REA-CHAPTER 6

229 19 0
                                    

Chapter 6

"Namimiss mo ba sila?"

Nilingon ko ang nagsalita. Isang taon na rin ang lumipas simula nang matahimik ang buhay ko. Ang buhay naming lahat. Pero nandito parin sa isip ko ang mga tanong. Napakaraming tanong na sa palagay ko'y karugtong ng mga pangyayari ng nakaraan.

Ano ba ang sagot sa mga tanong na nasa isip ko?

Pakiramdam ko hindi ba tapos ang kaguluhan. Pakiramdam ko hindi pa tapos ang lahat. Nararamdaman ko parin na hindi parin kami ligtas.

"Rea, anong problema? Ayos kalang ba?"

Hinarap ko si Ms. Riku na halatang nag-aalala. Hindi ko rin masabi-sabi sakanya kung ano ang nasa isip at gusto kong ipabatid. Malamang magkakaroon rin siya ng maraming tanong kapag sinabi ko.

"Rea....."

"Marami pa akong gustong malaman sa Hamura, Ms. Riku..at patuloy parin akong ginagambala ng mga tanong na nasa isip ko."

Hindi ko rin maintindihan. Napatay ko na ang Emperador pero nandito parin yung pakiramdam na nag-aalala, natatakot, nangangamba na baka patikim lamang ang lahat. Na hindi pa kami panalo sa laban. Na may kasunod pa.

"Anong ibig mong sabihin? Ano ang iniisip mo?"

"Bago namatay si Nash, may sinabi siya saakin. May sikretong nakakubli ang Hamura. Bukod sa sikretong si Aries ay isang Hamura may kasunod pa."

Kunot-noo siyang nagreak sa sinabi ko. Alam kong maguguluhan talaga siya pero gaya ko ay gusto ko ring mahanapan ng sagot ang mga tanong na 'yan.
Batid kong may nalalaman din si Aries tungkol sa Hamura at hindi niya nasabi saakin noon. Maging si Dean may alam.

"Rea."

Tinanggal ko ang gloves ko at pinagmasdan ang simbolo. Iniisip ko kung ang sikreto ng Hamura ay konektado kung paano napunta saakin ang simbolo. I mean, hindi ba nakakapagtaka? Bakit niya poprotektahan ang isang Aries kung nasaakin naman ang simbolo? Hindi kaya.....

"Rea!"

Bumalik sa reyalidad ang isip ko. "Huh?"

"Sabihin mo kung anong nangyayari? Anong nasa isip mo? Rea, kung ano ano nanaman ang naiisip mo. Tapos na ang lahat, napatay mo na ang Empera-----"

"No!" I cut her. "..Hindi pa tapos ang lahat."

Tumayo ako't pinagmasdan ang labas ng bintana. Naniniwala akong tama ang hinala kong hindi pa patay ang Emperador. Hindi ganun kadali patayin ang lalaking 'yun lalo pa't hindi siya ordinaryong tao lang. Pero ako ang nakapatay sakanya, d'ba? Bakit parang hindi ako sigurado na siya nga ang lalaking 'yun?

Ang gulo.

Kung hindi man siya 'yun.....sino? Paano kung buhay pa nga ang Emperador at ang napatay ko ay ang ibang tao na nagpanggap lamang na siya?

"Ms. Riku, May gusto akong ipagawa sa'yo."

Tumayo siya't lumapit saakin. "Gagawin ko sa lalong madaling panahon." sabi niya.

May inabot akong sobre sakanya na magdidirekta sa mismong kinaroroonan ng Hamura. Wala sa isip ko ang bagay na 'to pero narinig kong may malaking pagtitipon na involved ang mga matataas na uri ng tao. At paniguradong hindi lang sila ang naroon.



To: Dean Watanabe Hamura
From: Collins

Inaanyayahan ko kayong dumalo sa pagtitipon na gaganapin ng mga myembro ng yakuza mamayang gabi. Ang nakakataas na si Furikawa at Shinozaki ay naroon. Gusto ko silang makilala ninyo.






