CHAPTER 15

160 14 0
                                    

Chapter 15

REA'S POV

"Rea? Is this you? Rea? Are you okay?"

Hindi ko na naalala kung ano ang nangyari saamin. Sa madilim na daan ay bigla nalang kaming nahulog sa kung saan. At wala na akong malaman kung ano ang nangyari kasunod nun.

"It must be a trap." dinig kong boses ni Danko.

May nakahawak naman sa braso ko at pilit akong itinatayo. Humawak din ako sakanya para sasuporta.  Hindi ko kilala kung sino pero sa palagay ko kamay 'yun ni Nozomi-senpai.

"Aries? Nasaan ka? Nozomi?"

Nozomi? Kung ganun, hindi ito si senpai?! Nasaan sila?

"Who's this?" tanong ko sa nakahawak saakin.

Masyadong madilim kaya kinakapa ko lang ang parte ng kamay na nakahawak sa braso ko. Sobrang lamig rin ng paligid na para bang unti-unti kaming tumitigas. Na para bang nagyeyelo ang buong paligid.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

Biglang bumitaw ang may hawak saakin. Hindi rin ako nagdalawang isip na habulin ang kamay pero hindi ko na siya makapa pa. Marahil nagpasiya rin siyang kapain ang paligid. Naisipan kona ring maglakad pa baka sakaling makapa ko ang pader o pintuan.

"Guys, say something!" sabi ko.

"Rea? A-Are you hurt?" boses ni Danko.

"I'm fine, nasaan ang iba? How about senpai and Aries?"

Speaking of Aries. Siya pa pala!











ARIES'S POV

"Aries, wake up!"

Hindi ako makagalaw. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko sa malamig na sahig kung saan sa palagay ko'y doon ako nakahiga ngayon. Sinubukan kong maupo pero wala akong makita kundi kadiliman.

"Aries!" sigaw ng kung sino.

"Who's there?!"

"Nozomi, idiot!" bwelta niya.

Tss! That bastard! Malayo siya saakin, buti nalang dahil baka masuntok ko siya. Damn! My body can't move. Napakasakit ng ulo't katawan-----Damn it! Si Rea pala!

"Rea? Where are you? Rea!" sunod-sunod na sigaw ko pero nagi-echo lang ang boses ko sa kabuuan. Tingin ko nasa isang silid kami na dalawa lang ang tao. Wala akong marinig kundi ang sarili ko. Sa ganitong sitwasiyon wala akong pwedeng gawin kundi ang kapain ang paligid ko.

"I'm coming for you, Rea-----"

"Don't move, stupid!" pigil ni Nozomi kaya tumigil kaagad ako.

"What are you-------"

"Sundin mo nalang ako!"

Gustuhin ko man ang gumalaw ay sinunod ko nalang siya. Masyadong madilim at may point naman siya. Baka kung anong trap ang nakatanim sa madilim na lugar na 'to. Pero kung hindi gagalaw, How are we suppose to find Rea and others?

"Mahangin, nasa itaas na bahagi tayo. Some sort of----"

"What the f*ck*ng hell! Aries!" sigaw bigla ni Nozomi.

Nakakainis naman 'to. Bigla bigla nalang siyang sisigaw. Ang sarap niyang tapalan sa bibig. Hindi siya makapagsalita ng normal at kailangan talagang sumigaw?!

"Tingin ko, ang nasa ibaba natin ay isang spiky trap."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. "What did you say?! Hindi magandang biro 'yan!"

"I'm serious, stupid! Damn it! Anong gagawin natin?"

"Paano kung hindi naman?!"

"Paano kung oo?!"

"You're kidding, Nozomi!"

"Damn you, A-rank!"

Damn this bastard! Kahit ba naman dito inaangasan niya ako?! Kapag napatunayan kong hindi nga trap 'to ilalaglag ko talaga siya kung nasa itaas na bahagi man kami.

