CHAPTER 18

156 16 0
                                    

Chapter 18

ARIES'S POV



"Grandpa! Tasukete!"

That's odd! Tumawag naman ako sa Hamura at alam na alam kong sinagot 'yon ni Lolo. Pero nakakapagtakang walang sumasagot at puro mahihinang ingay lamang ang naririnig ko. Ingay na para bang nasa basement o nasa underground ang lugar. Tunog ng mga ingay o mahihinang sigaw.

Ano naba ang nangyayari doon?! Wag mong sabihin umabot na sa Hamura ang pag-atake ng mga Black forces?!

Tss! Hindi pwede! Nandun si Lolo! Nandun sina Eury! Walang mangyayari sakanila!

"Anata ga miru awarena, Aries Hamura."

Tila ba naestatwa ako sa aking kinaluluhuran. Kilala ko ang boses na 'yun. Boses ng isang taong isa sa mahalaga sa buhay ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang may-ari ng boses........dare?


Nilingon ko ang nagsalita. At halos madismaya ako sa nakuha kong sagot. Hindi nga ako nagkamali. Ang may-ari ng boses na narinig ko ngayon ay walang iba kundi.......




.......si Lolo.











REA'S POV

"Nasaan si Ms. Riku?!" inis na tanong ko.

Sa ngayon, wala akong ibang nakikita sa harapan ko kundi ang babaeng nakamaskara. Hindi ko gustong pansinin 'yon pero pamilyar na pamilyar ang maskara na suot niya. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero hindi ako pwedeng magkamali na nakita ko na siya kung saan.

"Answer me!" sigaw kong muli.

Simula nang makarating ako rito ay wala akong natanggap na salita mula sakanya. Hindi niya ako sinasagot at tanging pagtayo lamang ang ginagawa niya. Hindi ko masabi kung aatake ba siya dahil hindi naman niya hinahawakan ang espada na nasa tagiliran niya. Magiging disadvantage din saakin kung gagamitin niya dahil sa oras na 'to wala akong kadala-dalang anumang armas.

"It's been a while, Rea Collins."

Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Humakbang siya palapit saakin kaya mas naging seryoso pa ako kung tumingin sakanya. Maya-maya lang ay hinawakan niya na ang kanyang maskara kaya naisip kong tatanggalin niya ito. Tch! Ano pa bang ikakagulat ko kung makita ko ang hitsura niya?!

Matapos niya itong tanggalin ay wala akong naging reaksiyon doon. Hindi naman nakakagulat ang pagmumukhang 'yan dahil nagkita na kami noon. Pero may isang bagay na nagtataka ako kung bakit para bang kamukha ko siya.

I don't know, I had no idea!

"Sorry for not telling you about your sister, Rea."

Napalingon ako sa nagsalita. Halos manlaki ang mata ko nang makitang ibalibag sa gilid ko ang katawan ni Aries. Hingal na hingal siya at putok ang kanyang labi. Nagdurugo rin ang kanyang braso kaya naman hinubad mo ang necktie na suot niya at itinali rito.

Pero ang isang bagay na halos hindi ko matanggap ay ang taong nakaupo ngayon sa mataas na trono na kung saan isang matandang lalaki ang malawak ang   ngiti habang nakatingin saamin. Habang inaalalayang makaupo si Aries ay inis ko silang tinapunan ng tingin.

May mga ibang tauhan ang pinalibutan kami. Wala akong nagawa kundi ang tumayo habang saknong si Aries. Wala akong ideya kung paano kami makakalabas pero hindi ko dapat ikabahala 'yon. Kayang kaya ko silang pabagsakin.

"I-I'm glad you're okay, I'm worried a-about you."

Nahihirapang sabi ni Aries. "Kung kaya mo pang magsalita bakit hindi ka magpalakas at tumayo ng maayos?!" inis na sabi ko.

Naiinis ako ngayon! Hindi ako makapaniwalang totoo nga ang sinabi ni Nash! Na si Dean ang pumatay sa pamilya niya. At ang Emperador ay walang iba kundi si Dean. Pero nakakapagtaka kung paano niya minanipula ang mga taong katulad namin. Maging ang apo niya ay hindi niya pinalagpas. Sa palagay ko wala lang si Aries sakanya. He used him to cover up for him! Dahil alam niyang darating ang araw na manghihinala ako sakanya at paniniwalaan ang sinabi ni Nash na masamang tao si Dean!

