CHAPTER 22

166 13 2
                                    

Chapter 22

REA'S POV

"T-They killed her?!"

"Rea..."

"Hindi ko sila mapapatawad! Papatayin ko sil----"

"Rea!" pinigilan niya ako sa pagtayo. Napabalik naman ako sa pag-upo. "..It's too dangerous!"

Nagsimulang tumulo ang luha ko. Hindi ko na nakayanan at mas lumala pa ang pagbagsak nito. Nasasaktan ako, hindi ko alam kung bakit. Wala ng natira sa pamilya ko. Lahat kinuha na nila. Lahat pinatay nila! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!

"I won't forgive them!" Tumayo akong muli. "Where's her body? I need to see her body, Senpai!"

Tumayo naman siya habang nakatingin saakin.

"Iniwan ko siya kay Aries, alam kong nakalabas sila dito kanina pero hindi ko nakitang kasama ni Aries si Ms. Riku nang maibalik siya rito."

Kung ganun, naiwan sa labas ang katawan ni Ms. Riku? Kailangan kong makita ang katawan niya, hindi ako aalis sa lugar na 'to hangga't hindi ko nakikita ang katawan niya.

"Senpai, I have a plan. Will you help me with it?"

Napalunok siya. "Kinaabahan ako sa plano mo pero sige, tutulong ako."

Hindi ko sila hahayaang mawala sa landas ko ngayon. Isa-isa silang mamamaalam dito!










EURY'S POV

Hideout? Ito ang sinasabi nilang hideout ng Hamura High? Napakalalim na hagdan ang tinahak ko bago ako makababa sa pinakadulo nito. Ginamit ng tatlo ang elevator papuntang ibaba, transparent pa ito kaya nahirapan akong sundan. Sumunod nalang ako kaagad pagkababa nito at hindi nga ako nagkamali. Nandito nga ang mga rango.

Bakit naman nandito sila? At mukhang nahihirapan sila sa loob.

"Anong balita? May buhay paba sa itaas?"

Nagtago ako sa isang malaking tangke. Habang nag-uusap ang dalawang lalaki ay sinilip ko ang kaharap nilang kwarto. Gulat kong tiningnan kung sino-sino ang nasa loob, yun pala ay ang mga rango na nag-aagaw buhay. Mukhang may tubig sa loob dahil may mga nakalutang na paa at paniguradong nasa loob niyan ang mga hinahanap ko. Kailangan ko nalang mapabagsak sila at kung paano sila mailalabas sa loob niyan.

Pero.......?


...paano?










NOZOMI'S POV

What? Destroy this place?

"I...want to destroy this place, Nozomi-senpai."

"Wait, Rea, what are you thinking? Are you planning to sacrifice------"

"No," she paused. She then smiled at me. "I will never do that."

Sa oras na ito wala akong ideya kung bakit iyun ang naisip niyang plano na gawin namin. Totoo ngang yun nalang ang paraan para mapabagsak lahat ng Black forces, pero kung kaming dalawa lang ang kikilos, paano naman namin matataniman lahat ng bomba ang buong ruta nila? Masyadong gahol sa oras at hindi ko alam kung kakayanin namin.

"B-But...how? Tayong dalawa lang ang kikilos, paano natin matataniman ng bomba ang buong paligi-----"

"Ngayong ang mga tauhan ni Dean ay nasa iisang lugar nalang, area nalang nila ang kailangan taniman. 'Wag kang mag-alala, alam ko kung saan nakatago ang mga yun. Nadaanan ko kung saan nila nilalagay ang mga mapanganib na bagay."

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang plano niyang gagana pero tama naman siya. Nasa iisang lugar nalang ngayon ang mga kalaban namin. Pero sa kondisyon ni Rea ngayon, masyadong malabong magawa kaagad namin ng maaga. Sa tingin ko kailangan muna namin siyang mailayo sa lugar na ito, pero kailangan niya ring makita si Ms. Riku. I doubt that Rea would listen to what others say kahit pa si Aries.