Nung gabing 'yun. Hindi ko naisipang dumalo sa pagtitipon. Naisin ko man ay kailangan ko ring mag-ingat, lalo na ngayon. Si Ms. Riku ang pinapunta ko upang magmatyag sa pulong. Ibinilin ko sakanya ang kaligtasan ni Dean. Kailangan kong kumilos ng tahimik lalo pa't hindi ko alam kung sino nalang ang kakampi ko. Kung buhay nga ang Emperador ay malamang hahanap siya ng paraan para isa-isahing mapabagsak ang mga tao sa Hamura. At hindi ko hahayaang may mawala pa.

Nawala na si Nash. Ayokong may sumunod pa.

*CRACK!* (Diko alam ang sound basta nagcrack o nabasag!)

Napahinto ako sa pagiisip. Naningkit ang mata ko dahil sa narinig na animo'y nabasag na salamin. Alam kong nanggagaling 'yun sa baba kaya naman naglakad ako palabas ng malaking kwarto.
I was to take another step when i suddenly saw someone running out of nowhere.

May mga anino rin akong nakitang tumatakbo sa bandang kusina. Habang pababa ng hagdan ay hinugot ko ang baril na nasa hita ko. Hindi ko pa yata naaalis ang kahiligan na maglagay ng baril sa may hita.

Tunog ng mga sapatos ang naririnig ko sa labas. Mas naging alerto pa ako nang may narinig nanaman akong nabasag sa bandang kusina. Alam ko na kung saan sila pumapasok.

Sisilip na sana ako nang biglang tumilapon ang baril na hawak ko. Sakto naman na may vase sa gilid kaya 'yun ang ginamit ko sa panghampas sa nakaitim na bonet.

Naintriga naman ang iba sa tunog kaya pinasok nila ang main door.

"Huwag ka nang manlaba_____UH!"

Hindi ko na siya pinatapos at binaril ko na. Kasunod ng mga taong nakaitim ay tinutukan ko sila.

"Who are you?"

"Hindi mo na kailangang_______" *BOGSH*

Ikinasa kong muli ang baril sabay tutok sa panibagong biktima. "Uulitin ko ang tanong....SINO KAYO?!"

Nagkatinginan pa silang lahat at hindi alam kung sino ang magsasalita.

"Huwag kayong sasagot!"

Nagkaroon ng daan at lumitaw ang isang lalaking nakasuit na naglalakad patungo sa gawi ko. Huminto siya sa hindi kalayuan at may inilabas na handcuff. May suot pa siyang maskara kaya halatang nanggaling siya sa pagtitipon.

"Nandito kami para kunin ka, sumama ka ng mabuti o papatayin namin si Ms. Riku."

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako nagkamali at nandoon rin sila sa pagtitipon. Dahil sa sinabi niya ay ibinaba ko ang hawak kong baril at kunwaring kumalma.

"Anong ginawa mo sakanya?"

"Don't worry, she's still alive...I think."

Sinamaan ko siya ng tingin. Dumarami silang narito ngayon. At wala pa akong maisip na paraan kung paano sila matatakasan. Sana lang nasa maayos na lagay si Ms. Riku, dahil kung hindi....papatayin ko talaga ang lalaking 'to.

"Alam mo bang...." naglakad siya habang nakatingin saakin. "...nakita ko ang boyfriend mo kanina sa party?"

Napaamang ang dila ko sa sinabi niya. Hindi ko rin nga alam kung sinong boyfriend ang tinutukoy niya. Wala akong maalala na may boyfriend ako.

"You know Aries, right? Your boyfriend?"

Matalim ko siyang tiningnan. "He's not my boyfriend."

"Hindi PA, pero soon...well, I don't care, wala namang kasiguraduhan kung magiging kayo ba. Hindi naman pwedeng ikasal ang buhay sa patay, right Rea?"

Ang dami niyang sinasabi. Ganito ba talaga kapag sa iba nakaasa? Hindi porke napapalibutan ako ng mga kasama niya ay makukuha niya na ako. Mas marami pa akong nalalamang plano kaysa sakanya.

"Kaya kung ayaw mong mangyari sa kaibigan mo ang nangyari kay Nash Keller.....sumama ka ng tahimik."

Tss! Anong karapatan niyang sabihin ang pangalan ng kaibigan ko?!

Lalapit na sana siya nang mabilis kong barilin ang tangkay ng chandelier kung saan ang saktong pagtakbo sa hagdan ay ang pagbagsak rin nito.












[ See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now