga nasa ensayo. Magagaling na sila ngayon kaysa dati. Maging ang E-rank ay naging matinik na rin."

Hindi sila ang pakay ko kundi ang isang tao. Nangako ako sakanyang magkikita at maglalaban kami pagdating ng panahon. Hindi pa nagbabanggaan ang mga sandata namin at 'yun ang pinakahihintay kong mangyari.

"Lead her the way, Nozomi."

Ngumiti ako sa pagpayag ni Dean. Wala namang nasabi ni Senpai at tinap niya lang ang ulo ko. May ibinigay siyang susuotin ko habang nasa ensayo. Maging ang espada ay iniabot niya rin saakin. Ngayon ko lang siguro mararanasan ang kalabanin ang mga kapwa ko rango gamit ang matalas na kagamitang 'to. Nagkaroon agad ako ng excitement hawakan ang espada at iwasiwas ito. Nakakaengganyong tingnan.

"Nangunguna sa points ang A-rank, don't let them get the flag this time."

Yun lang ang sinabi ni Dean saakin bago kami tuluyang lumabas. Mas natuwa pa tuloy ako sa binabalak ko.

"Sana hindi bumuka ang sugat mo." sabi ni Senpai.

Iginalaw-galaw ko ito at mukhang nasa mabuting kalagayan naman ako. Gaya nga ng sinabi ko, malayo sa bituka ang hiwa at kahit naman siguro marami pa sa isa ang sugat na 'yun ay makakalaban parin ako. I'm not a Collins for nothing.

"Nakapasok na sila, pumasok na rin tayo."

Hindi ako nakilala ng ibang Ikaunang rango at Ikalawa. Basta ang alam nila ay isa rin ako sakanila. Nang makapasok kami ay A-rank ang una kong binantayan. Naglalakad na sila at halata namang nagmamasid sa paligid si Aries. Tanaw ko naman ang E-rank na patuloy rin sa paglalakad. Nangunguna sakanila si Casper na kasunod naman ay si Luna.

"Nandiyan na sila, Be ready."

"I'm always.." ani ko.

Lumipad sa kung saan si Senpai. Nanatili naman ako sa pwesto ko. Nang makatatlong lipad na si Nozomi ay lumipad ako patungo sa likuran kung nasaan nandun ang ibang A-rank. Dahil abala na sila ay doon ko kinuha ang pagkakataon na atakihin sila ng sabay at tahimik.

"W-Who are______UH!"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Trixy nang tamaan ko siya ng hawakan grip ng espada sa tiyan saka lumipad palayo.

"You're still Rea that I know." sambit ni senpai na lumipad sa pwesto ko.

Kita naman na nagulat ang dalawang si Aries at Eury dahil sila nalang ang natitirang nakatayo at mga tumba na ang nasa likuran. Nakita kong isinandal niya sa may ugat si Trixy at tumayo.

This is going to be fun!














MAG-IISANG ORAS NA. Hindi parin natatapos ang laban naming dalawa ni Aries. Alam kong magtataka siya dahil maabilidad ang kalaban niya pero hindi agad malalaman na ako talaga ang nasa likod ng kausotang 'to. Malakas na pinalo niya ang espada ko pero mas nauna pang tumilapon sa ere ang sandata niya. Hahawiin ko na sana siya ng espada nang bigla niya akong yakapin dahilan para matumba kami.

"Gotcha! Now surrender!" halatang galit na sigaw niya.

Huminahon naman ako. Naramdam ko ang kirot ng sugat ko at tila ba bumuka pero mas nararamdaman ko ang kamay ni Aries na nakahawak sa dibdib ko.

"I concede defeat, now get your hands off me!" inis na sabi ko.

Narealized naman niya kung saan siya nakahawak at ito rin ang dahilan bakit napatayo siya kaagad sa ibabaw ko. Pagtayo ko ay saka naman siya tumakbo, pero huli na ang lahat.

Alam ko rin na may nakakuha na ng flag at sakto naman na tumunog na ang senyales na may nakakuha na nito. Sa pag-alis ni Nozomi-senpai kanina ay alam ko nang may malapit na makarating sa Oriyama Mountain.

Ikinagagalak kong makalaban ka, Aries.











[ See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now