"Rea," Tumingin ako sa sugat niyang kumakalat na sa damit niya ang dugo. "Y-You're bleeding too much!"

What should I do? Hindi pwedeng siya ang pakilusin ko lalo pang marami na siyang nawalang dugo. Paniguradong nanghihina na rin siya ngayon hindi niya lang pinapahalata. If she continue to force herself to do anything dangerous....she'll die.

And I can't let that happen...or else, Aries would kill me!

"Rea, it's too risky if you walk-------"

"I-I'm fine, really."

Nilagpasan niya lang ako at naglakad. Parang hindi niya iniinda ang sugat niya. I can't believe she's so strong to handle her wound. Parehong pareho sila ng pinsan niya. Nasa dugo nila dumadaloy ang pagiging Collins. Hindi ko maiwasang humanga.

Malayo na ang nalakad niya kaya sumunod ako kaagad.  "I'll protect you no matter what..just don't force yourself, okay?"

Wala akong natanggap na salita mula sakanya at patuloy lang siya sa paglalakad. Samantalang, napapatingin naman ako sa baba dahil sa dugong naiiwan niya sa sahig habang naglalakad. Hawak hawak niya ang tagiliran niya at hindi ko maiwasang mag-alala. Normal ang paglakad niya't hindi ko siya makitaan ng panghihina. Just now.....What kind of girl is this?! It's like she's numb to feel the pain in her wound.

Kasalukuyan siyang huminto at sumilip sa kung saan. Maya-maya ay bigla siyang tumakbo hawak-hawak ang tagiliran. Hindi muna ako sumunod at hinayaan siyang senyasan ako. Nilingon ko naman ang paligid kung may kalaban bago muling tingnan si Rea. Tanaw ko kung paano siya napapikit sa sakit habang hawak ang sugat niya. Pagkatapos nun ay saka niya ako sinenyasan na sumunod.

"Rea, are you okay? I know you're in pain, don't force your-----"

"Over there! We  need to go inside!" bulong niya.

Mukhang hindi niya ako narinig, basta nalang siyang tumakbo papasok kaya sumunod kaagad ako. Ilang sandali pa ay huminto kami sa tapat ng maraming.....

.....time bomb?

"Time bomb, This is enough to destroy this place."

Hindi ako sigurado sa gagawin namin. Pero since plano naman ni Rea ito ay sigurado akong gagana siya. After all, siya lang ang nakaisip nito at hangga't meroon kami ng time bomb na ito katapusan na ng mga Black Forces. Pero.....paano ang kalagayan ni Rea? Paniguradong------!

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakaluhod na si Rea habang hawak-hawak ang kanyang sugat. Nakatukod ang isa niyang tuhod kaya hindi ko malaman kung gaano naba kalala ang sugat niya.

"Rea!" taranta ko siyang tinapatan ng pantay. Namumutla na ang hitsura niya pero napakatapang parin ng kanyang mga mata. Masyado na siyang pinagpapawisan. " Please, hang in there. You can't die!"

Narinig ko siyang ngumisi.

"A-Ayos lang ako, kaya ko pa, bilisan na natin. Nag-aalala ako sa mga kasama natin."

Tumayo siya at kumuha ng ilang piraso ng time bomb. Nakapatay pa ito kaya binuksan namin isa-isa. Marami rin akong binuksan at 5 minutes lang ang itatagal niya bago sumabog. May iba naman na ginawa kong isang oras. Limang time bomb ang nasa kamay ni Rea, punong puno ang kamay niya kaya naman walang humahawak sa sugat niya at patuloy ang pagpatak nito hanggang sa hita niya.

Kaya naman hinubad ko ang necktie ko saka itinali sakanya. Hindi ko kayang tingnan siya ng ganito pero anong magagawa ko? Nakakainis lang na kailangan naming unahin ang mga kasama namin bago ang kalagayan ni Rea. Saaming lahat, siya ang mas nanganganib pero heto siya't ginagawa ang plano niya.

Kung patuloy niyang pipilitin ang sarili niyang kumilos......hindi ko masisiguro ang kaligtasan niya pagtapos nito!






[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now