"This can't be ser--------"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang magliawanag bigla ang paligid ko. Pero hindi ko inaasahan na sa makikita ko ay ang nakakatakot na sitwasiyon naming dalawa. Magkalayo kami habang parehong nakaupo. Hati-hati ang sahig at magkakahiwalay. Ang mas nagpakabog ng aking dibdib ay ang bagay na meroon sa ibaba namin. Napakaraming patusok na kahoy ang naroon. At kasing laki lamang ng lamesa ang sahig na kinauupuan namin.

"What the hell is this?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Mukhang kaming dalawa lang ang naroon. Wala ang iba at si Rea. Hindi ko alam kung nasaan sila pero sana lang nasa maayos siyang kalagayan. Ngayon, ang una naming kailangan gawin ay ang makaalis sa lugar na 'to pero paano?









NOZOMI'S POV

Nagising ako sa madilim na silid. Nang magliwanag ang aming paligid ay tumambad saamin ang isang trap. Hindi ko nakita sina Rea at alam kong nag-aalala si Aries. Nababasa naman sa mata niya na si Rea ang iniisip niya.

Inilinga ko ang tingin sa paligid at nakakita ako ng pintuan na medyo may kalayuan pa sa pwesto ko. Bago ako makarating doon ay kailangan ko munang tumalon sa kabilang sahig papunta sa pintuan. Pero may isa akong problema. Base sa naramdaman ko paggising sa lugar na 'to ay hindi nakadikit ang sahig sa kung anumang poste ang sumusuporta rito. Kapag tumalon ako ay may posibleng gumalaw ang kabila't mahulog ako.

"Tatalon ako papunta sa pintuan na 'yon!" biglang sigaw ni Aries pero kinawayan ko siya na 'wag.

"Don't do anything stupid, Aries. Mag-isip ka muna. Hindi nakaayos ang sahig na inaapakan mo ngayon, gumagalaw siya. At kapag tumalon ka sa kabila may posibleng gumalaw ito't mahulog ka!" sabi ko.

Napaupo naman siya bigla. Samantala, naghahanap naman ako ng paraan. Wala akong makitang ibang paraan kundi ang kailangan naming tumalon sa mga ito papuntang pintuan. Ang nakakatakot lang ay paano kung mahulog kami. Hindi ko alam kung makakaabot kami. Unang-una, si Aries, malayo siya saakin. Napakalapit niya sa bandang dulo, samantalang nasa gitna naman ako.

"Ako ang unang tatalon!" sigaw ko sakanya.

Wala akong narinig na anumang pagpigil pero alam kong pumayag na siya sa plano ko. Susubukan kong makaabot at pagkatapos ay tutulungan ko na siyang makaabot sa pintuan. Ang ganitong sitwasiyon, walang panahon kung magmamagaling siya saakin.

Tumayo ako at huminga ng malalim. Ilang taon na akong nagi-ensayo pero hindi ko akalain na sa ganitong sitwasiyon ay manghihina ako. Siguro nga tama si Clark, mawawalan ng bisa ang ensayo kung puro madadaling bagay lang ang pinag-aaralan namin sa ensayo. Wala ito sa naensayo namin at wala akong alam kung paano ito malulutasan.

"Faster, stupid!" sigaw niya saakin.

That bastard! Binabalik niya saakin ang sinabi ko kanina! Kapag nakalabas kaming pareho ng buhay papatayin ko talaga siya!

Pinagmasdan ko ang mga dadaanan ko. Kung saktong sa gitna ang landing ng paa ko ay walang problema pero kung sa side naman delikado. As long as makatalon agad ako sa kabila magiging safe ako.

"Faster, Nozomi!"

This sh*t! Iniistorbo niya ang concentration ko! Kaya ayokong kasama siya everytime na nasa panganib kami. Nandun yung pressure na ibibigay niya at ang ending makakagawa ka ng maling desisiyon!

What do you expect?! That damn bastard is an A-rank!

Huminga ako ng malalim saka nagawang tumalon sa kabilang bahagi.













[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now