Ang tanga ko! Masyado akong tanga para mauto ng isang matandang gaya niya! Hindi ko siya mapapatawad! Marami na siyang napatay!

"Dean, Riku-san wa doko?!" inis na tanong ko.

Sandali ang lumipas. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa  balikat ko ni Aries. Masama siyang nakatingin ngayon kay Dean. Ilang segundo pa ay nakita ko ang pagbuhos ng luha niya. Gustuhin ko mang intindihin ay wala akong ideya. Naisip kong masakit malaman na sa ilang taong nagdaan, nasa malapit lang pala ang taong kalaban namin. Hindi na kaduda-duda pa kung bakit galit sakanya si Nash. At galit si Nash kay Aries, dahil simula palang ay alam na ni Nash ang tungkol sa Hamura.

Pero bakit wala man lang siyang sinabi saamin?! Kung  naging maaga lang sana ang pagtutulungan naming lahat, mas maaga rin naming mapupuksa ang matandang 'to. Sa likod ng maamo niyang pagmumukha at kanyang pag-aalaga sa mga estudyante ng Hamura. Hindi namin alam na siya na pala ang matalik naming kaaway sa lahat.

"Rea....." tawag ni Aries. "...a-ako ang papatay sakanya..!"

Hindi man malakas pero ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata. Muling humigpit ang kapit niya saakin pero maya-maya lang din ay bumitaw na siya at tumayong mag-isa. Hirap man ay wala akong magagawa kundi ang pagkatiwalaan siya. Gusto ko rin namang patayin si Dean at ipaghiganti si Nash pero mas magiging masaya ako kung si Aries mismo ang makakapatay sakanya. Dahil nararapat lang naman sakanya 'yan.

"Avenge Nash for me, Aries."

Iyan ang huli kong ibinulong bago pa ako sumugod sa mga kalaban na nakapaikot saamin. Sinabi ko sakanya na bibigyan ko siya ng daan para makalapit siya kay Dean. Sa ngayon, sa oras na matalo namin siya. Si Ms. Riku na ang huling taong makakaharap ko!

Ms. Riku!

Nang makabigay ako ng daan kay Aries ay napansin kong mas dumadami pa lalo ang mga kalaban. Wala akong sapat na armas para sa mga tauhang ganito lalo pa kung hindi gaano magaling ang kalagayan ni Aries. Ang sumama sa laban ang lalaki at babae ay hindi biro.

"AAHH!"

Sa lakas ng pagkakasipa niya sa tiyan ko ay tumilapon ako sa malaking poste. Iyun na siguro ang napakasakit na naramdaman ko. Ang tumama ang aking likuran sa poste.

"REA!" dinig kong sigaw ni Aries.

"JUST GO!"

Tch! My body is not that weak! Yet, I'm feeling a chronic pain! Damn it! Hindi ko inaasahan na sa buong makakalaban ko sa black forces ay may natitira pa pala silang malakas na kaaway. Tch! Masyado kaming sumaya simula nang mamatay ang Emperador. Pero hindi ko inaasahan na hindi pa kami tagumpay! Masyado akong nakampante.

Habang tumatayo ay nakita ko ang paglapit sa harapan ko ng babae. Wala na siyang suot na maskara ngayon at napakablangko ng kanyang reaksiyon. Na tila ba may kung ano sa isip niya ang gusto niyang basahin ko.

"You have the symbol, but it seem to be given in a wrong person."

Matalim na siyang tumingin saakin. Doon lang ako nakatayo ng maayos at hinarap siya.

"Bakit sa lahat ng anak, sa'yo pa ibinigay ang simbolo?! Nakakaawa naman na namatay ang pamilya mo dahil lang sa wala!" sigaw niya.

Humakbang siya ng dalawa at huminto saakin. Bigla siyang ngumisi.


"I mean........pamilya natin!"












[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora