ARIES-CHAPTER 2

288 27 0
                                    


Chapter 2

"This is not an ordinary party, gusto kong maging alerto kayo sa nakapaligid sainyo. Maliwanag ba?"

It is a mascarade ball at kanina pa kami pinagtitingnan ng mga tao na nasa labas dahil sa pagtitipon namin. Ito yata ang unang beses na umattend ako sa grand ball.

Pagkapasok namin ay tumambad kaagad saamin ang napakaraming tao. Nagkikinangan ang mga suot nila at masasabi mong naagaw namin ang kanilang atensiyon nang makapasok kami.

May isa namang lalaki ang lumapit kay Lolo.

"It's so good to see you here, Mr. Watanabe." wika nito.

Habang nag-uusap ang dalawa ay napalingon naman kami sa nakahilerang mga pagkain sa side. Balak ko sanang sabihan ang mga kasama ko pero nang lingunin ko sila ay tanging si Trixy nalang ang nasa tabi ko.

"Kung sila ang hinahanap mo, nandun sila." Lumingon ako sa itinuro niya.

Hindi ako makapaniwala na pagkain ang una nilang pinuntahan. Sinenyasan naman ako ni Lolo na gawin kung ano ang gusto ko kaya inaya ko nalang din si Trixy na lumapit sa ibang rango.

"Ang sarap ng lechon, patok sa panlasa ko." sabi ni Haven na tangay-tangay ang isang plato na punong puno ng balat ng lechon.

Nawalan tuloy ng ganang kumuha ang mga lumapit doon dahil naging skinless ang katawan ng lechon. Maging ang apple na kaninang nasa bibig nito ay kinuha ni Casper ng E-rank.
Ako mismo ang nahihiya dahil sa katakawan nila, pero imbis na sitahin ay pinanood at inobserbahan ko nalang ang nasa paligid namin.

Sinulyapan ko ang gawi ni Lolo na nakikipag-usap parin sa mga kalalakihan na sa palagay ko'y kilalang kilala niya ang mga ito.

"Ano sa tingin mo ang dahilan ng malaking event na 'to? Birthday party? Business party?" tanong bigla ni Trixy na may hawak ng kaperaso ng manok.

"Don't talk when your mouth is full."

Iniwan ko muna sila saglit at gumala sa ibang side ng pagkain. Hangga't natatanaw ko ang ginagawa nila ay kampante na ako doon. Habang pumipili ng mailalagay sa maliit na platito ay may biglang lumitaw na tao sa may harapan ko.

Gulat man ay hindi ako nagpahalata. Mukhang wala naman siyang pakialam na nandun ako kaya wala rin akong naging reaksiyon. Pero habang pinapanood ang pagkuha niya sa pagkain ay gusto ko na ring kausapin na para bang magkakilala kaming dalawa. Nakasuot siya ng pinaghalong kulay na black at red na maskara. Nakaevening gown pa siya habang suot ang itim na gloves na hanggang siko ang haba.

Bigla naman akong napaiwas ng tingin nang tumingin siya bigla saakin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkuha ng pagkain at paglagay sa plato.

Maya-maya lang, nag-iba ang tunog ng musika. Naging mabagal ito at sa isang iglap dumami ang taong sumasayaw sa gitna. Nagbago ang ilaw at mas naging romantiko pa ito nang may magsilaglagan na mga petals sa kung saan.

Cool!

Nakita ko naman ang paglapit saakin ni Trixy. "Sayaw tayo, Aries." she says. "Friendly dance." dagdag pa niya.

Hindi sana ako papayag pero kinuha niya ang hawak kong plato at inilagay sa lamesa saka niya ako hinatak papunta sa dance floor.

"Hey, alam mo namang hindi ako magaling sumaya------"

"Just follow my lead."

Hinawakan niya ako sa kamay. Siya ang unang kumilos saaming dalawa. Habang tumatagal rin ay nakukuha ko na ang step na sinasabi niya. Pero ang nakakahiya lang ay pinagtitinginan kami ng mga nandun.

Sa paglipat namin ng posisiyon ay natanaw ko ulit ang babaeng nakatingin pala saamin. Habang umiinom ng wine ay nagtataka rin ako kung bakit nakatingin siya saamin. Base sa tangkad niya ay magkasing tangkad lang sila ni Trixy.

"Sinong tinitingnan mo?" biglang tanong ni Trixy.

"Nothing."

Tinaasan niya ako ng kilay at para bang pinapaamin niya ako pero hindi ko siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagsayaw. Maya-maya, nakita ko ang paglapit ng babae sa isang lalaki na mas matangkad sakanya. Masasabi ko rin na kasing edaran lang namin mga ito.

Pumunta sila sa dance floor sa hindi kalayuan sa pwesto namin. Nung una, nagtitigan lang sila bago nagawang sumayaw. Kakaiba na ang nararamdaman ko talaga, may pakiramdam ako na parang napakalapit niyang tao para saakin.

Damn it, Rea. What did you do to me?!

"Aries, what's wrong? Are you not feeling well?" tanong nanaman ni Trixy.

"I'm tired."

"Okay."

Inalis niya ang kamay niya at inaya ako na pumunta sa gilid. Haven handed me a glass of water but i refuse to take it. Naupo nalang ako at kinalma ang sarili. Parang gusto kong tanggalin ang suot kong maskara pero hindi ko magawa. I don't know what is happening to me. Sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Rea kinakabahan ako. Na para bang kapag lumabas ako ng Hamura ay makikita ko siya.

Na sa palagay ko'y parang.......nandito siya.

"Bro, anyare? Bakit tinigil niyo ang pagsayaw?" tanong ni Casper.

"He's tired." si Trixy na ang sumagot.

Nabaling muli ang tingin ko sa dalawang taong sumasayaw. Kita kong nakangiti sila sa isa't-isa pero ilang sandali ay tumigil na sila sa pagsayaw. Hinawakan naman ng lalaki ang kamay nito at sabay na pumunta sa may gilid.

"Whoa, type mo yung girl?"

Nadinig kong sabi ni Haven. "Type?"

"Don't tell me crush mo yun? Dude, dance with her. I think she's cute." sabi pa niya.

"How can you say that, she's wearing a mask. How can you tell she's cute?" anang naman ni Trixy.

"I THINK she's cute, I didn't say she's cute, Trixy. Learn the difference."

Hindi ko sila pinansin at tiningnan muli ang babae. Wala naman siguro masama kung aayain ko siyang sumayaw kahit sandali lang. Pero kinakabahan ako na baka ang lalaking kasayaw niya kanina ay ang kasintahan niya. Ayoko naman yatang mapaaway.

"Why don't you go dance with her, Aries?" wika nitong si Casper na hanggang ngayon kumain parin.

"Yeah, dance with her, She's free." sabi naman ni Haven.

"Yeah, don't be coward."

Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Trixy. Nag-asta siyang walang pakialam sa sinabi niya. Tss! Wala paring pinagbago ang tabas ng bibig niya. Walang pakialam kung masama ba ang sinasabi niya o nakakatuwang pakinggan.

"Go, support ka namin." sabi naman ng babae sa D rank.

Dahan-dahan naman akong tumayo at balak na sanang puntahan ang babae ngunit nakita namin na siya ang papalapit sa pwesto ko. Para akong naestatwa dahil talagang lumapit siya saakin.

"May I have this dance?"

Mahinhin man ay kinilig ako.

Sino ba naman ang hindi kikiligin kung babae na mismo ang mag-aya na sumayaw kasama ka. Pero sa hindi maintindihang nararamdaman, kakaiba ang boses niya.

Paglingon ko sa mga kasama ko hindi ko na kailangang ngumiti dahil sila na ang gumawa nun para saakin.

"I'd love to." wika ko at kinuha ang kamay niya.

Nagbago ang musika at mas bumagal pa ito kaysa kanina. Panibagong pagbagsak nanaman ng mga petals ng rosas ang nangyari.

Nang titigan ko siya bago kami sumayaw at matamis niya akong nginitian.

Ngiting nagpalakas ng tibok ng puso ko.












[ See you on the next Chapter.....]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now